-------/ 40th Boundary /------

195 13 3
                                    

—-/ Paul's POV /—-



Papunta na ako ngayon sa mini grocery malapit sa opisina. Pumasok ako at tulad ng dati nagtinginan sa akin ang mga tao. Hindi ko alam kung bakit sila nakatingin sa akin. tapos magbubulungan pa. May dumi ba ako sa mukha? Masyado bang pormal yung suot ko? Siguro. Galing ako sa importanteng meeting kaya dapat talaga pormal ang suot ko. Hinanap ko agad ang kailangan kong bilhin. at ng nandoon na ako ay hinanap ko agad.




"Red Rescue...Red Rescue..." sabi ko habang hinahanap yun.




"Ito ba ang hinahanap mo?" sabi ng isang dalagita sa tabi ko.



Agad naman akong natuwa ng makita yun. pero maya-maya ay may naalala ako. "Is that the with wings type?" medyo nahihiya kong tanong.



"Ahh...yung with wings. Sandali lang ha." sabi nito. Kinuha naman ng dalagitang kasama din nito ang sinabi ko.



"Ito yung with wings oh." sabay abot sa akin.




Medyo naalangan akong tinaggap yun. "Thank you." sabi ko at ngumiti sa mga ito. Umalis na ako at pumunta sa counter.



"Eeeeeeeeeee..ang pogiiiiiii." kinikilig na impit na tili nung isa. Sumang-ayon naman agad yung isa.



Okay. This is pretty embarassing. I never thought that one day, pupunta ako sa isang store para bumili ng napkin. Never ko ngang nabilhan ng napkin ang nanay ko eh. Si Mean ang pinakauna. Napailing na lang ako. Pumila na ako papunta sa counter. At dahil matangkad ako ay kitang-kita ko ang pagbubulungan ng mga nasa paligid ko. Iniisip ko kung bakit kailangan nilang magbulungan ng nakatingin sa akin. Ngayon lang ba sila nakakita ng llaki na naka amreicana? Umiling na lang at hindi ko na lang pinansin. At ng nasa counter ako ay napanganga ang cashier. Agad naman nitong inayos ang sarili.



"Good morning Sir." ngiting-ngiti na bati sa akin ng cashier.



Ngumiti naman ako ng tipid dito. "Good morning." Nilagay ko na sa tapat niya ang hawak kong pack ng napkin. Agad naman na dinaan sa swipe ang napkin.



"Is that all,Sir?" nakangiting tanong ng cashier. Tumango naman ako. "That's ten pesos, Sir." sabi nito at agad ko naman na dinukot ang pitaka ko a kumuha ng pambayad. Dahil wala akong ten pesos na papel ay inaabot ko dito ang Limang daan na meron ako.


"Uhmm...Sir, wala ka po bang ibang papel? mas maliit diyan? or coins? Wala kasing panukli sa ganyan." medyo alangan na sabi nito.

Beyond the boundary (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon