-------/ 39th Boundary /------

247 13 6
                                    

—-/ Mean's POV /—-



Balik trabaho ulit ako. Tinignan ko ang mga files at documents na naiwan ko simula ng magkasakit ako ng 3 araw. Ayun. Bundok lang naman siya. Napabuntong hininga ako. Pasalamat na lang ako at maayos at advance lagi ang pag-aayos ng mga documents at files kung hindi baka hindi lang bundok siya. Baka burol na. I mean by burol, Chocolate Hills ng Bohol ang dating niya sa dami.



Sinimulan kong tignan ang mga documents. Inuna ko sa araw na umabsent ako. Naging abala naman ako. Maya-maya lang ay dumating si Sir Paul.



"Good morning Mean. Are you okay? You sure you can work? You can rest if you want to." Nag-aalalang tanong nito. Ngumiti naman ako dito.




"Good morning. Yes Sir Paul!" Nakasaludo kong sabi. "Magaling na magaling na ako at kayang-kaya ko ng magtrabaho."




Ngumiti ito. "That's good to hear. I'm really glad to see you around here."

Okay. Aaminin ko na. Kinikilig ako. Naalala ko na naman yung sulat niya.




I miss you.



Ayiieee...



Nagpipigil akong ngumiti pero nakita ni Sir Paul yan.



"Heee..what's the meaning of that suppressing smile? Care to tell me?" Nang-aasar na sabi nito.




"Wala Sir Paul. Nauutot lang ako." Nakanguso kong sabi dito. Tumawa naman ng malakas ito. Hinabaan ko lang ang nguso ko.




"Okay, okay. I won't pry. But, if you really feel that, then don't hesitate to...uhmm..you know." Nagpipigil din ang ngiti nito.




"Don't worry Sir Paul. Umurong na. Nahiya bigla." Nakangiti kong sabi dito. Napailing lang ito.




"Coffee, please. Thank you." Sabi lang nito at pumunta na sa opisina nito. As usual, punta sa pantry para magtimpla ng kape nito. Naalala ko ang binake ko kagabi.




Oo nagbake ako. Chocolate cake. Bakit ako nagbake? Wala lang. Ipapaalala ko lang na HRM grad ako. Anong comnect? Wala din. Alam ko ang nasa isip niyo?

Beyond the boundary (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon