-------/ 35th Boundary /------

165 11 4
                                    

--/ Mean's POV /--


"Bukas ka na magsisimula agad ha?" sabi ni Sir Juan. Siya ang manager ng kumpanya na pinagtratrabahuan ni Diane.


"Maraming salamat po talaga Sir Juan. Paghuhusayan ko po ang trabaho ko." Hindi ako magkandaugaga sa pagpapasalamat dito.


"Diane, ikaw na ang bahala sa kaibigan mo ha." Sabi ni Sir Juan kay Diane. Nagpasalamt din si Diane. Umalis na din si Sir Juan at umuwi na kami dahil gabi na din.



Nang mangyari ang insidenteng yun ay tumawag agad ako kay Diane upang ipaalam dito. Humingi na rin ako ng tulong hanapan ako ng isa pang trabaho bilang dagdag para sa pampaopera ni Tatay. Agad naman tumawag si Diane sa manager at nagkataon na kaiLangan niLa ng maglilinis pa ng opisina sa gabi. Sinabi ni Diane ang situasyon ko dito at agad naman akong tinanggap.


"Bess, thank you talaga ha. Hindi mo lang alam kung gaano kalaki sa akin ang tulong na to." Maluhaluha kong sabi kay Diane ng makarating kami sa bahay ko. Hinatid niya muna ako dahil nag-aalala ito na baka kung ano ang mangyari sa akin sa daan.


Hinawakan nito ang kanang kamay ko. "Sus naman. Wala yun noh. Syempre tutulungan kita. Parang kapatid na din kita saka parang Tatay ko na din ang Tatay mo kaya."


Niyakap ko ito. "Salamat talaga Bess." Yan na lang ang sinabi ko habang yakap ko ito. Hinagod naman ni Diane ang likod ko.


"Walang anuman. O sya, pumasok ka na at magpahinga ka. Dalawa na ang tranpbaho mo bukas kaya kailangan mong maging mas malakas. Huwag ka ng masyadong mag-alala. Gagaling din si Tito. Malakas kaya yun." Sabi ni Diane. Tumango tango ako dito at nagpaalam na dito.



Nang gabing mahiga ako, naalala ko na naman ang nangyari kay Tatay at hindi ko nanaman mapigilan ang umiyak. Iisa lang ang nasa isip ko ngayon. Ang magdasal. Ang manalig na malalampasan namin ito. Na hindi Niya kami pababayaan. Pagkatapos nun ay nakatulog na ako.




--/ /--


Katulad pa rin ng dati ang ginawa ko kinabukasan. Inaayos ko anv mga dapat ayusinat hinahanda ko ang mga kailanga. Pumunta muna ako sa banyo para ayusin anb sarili ko. Kitang kita nag pamamga ng mga mata ko mula sa pag-iyak ko kagabi. Naghilamos ako. Ayaw kong malaman ng iba ang situasyon ko. Hangga't maari ay gusto kong maayos ito ng kami lang ang may alam. Nang matapos ako ay bumalik na din ako. Nasa desk ko na ako ng dumating si Sir Paul. Binati ko ito at binati din ako at tulad ng fati ay humingi ito ng kape na agad ko naman tinimpla at binigay dito.



"Sir Paul, ito po ang mga documents na kailangan mo pirmahan. Ito naman ang mga kailangan mong ireview. Ito naman yung mga urgent na." Paliwanag ko dito.



"Mean, are you okay?" Tanong nito. Nagulat ako.

Beyond the boundary (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon