-------/ 44th boundary /-------

231 12 2
                                    

—-/ Mean's POV /—-


Kasalukuyan kaming kumakain ng tanghalian. NAsa isang pabilog kaming lamesa sa may isang lanai nila.


"So, Mean. How did you find the place? So peaceful and calm, right?" nakangiting tanong sa akin ni Sir Pablo.


"Uhmm...yes Sir Pablo. Napakarelaxing nga po ng place niyo." nakangiti kong sagot tapos yumuko. Nahiya ako bigla ng maalala ko kung paano ko sabihin na haunted house ang lugar nila.


"I know that it is secluded but I love it more because of it. You know, it's like finding a paradise at the end of the tunnel,right?" nakangiting dagdag pa ni Sir Pablo. Napatango ulit ako. Pasimple kong tinignan si Sir Paul at nakita ko na nagpipigil ito ng ngiti. Gayun din si Tita Grasy. Mukhang napansin naman ni Sir Pablo yun. "What's wrong?" nakakunot noo na tanong nito. Umiling naman yung dalawa. Nagkibit balikat lag si Sir Pablo. Tsk. Alam ko na kung bakit. Tungkol yun sa haunted house. Malay ko ba. Syempre nasa labas lang namin nakikita tapos pag madilim, malamig pa tapos napakatahimik. May mga tsismis pa nga noon na pag pumasok ka di ka na makakalabas eh.


"Son, it's still early before the party, why don't you show her around the place to pass time. If it's okay with you and if she wants to." biglang sabi ni Sir Pablo ng matapos kaming magtanghalian. "Do you want to take a look at our home,Mean?"



Uhmmm...oo ba ako?...medyo nakakahiya naman kung tatanggi ako kaya "Kung ayos lang po kay Sir Paul." sagot ko. Kung ayaw ni Sir at least di sa akin ang sisi. Hahahaha. Ang sama ko.



"Sure. My pleasure." sabi ni Sir Pauk at tumayo. Humarap sa akin at inilahad ang kamay nito. "Lets go?" nakangiting tanong nito habang nakalahad pa din ang kamay. Parang may sariling utak ang kamay ko at inabot ito.



*badump* *badump* *badump* *badump* *badump* *badump* *badump*

*badump**badump* *badump* *badump* *badump* *badump* *badump*



"Okay. Lets go. Excuse us." sabi nito at nagpaalam na sa mga magulang nito. Magalang din akong nagapaalam sa kanila.



"Enjoy!" sabay na sabi ng mag-asawa at kumaway pa. Kumaway din ako gamit ang isa ko pang kamay dahil hawak pa din ni Sir Paul ang kamay ko. Naglakad na kami na magkahawak ang kamay. Tahimik kami. Pero.kahit ganoon, masaya ako.



Eeeeeee...magkahawak kamay kami eh. Bakit ba? Pasipol sipol pa ako habang naglalakad kami at di ko napansin na sa may isang bahay ba ito? Tinigna kong maigi. Parang koral...ng ano? At nang makapasok kami ay nanganga ako. 


Mga kabayo! At alam mong may class ang breed ng mga ito.


Lumapit kami sa isang koral. Isang napakaputing kabayo ang nandoon. Nilapit ni Sir Paul ang kamay niya at agad na inamoy ng kabayo yun.


Beyond the boundary (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon