-------/ 41st Boundary /------

218 11 2
                                    

--/ Mean's POV /--




Hindi ko alam kung paano ako nakauwi ng bahay. Nakakain na din kami ng hapunan. Nasa kwarto ako ngayon. Inaalala ko ang mga nangyari.




Muntik ng malaglag ang puso ko kanina. Muntik na akong mabuking pero nalulungkot kong di ko mawari. Oo masaya ako na hindi niya nalaman. Makakakilos pa rin ako tulad ng dati. Pero nalulungkot ako at nagsinungaling ako sa kanya.




Dapat ba na sinabi ko ang totoo o paninindigan ko ang pagsisinungaling ko?



"Arrrggghhhhh!!!!" Sigaw ko tapos sinabunutan ko ang sarili ko. Naalala ko pa ang sinabi ni Sir Harry.






"It seems that you really like him. Or rather...you're inlove with that guy."







"Hindiiiii!!! Crush nga lag okay, crush lang." pangungumbinsi ko sa sarili ko.






Sinong niloloko mo?





"Ha? Sino yun? Hala nagiging baliw na talaga ako. Tutulog na ako." Natatakot kong sabi at agad na nagtalukbong ng kumot. Nagdasal na din ako at nakatulog din ako.








Kinabukasan, tulad ng dati. Maaga ako sa opisina para asikasuhin ang mga bagay bagay. Abala ako sa pag-aayos ng mga papeles ng malaglag ang iba. Agad kong dinampot ang mga yun at ng kukunin ko na ang panghuli ay may nag-abot na sa akin nito. Pagtingin ko ay nakangiting mukha ni Sir Paul pala.



"Good morning Mean. I've been calling you but I guess you are preoccupied wih something. Are you okay?" Nag-aalalang tanong nito. "Oh. Here." sabay abot ng papel na nahulog. Nakatulala pa din ako. Bakit parang pagwapo ng pagwapo si Sir Paul? Hindi naman siya ganito dati ha? I mean, okay, aaminin ko na gwapo siya...pero iba na ngayon eh...mas na...mas...mas lalong...




"Gwapo." bulong kong sabi. Nagulat ito. Tapos kumunot ang noo. At doon ko lang napagtanto ang sinabi ko. "Gwa...Gwad morning po, Sir Paul. Nagkape ka na?" Alanganing ngiti ang binigay ko.

Beyond the boundary (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon