-------/ 46th boundary /-------

213 11 0
                                    


---/ Mean's POV /---


Nagising ako ng maramdaman kong may tumatamang sinag ng araw sa mukha ko. Umaga na pala. Bumangon ako ng nakapikit pa din. Nag-inat at nagkamot pa ako ng tiyan. Nakarinig ako ng katok at agad na pinagbuksan ang pinto habang nagkakamot ng tiyan.


"Just woke up, I guess." at tumawa pa ng mahina.


Dahil sa narinig ko ay agad akong napadilat. Nakita ko si Sir Paul na nasa harapan ko.



Hala! hindi pa ako naghihilamos o toothbrush. Tapos naalala ko na nasa tiyan ko pa yung kamay ko kaya agad kong tinanggal yun. Pasimple kong inayos ang buhok ko.


"Good morning Sir Paul." bati ko at tipid na ngumiti dito. Mahirap na baka maamoy nito ang hininga ko a biglang bumalik ito sa pagtulog.


"Good morning too, Mean." nakangiting bati nito sa akin. "Breakfast will be ready. Just want to let you know. I'll be waiting downstairs,okay?" tumango naman ako. Tapos nun ay umalis na ito. Agad kong sinara ang pinto at dumiretso sa banyo. Humarap ako sa salamin at napanganga sa itsura ko. Sabog sabog yung buhok ko. May muta pa ako sa magkabilang mata. May mga bed marks pa ako. Napakamot ako.


Ano ba yan. Iisipin ko muna kung paano ko aayusin ang sarili ko bago ako magtapat.


Agad na naligo ako. Pagkatapos kong maligo at magbihis ay bumaba na ako. Nakita ko sa isang sofa si Sir Paul at nagbabasa ng dyaryo. Kahit sa pagbabasa ng dyaryo si Sir Paul ay mukhang kagagalang galang ito. Di tulad ng itsura ko kanina. Mukha akong nakipagwrestling.  Naramdaman siguro nito na nakatingin ako kaya tumingin ito sa akin.


"Lets go. Breakfast is ready." sabi nito at binaba na ang dyaryong hawak nito. Tumayo na ito at sumond dito. Naglakad papunta sa komedor kung nasaan ang lahat.  nasa sentro si Sir Pablo at nasa kaliwa nito si Tita Grasy. Nasa kanan naman nito ang mag-asawang Alfredo at Nina. Katabi ang anak na si Nika.


"Oh there you are. Sit beside my daughter, Paul." sabi ni Sir Alfredo. Tumingin muna ito sa akin at umupo na sa tabi ni Nika. Nakita ko naman  na sinenyasan ako ni Tita Grasy na umupo sa tabi nito kaya umupo ako. Nagsikain na kami. Masaya silang nagkukwentuhan. Maya-maya lang ay kianusap ako ni Sir Alfredo.


"You're Mean, right?" tanong nito sa akin.


Ngumiti naman ako. "Hello po Sir Alfredo. Hello din po Maam Nina. And hello too, Maam Nika. Yes po. I'm Mean. Mean Rogacion. Sir Paul's secretary." magalang kong pagpapakilala dito.


Ngumiti ito sa akin. " I heard a lot about you from them." sabi nito at turo sa mag-asawa. "They told me that you are the longest secretary Paul ever have. So I guess, you always do your job well." nakangiting puri nito.


Ngumiti ulit ako dito. "Thank you Sir Alfredo. As his secretary, I have to do my best for the company." professional na sabi ko. 

Beyond the boundary (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon