-------/ 28th Boundary /------

222 12 1
                                    


---/ Mean's POV /---

Nakatulala lang ako sa harap ni Sir. Kailan nga ba yung huling titig ko ng malapitan sa mukha niya? Ahhhh. Noong nasa Boracay kami at nasa baba siya natutulog. Pero nakapikit siya noon. Ngayon hindi. Hala, ang bilis bilis ng tibok ng puso ko. Hindi naman ako gaanong nagmadali sa pagtakbo. Mukhang kulang na ako sa exercise na takbo kasi nung nasa Cozy pa ako, ritual ko na yun eh. Sa opisina, lagi akong nakaupo. Kaya siguro napagod ako kahit konti pa lang ang takbo ko. Tumango-tango pa ako sa isip ko lang ha. Naputol ang pag-iisip ko ng magsalita si Sir Paul.

"Are you okay, Miss?" Nag-aalalang tanong ni Sir. Hala, miss daw. Hindi niya ako nakilala? Ganun ba kakapal ang make-up ko? Tinulungan din ako nitong makatayo ng maayos.

"Sir Paul, makapal po ba yung make-up ko?  Ginawa po ni Ate Olive na coloring book yung mukha ko." Pagsusumbong ko dito.

"Mean?" Gulat na gulat nitong sinabi ang name ko. Kailangan talagang magulat ng ganun? Makapal siguro talaga ang make-up ko.

Tumango-tango ako dito. "Yes Sir Paul. Ako nga po. Hindi po ata maganda ang ayos ko. Sandali maghihilamos lang po ako. Makapal po ata talaga make up ko eh." Sabi ko at akmang aalis na ng bigla akong pigilan nito. Nilingon ko ito.

"No. It's not. You look...amazing." sabi nito at kita mo sa mga mata nito na nagsasabi ito ng totoo. "Why did you think like that? Did you look at yoursef in the mirror?" Takang tanong nito. Umiling lang ako.

"Naku bata ka. Nagtatakbo ka alam mo naman na mataas yung heels mo. Hindi mo man lang tinignan muna ang sarili mo." Biglang singit ni Ate Olive. Tapos tumingin ito kay Sir Paul. "O Paul nandito ka na pala. Tignan mo ang ginawa ko. Ang ganda noh?" Taas baba pa ang mga kilay na sabi nito.

Tumango-tango lang si Sir Paul. "Yeah. You did a great job." Sabi nito at nakatingin pa rin sa akin. Kumabog ng todo yung didbdib ko. Napalunok pa ako. Aba, mukhang kulang na talaga ako sa exercise.

"O narinig mo yun? Halika nga dito at aayusan ulit kita. Bakit ka kasi nagtatakbo?" Napapailing na sabi ni Ate Olive at hinatak na ako papasok sa loob. Sumunod din sa amin si Sir Paul. Nang makapasok kami ay niretouch ni Ate Olive ang make-up ko. Nang matapos kami ay sajka niya ako hinatak papunta sa isang full length size na mirror. Nang makatayo na ako sa harap nun ay gulat na gulat ako with matching super laglag ng panga. Nilapitan kong maigi yung salamin. Nagmake face ko. Sumayaw pa ako ng konti. Mukha na nga akong engot eh. Nagtry pa akong magacting ng doble kara.

"Oh Romeo, where thou art been?" tapos kabiLang side. " Oh, Juliet, in the kitchen. I got hungry from waiting." Tapos lipat ulit. "Oh Romeo,  You should've told me. I'll join you."  may matching actions pa at expressions yun.

At ng makumpirma kong ako nga ang nakikita ko ay napanganga ulit ako. Napurong pa ako. Kaya pala gulat na gulat si Sir Paul ng makita niya ako.

"Ako ba talaga ito?" Gulat na gulat kong sabi. Maya-maya lang ay narinig kong tumatawa ng malakas si Ate Olive.

Beyond the boundary (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon