-------/ 43rd boundary /-------

242 11 0
                                    

--/ Mean's POV /--



Pagkatapos kong ayusin ang sarili ko ay bumaba na ako para mag-almusal. Nakita kong patapos na si Nanay kaya ako na lang kumain. Nang matapos ako ay agad kong hinugasan ang pinagkainan ko.




"Nanay, si Tatay po?" tanong ko kay Nanay.




"Nasa rooftop. Nagdidilig." sagot nito at abala sa pagtatahi.




Tumango naman ako. "Puntahan ko lang po si Tatay, Nay."




"Sige. Dalhin mo na din ang gamot at isang basong tubig. Oras na ng pag-inom niya."




"Opo." sabi ko at sinunod ang sinabi nito. Umakyat na ako sa rooftop at naabutan kong nagdidilig si Tatay.




"Tatay. Ito po ang gamot at baso ng tubig. Uminom na po kayo para mas mabilis po ang paggaling mo." sabi ko dito at umupo sa isang maliit na sofa doon. Nilagay ko na din sa lamesita ang baso ng tubig at ang gamot nito.




Naghugas muna ito ng kamay at pagkatapos nito ay pinatay ang gripo at nilagay sa isang tabi ang tubo ng tubig. Pumunta ito sa akin at ininom ang gamot nito. Pagkatapos nito ay tumabi ito sa akin.




"Tay, huwag mo pong masyadong pagurin ang sarili mo. Alalahanin mo po na kakalabas mo lang po mula sa ospital." nag-aalala kong sabi dito.




"Huwag kang mag-alala. Ehersisyo ito para sa akin. Salamat sa pagdala ng gamot sa akin, Baby." pasasalamat ni Tatay at hinalikan ako sa noo. Niyakap ko naman ito. Tahimik lang kami. Maya-maya lang ay nagtanong si Tatay. "May gumugulo ba sa isip mo, anak?" malumanay na tanong nito sa akin. Nakayakap pa din ako dito.




"Tay, paano mo ba masasabing nagmamahal ka na?" tanong ko dito. Tumingin ako dito. Nakita kong ngumiti ito.




"Paano nga ba?" tapos nag-isip ito. "Pumikit ka muna." pumikit naman ako. "Magtatanong ako. Pero ang sagot mo ay dapat sang-ayon ang isip at puso mo." sabi nito.Tumango ako. "Sa tuwing magkasama ba kayo, masaya ka?" Tanong nito. Inisip ko ang bawat araw na magkasama kami ni Sir Paul. Tumango naman ako. "Nabubulol ka ba sa tuwing magkausap kayo?" nangyayari nga yun minsan. Tumango ulit ako. "Mabilis ba lagi ang tibok ng puso mo sa tuwing nakikita mo siya?" Oo. Lalo na pagnagkakalapit kami ng sobra. Sunod sunod ang pagtango ko.

Beyond the boundary (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon