Third Person's Point of View
Tahimik na pinagmamasdan ni Alana ang anak habang kasama nito ang kaibigan. Masayang tumatakbo ito habang patuloy sa paghabol si Syn. Ngayon na lang niya muling nasilayan ang ganoong ngiti ng anak niya. Inaamin niyang hindi niya gaanong nasubaybayan ang paglaki nito dahil sa trabaho niya. Ngunit kung hindi niya gagawin iyon ay wala silang magiging buhay ng kanyang anak.
Kinaya niya na siya lang ang naging magulang sa anak at kakayanin din niya sa hanggang sa dumating pa ang maraming taon.
Tumingin siyang muli sa dalawa bago muling ipinikit ang mga mata. Kailangan niya ng pahinga pa dahil mamayang gabi ay magsisimula na muli ang trabaho niya. May gaganaping party mamaya kaya kailangan niyang dumalo. Bilang isang dakilang amain ng anak niya ay nagpresinta si Syn na siya nalang ang pupunta. Bukod sa ayaw nitong makita si Shera ay tila walang gana talaga itong pupunta mamaya. Mabuti na din iyon para hindi siya mag-alala sa anak. Mas magiging panatag ang loob niya kung si Syn ang kasama nito.
"Mommy!" Tawag sa kanya ng anak.
Humahangos itong tumatakbo papunta sa gawi niya. Nakasunod sa likod nito ang kaibigan na makikita ang kapaguran sa mukha.
"Mommy! Mommy!" Wika ni Mixi.
Umayos siya ng upo at itinabi ang anak niya sa kanya. Habang si Syn ay umupo sa tapat nila. Kinuha niya ang twalya at pinunasan ang anak. Sobrang namumula ang mukha nito dahil sa sobrang init. Kahit pa ang magbabad ang anak niya sa init ay hindi ito mangingitim. Namana nito ang kulay ng kanyang ama.
"Nakakawala ng lakas yang batang iyan. Paghabulin ba naman ako hanggang kanina. My gosh! Ang balat ko nasunog na ata." Maarteng wika ni Syn.
Mahinang tumawa si Alana at pagkatapos ay inabutan ito ng maiinom. Tinignan niya ang buong kabuuan ng kaibigan. Kahit na parang babaeng itong kumilos ay katawan pa din ito ng lalaki. Mahilig din maggym ito kaya ganoon nalang ang katawan nito.
"Asus! Nag-eenjoy ka nga eh! Ginawa mo lang dahilan ang anak ko pero ang gusto mo talaga ay magpapansin doon sa mga lalaki sa may cottage." Sagot niya.
Syn rolled his eyes. "Epal ka talaga! Tsaka nga pala! Hindi ko mababantayan ng buong gabi si Mixi. Kailangan kong makausap mamaya si Tito. Kung hindi ba naman kasi impakta yung anak niya ay hindi sana ako aalis! Nakakaimbyerna!" Wika nito.
"Anong oras ba?" she asked.
"Ten in the evening. Kung wala ka pa ay aalis na ako ng oras na iyon. Mapapabantayan ko nalang siya sa isang sa mga staff." He replied.
Alana sighed, "Hindi na kailangan. Aalis na lang ako pagkatapos kong makapaggather ng kahit kaunting information. May isang raw pa naman tayo para mabuo ko ang concept ko. Okay lang ba?"
Syn nodded, "That will be okay. Mas mahalaga ang batang tsanak na ire kaysa sa kung ano bagay."
"I'LL SEE YOU LATER."
Hindi sinayang ni Alana ang oras at kaagad nagtungo sa event. Kailangan niyang makapagtrabaho dahil kailangan din niyang bumalik mamaya. Iba't ibang mga tao ang nakakasalubong ni Alana. Ang iba ay pamilyar sa kanya.
Hindi na din siya magugulat kung nandito din ang grupo nila Azva. Napansin niya ang mga ito noong panahong kasama niyang maglibot sila Syn. Mabuti nalang ay hindi ito tumitingin sa gawi niya ng mga panahon iyon. Busy sila sa mga kung ano man ang ginagawa nila noon.
Kahit ilang sa suot niya ay wala siyang nagawa kung hindi isuot iyon. Binigay iyon ni Shera sa kanya kaya wala siyang nagawa. Ayaw niyang magtampo ito sa kanya.
"Shera!" Tawag niya sa dalaga ng makita niya ito habang nakaupo mag-isa sa couch. Kumaway ito at sinenyasan siyang lumapit. Umupo siya sa tabi nito at inabutan siya ng maiinom.
"Sabi sayo bagay yang damit na yan eh!" Puri nito sa kanya.
Isang tipid na ngiti lang ang ibinigay niya sa dalaga. Uminom siya kasama nito hanggang sa tamaan siya. Kahit ganon ay nasa tamang katinuan pa din siya. Malakas ang tolerance niya sa alak. Habang ang kasama niya ay tila wala na. Nakadantay na ang ulo nito sa balikat niya habang nakapikit.
Tinignan niya ang oras at halos manlaki ang mga mata niya. Hindi na niya namalayang lagpas na ang oras. Nawala sa isip niya na walang kasama ang anak niya. Napakamot nalang siya sa ulo niya. Hindi niya naman pwedeng iwanan ang kaibigan dito.
Wala siyang nagawa kung hindi tawagan si Syn. Alam niya ay nasa oras na ito papunta sa kung na saan ang tatay ni Shera. Tatlong beses nagring ang linya bago nito sagutin.
"Asaan kana ng babae ka?" Bungad nito.
Nailayo ni Alana ang cellphone sa tenga niya. Kahit pa sobrang lakas na ng tugtog ay tila mas malakas pa din ang boses ni Syn.
"I'm with Shera right now. Lasing na lasing na siya at maraming nainom. I need you to come here. Hindi ko naman siya pwedeng iwanan at baka kung ano pa ang mangyari sa kanya. Help with this, Syn. Ikaw na ang maghatid sa kanya." Aniya.
Narinig niya ang pagsinghap nito. Pero hindi niya iyon pinansin at pinatay kaagad ang linya. Ilang minuto siyang naghintay hanggang sa dumating ang kaibigan. Masama ang tingin nito sa kanila.
"Sino ba talagang kaibigan mo sa aming dalawa? Ako ba o siya!?" Galit nitong tanong.
"Pinagsasabi mo."Natatawang wika niya. "Buhatin mo na siya at kailangan ko ng puntahan si Mixi. Ikaw na ang bahala sa kanya. I'll see you tomorrow. Tsaka nga pala, gamit ka ng condom para ready lang."
Akma siya nitong babatukan ng makaalis siya kaagad. Dumiretso siya sa kwarto nila pero kinabahan siya ng makitang bukas ang pinto. Kaya naman dali-dali siyang pumasok at halos manlumo siya ng makitang wala ang anak niya sa loob. Halos mawalan ng hininga si Alana. Hindi niya magalaw ang katawan niya sa sobrang kaba. Sa mga oras na ito walang pumapasok sa utak niya. Ang tanging nasa isip lang niya ay na saan ang anak niya.
Kahit sobra ang kaba ay nagawang lumabas ni Alana at kaagad hinagilap ang mga pwedeng puntahan ni Mixi. Alam niyang kabisado ng anak niya hallway ng building kung na saan sila. Hindi pa siguro nakakalayo ang anak niya.
Hindi alam ni Alana ang gagawin kapag may nangyaring masama sa anak niya. Ikakamatay niya kapag nangyari iyon. Biglang pumasok sa isip niya ang rooftop. Kaya naman kaagad siyang nagtungo doon. Nang buksan niya ang pinto ay halos malagutan siya ng hininga sa nakita niya.
Wala isang salita o kilos man ang nagawa niya habang nakatingin pa din sa nakita niya. Sa mga oras na ito ay nais nalang niyang lamunin ng lupa.
"Mommy! You're here! You found me!" Mixi said habang nakakalong sa lalaking ngayon ay matalim ang tingin sa kanya.
©Hanamitchiunnie
BINABASA MO ANG
Azvameth: The Deceiver Mafia Boss (UNEDITED VERSION)
AcciónAlana and Azva's relationship was strong , not until she found out that her bestfriend was pregnant. The father of the baby was none other than her boyfriend--Azva. She couldn't accepted the fact that the two important person in her life betrayed h...