-------/ 27th Boundary /------

234 15 2
                                    


---/ Mean's POV /---

Dumaan din ang ilang linggo matapos ang mga nangyari. Oo ganun kabilis. Hindi ko naman pwedeng sabihin ang nangyari sa araw-araw kasi hindi naman ito diary. Balik tayo sa usapan. Tinignan ko ang schedule ni Sir. Ayun, ayos naman. Hahahaha. Balik ulit tayo sa usapan. Anniversary ng AHI sa Sabado. Malaking handaan ang gaganapin sa isa sa hotel ng AHI. At isa lang ang ibig sabihin nun. Nagniningning na PAGKAIN. Excited na ako.

"Sir Paul, remind ko lang po yung tungkol sa anniversary party ng AHI sa Sabado." Sabi ko kay Sir. Tumango lang ito.

"You're excited for it, aren't you?" Biglang sabi ni Sir. Nagulat ako. Hala! Paano nalaman ni Sir yun? Halata ba?

"When it comes to party, the first thing that enters in your mind is food." Sabi nito na parang nabasa ang nasa isip ko. Napanganga ako. Hala ulit! Ang galing ni Sir ha.

"We've been together for a couple of months so more or less I already know you. And I'm pretty sure that you already know me too." Dagdag pa nito. Napangiti ako. Ang galing ulit. May point nga siya doon.

"Sir Paul, ano po ang menu sa Sabado?" Tanong ko dito.

"I don't know but I'm sure that they will serve the best food of our hotel. So look forward to it." Sabi nito sabay ngiti. Naglaway agad ako sa sinabi nito. Best food daw. Nakakain na ako minsan ng best dish ng hotel nung may kameeting si Sir. Heaven mga brad!

"Excited na po ako Sir Paul. Mabubusog na naman kami ng anaconda ko." Ngingit ngiti ko sabi. Umiling lang ito. Kilala na nga ako nito pagdating sa pagkain.

"By the way Mean, when was the last time that you wore a dress?" Tanong ni Sir.

Nag-isip muna ako. Kailan nga ba? Hmmmm...

"Nung JS Prom po namin Sir Paul." Confident na sabi ko. Napabuntong hininga ito. Kumunot ang noo ko. Tapos kinibit balikat ko na lang ang reaksyon nito.

Sabado.

Ang bilis noh? Hahahahaha. Maaga akong nagising para mamili ng isusuot ko. Nilabas ko lahat ng damit ko. Napailing na lang ako. Wala akong isusuot para sa party mamaya. Hindi naman pwedesi Diane ngayon dahil may trabaho ito ngayon. Naiiyak na ako. Patay ako nito. Sinabi ni Sir Paul na pupunta siya dito sa bahay ng mga alas- quatro ng hapon. Hindi ko alam kung bakit maaga. At ng magaalas-quatro na ay hindi ako mapakali. Nakaligo na naman ako at nakacasual na, pero baka magalit si Sir Paul dahil wala akong damit. Sasabihin ko ang totoo na wala akong dress. Kinakabahan na ako. As in sobra na. At ng narinig ko nang dumating si Sir Paul, lalabas na ata ang puso at baga ko. Tinawag na ako ni Nanay at sinabing nasa baba na si Sir Paul. Bawat hakbang ko ay pakiramdam kong isa-isang nalalaglag ang organs ko. At ng makababa ako ng tuluyan, puso ko na lang ata ang natira. Nakita ko itong nasa sofa at naghihintay. Nakacasual lang din ito.

Beyond the boundary (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon