XVI

9.8K 216 11
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.



Alana Amoire's Point of View

"Susunod ako sayo pagkatapos ng isang araw. Kailangan kong makipagkita kasi kay Renz bago ako pumunta." Syn said while checking his phone. "Alam mo namang dakilang seloso ang lalaking iyon diba?"

I chuckled, "Yeah right!"

Pagkatapos kong makipagkita kay Shera ay dumiretso kaagad ako para sunduin sila. Kaya ngayon ay ang bagsak namin ay sa Korean restaurant. Tinignan ko ang anak ko na tahimik na kumakain sa tabi ko.

"You need some help?" I asked.

"No, I can manage na po ito." she replied.

I just smiled at her. Hinayaan ko na lang at binalik ang atensyon kay Syn. Ang atensyon pa din nito ay sa kanyang cellphone kay sinipa ko ang paa niya. Masama tumingin siya sa akin habang ako ay nakataas lang ang kilay.

"Problema mo!" asar niyang wika.

"Cellphone ka ng cellphone d'yan kulang na lang ay halikan mo yan!"

Nagdadabog na ibinaba niya ito sa gilid. "O 'yan! Ano ba kasing gusto mong sabihin at nang-abala ka pa?" aniya.

Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko sa mukha niya. Hindi mo maiisip na bakla si Syn kung hindi ito magsasalita. Kung hindi ko lang talaga siya kakilala ay baka pati ako ay maakit sa kanya. Kaya maraming babae ang umiiyak kapag nalaman nilang hotdog ang gusto ng lalaking ito.

"Hindi tayo talo! Huwag mo nga akong tignan ng ganyan baka isipin ko may gusto ka sa akin."

Napangiwi ako sa sinabi niya. "Iniisip ko palang yan gusto ko ng mamatay!" depensa ko.

"Ano bang sasabihin mo!?"

"Tell me about Shera."

He looked at me in disbelief. Para bang nakagawa ako ng sobrang bigat na kasalanan. Kaya tuloy mas lalong gusto kong malaman ang nakaraan nila. Mabanggit ko palang ang pangalan ni Shera ay parang nag-iiba ang timpla ni Syn.

"Chismosa ka!" Galit niyang wika.

"Curious lang naman ako eh."

Naiinis niyang sinabunutan ang sarili pagkatapos ay tumingin ng masama sa akin. "Ano ba naman, Alana! Nakakainis ka na!" Aniya.

I laughed, "Share ka naman kahit konti lang." Pang-aasar ko,

Nagdadabog na tumayo siya at umalis. Habang ako ay tumatawa lang habang tinatanaw siyang umalis. Kapag hindi na niya kaya ay kusang umaalis iyon.

"Where is Papa going?" Mixi asked.

"I don't know... Just continue eating. After that we will go to the Toy department store."

Her eyes twinkle and happily clap her hands.

"Baby, you wanna come with me?"

She looked at me curiously, "Where po?" she asked.

"Hawaii."

"Hawaii?"

I nodded, "Yes, you want beaches right?"

"Yes! Yes! I love beaches mommy! When will we go?"

"Next day."

Napagpasyahan kong isama si Mixi dahil na din sa walang magbabantay sa kanya. Nasa Bangkok ngayon ang nanay ni Syn habang siya naman ay sasama din naman. Mabuti na din iyon para makasama ko ang anak ko at maging masaya naman siya kahit papaano.

"Can I buy a new swimwear mommy?"

"Sure! After we eat we will go shopping."

******

Third Person's Point of View

"Did you find my daughter?"

A man asked while drinking his glass of wine. Mula sa tindig ng pag-upo nito ay kakikitaan ito ng kapangyarihan. Lahat ng tao sa kanyang paligid ay takot na magkamali dahil kung hindi ay buhay nila ang magiging kapalit.

"I'm sorry, My Lord. Ngunit hindi namin makita kung na saan ang mahal na prinsesa. Ang tanging naging lead lang namin ay ang huling alis niya noon." Wika ng lalaki habang nakayuko. "Masyado magaling magtago ang prinsesa kung kaya po ay nahihirapan kami. Patawarin ninyo po kami sa mabagal na paghahanap."

"Bullshit! Ilang taon na ninyo akong paulit-ulit na dahilan iyan! Hanapin ninyo ang anak ko sa huling pagkakataon dahil kung hindi ay hininga na ninyo ang hahanapin ninyo!" Galit nitong wika.

Yumukong nagpaalam ang lalaki habang siya ay naiwan mag-isa sa kwarto. Mahigpit na hinablot niya ang baril na nasa gilid niya at pinutok ito.

"Stop it!"

Nagulat ito ng pumasok ang babaeng medyo may edad. Kahit ganoon ay makikita pa din ang kagandahan sa mukha nito. Pumasok ito at lumapit sa asawa niya.

"Walang magagawa ang pagpapaputok mo! Huminahon ka at pahinga ang sarili mo."

"I can't find our daughter! You expect me to calm and rest?"

Umiling ang ginang. "It's also your fault. You expect her to stay where you are, the one who causes why she's nowhere to be found? Kung sana ay hindi mo ginawa yun, sana kasama pa natin ang anak natin!"

Natahimik ito sa sinabi ng ginang. Alam niya sa sarili na siya ang may sala kung bakit nagkagulo ang lahat. Pero kung iyon lang ang pagpipilian ay gagawin niyang muli. Huwag lang masira ang naitatag ng kanilang pamilya.

"You're so selfish at that time! Sariling buhay ng anak natin minanipula mo! Sarili nating anak ay hindi natin nagawang damayan noon ng dahil sa ginawa mo!"

"Call me selfish all you want but I will never regret it. Kung hindi ko ginawa iyon ay buhay nila ang masisira at magkakagulo!"

Umiling ito. "Pwes mali ka ng desisyon. Buhay ng lahat ang nasira mo, buhay ng anak natin ang pinaka-nasira mo! Kaya huwag kang magtaka kung balikan ka ni Azvameth sa oras na malaman nila iyon. Pinaka-higit sa lahat ay magalit at masuklam ang anak natin sa atin. Kapag nangyari iyon ay ihanda mo ang sarili mo."

Iniwan ng ginang ang asawa nito na nakatulala. Masakit sa kanya na wala siya noong panahong kailangan siya ng anak niya. Kung pwede lang na maibalik ang panahon ay ginawa niya. Kung sana ay napigilan lang niya ang asawa niya ay hindi lahat mauuwi sa ganitong sitwasyon ngayon.

Nakita na lang niya ang sarili sa dating kwarto ng anak. Walang nagbago kahit ni isa sa mga gamit nito. Gusto niyang sa pag-uwi nito ay ganoon pa din ang naabutan nito. Unti-unting pumatak ang mga luha niya habang nakatingin sa malaking litrato nito. Hindi man lang niya ito na-samahan sa pinakamadilim na parte ng buhay nito. Wala siyang kwentang ina, wala silang mga kwentang mga magulang. Panay sana nalang ang nasa isip niya.

"I'm sorry, My Alana. I'm really sorry for being a worthless mother to you." she whispered.

©Hanamitchiunnie

Azvameth: The Deceiver Mafia Boss (UNEDITED VERSION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon