-------/ 49th boundary /-------

250 12 15
                                    

---/ Mean's POV /---


Table -check.

Candles - check.

Roses -check.



Basag kong puso -check na check.


Naiconfirm ko na din sa hotel ang dinner for two sa Sabado.


Naihanda ko na ang romantic dinner na pinapaset sa akin ni Sir Paul. Ngayon ay hinahanda ko ang resignation letter ko.



Oo resignation. Magreresign na ako. Nabigla kayo? Ganun talaga. Bakit? Simple lang...ayaw ko naman na dumating ang isang araw na pinong pino na ang puso ko dahil sa sobrang pagkabasag niya. Hindi naman ako masokista para panoorin lang sila at pakinggan ang kwento ni Sir Paul tungkol sa kanilang dalawa. Aalis na ako habang may natitira pa sa akin. At least masisimulan ko pang buoin yung puso ko habang maaga.



Handa na ang resignation letter ko. Ang pagpapaalam na lang ang gagawin ko. Pero paano?



Alangan naman na sabihin ko na 'Sir Paul! Good morning! Mareresign na ako today so good bye na din!'



Mukha naman akong ewan doon.


Pero kaya ko ba talagang umalis? Yung hindi na siya makita pa?


Napabuntong hininga na lang ako. Bahala na.


"Good morning Mean. Is everything alright?" biglang sabi ni Sir Paul.


Nagulat ako doon kaya biglang napahawak ako sa dibdb ko. "Good morning Sir Paul." nakangiti kong bati ng makabawi ako mula sa pagkabigla ko.


"Are you okay, Mean?" nag-aalalang tanong nito.


Oo naman. Matapos kong ayusin yung proposal na gagawin mo. Okay na okay ako.


Tumango lang ako. "Oo naman Sir Paul. Nabigla lang ako." ngumiti pa ako dito. Tumango naman ito.


"About what I asked you before..."


"Yes Sir Paul. Okay na po ang lahat."


"Thank you Mean. I owe this to you." Ngumiti lang ako dito. At pumasok na sa opisina nito. Napatingin naman ako sa resignation letter ko. Siguro ibibigay ko na lang pagkapropose ni Sir Paul kay Nika. Masiguro ko lang na successful ang proposal nito, okay na ako.




Kahit sobrang sakit nun sa akin.

Beyond the boundary (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon