Alana Amoire's Point of View
7 years later,
"Ms. Alana, the president wants to meet you right now. He said that it is very important." Jaidee suddenly announced while standing near my table. He's one of my junior co-writer.
Napatigil naman ako sa pagtipa sa computer ko ng marinig ko ang pangalan ko. Mahina na lang akong napabuntong-hininga pagkatapos ay labag sa loob na tumango. "Okay, thank you, Jaidee." Pagpapasalamat ko at ngumiti ng tipid sa kanya.
He smiled back. "No problem, Ms. Alana. I gotta go now because I need to do something important also." Aniya pagkatapos ay parang bula na nawala sa paningin ko.
Tinurn-off ko muna ang computer ko pagkatapos ay tumayo na. Knowing my boss, he's very impatient. Daig pa niya ang may reglang babae sa sobrang init ng ulo. Mabuti na lang talaga at mataas siyang magpasweldo dahil kung hindi ay hindi na talaga ako papasok.
Sumakay na lang ako sa elevator pero kung hindi lang importante ay mas gusto kong mag-hagdan na lang. Pakiramdam ko kasi para akong lumulutang kapag nakasakay ako ng elevator 'tas dagdag mo pa na madali akong mahilo. Hindi ko din alam kung bakit, tanong na lang ninyo sa nanay ko.
Wala pang five minutes ay nakarating na ako sa pinakamataas na floor nitong building kung saan naka-located ang opisina ng boss namin. Unang bumungad sa akin ang area ni Rona, ang sekretarya ni Mr. Lee. Agad naman niya akong napansin at biglang ngumisi ang gaga. "Good luck!" she immediately said in a cheerful yet dangerous tone.
I just rolled my eyes because I know for the fact that it will danger my life. "Panalangin mong mabuhay pa ako. Baka sakaling tulungan ako ni Santa Maria. " biro ko dahilan para matawa na lang siya. Laking pasasalamat ko na lang talaga na marunong magtagalog 'tong babaitang 'to dahil baka dumugo na talaga ang ilong ko sa iba mga kasamahan namin dito sa kumpanya.
Sumenyas ako na papasok sa loob at siya naman ay tumango lang. Nang pihitin ko ang doorknob ay halos napamura na lang ako ng wala sa oras. Tang'na! Nagsasalita ang demonyo mag-isa. Napakagat na lang ako sa labi ko at dahan-dahang sinilip siya sa loob. Halos gusto ko na yatang umatras, bad timing ang amputa! Madilim ang mukha niya na akala mo handa na sa pagpatay.
Lord! Help me po!
Ayaw ko pa po kayong imeet-up dyan sa heaven.
Mahina akong tumikhim at tuluyan ng pumasok sa loob. "Sir?" I called him when I finally had the courage to speak. Tumigil siya sa ginagawa niya at tumingin sa akin, pero malas yata akong ngayon araw at wala pa ding pinagbago ang mukha niya. Kasing dilim na langit na pa din ang itsura niya, menopausal era na ang peg.
"You're late, Ms. Hadeja. " Halos nanginig yata ang buong katawan ko sa sobrang lamig ng pagkakabanggit niya sa pangalan ko. Napangiwi na lang ako ng wala sa oras.
"I'm just one minute late, sir." I smiled, tinatago ang takot.
He glared at me. "Sasagot ka pa! Eh, kung tanggalin kita?" Pananakot niya.
BINABASA MO ANG
Azvameth: The Deceiver Mafia Boss (UNEDITED VERSION)
ActionAlana and Azva's relationship was strong , not until she found out that her bestfriend was pregnant. The father of the baby was none other than her boyfriend--Azva. She couldn't accepted the fact that the two important person in her life betrayed h...