Alana Amoire's Point of View
"You'll be my son's mother."
Para akong nabingi ng marinig ko ang huling sinabi niya. Bawat letra ng mga salitang iyon ay parang punyal na pumasok sa dibdib ko.
"Nagbibiro ka lang diba?" Hindi makapaniwalang wika ko.
"No."
Sinubukan kong pakalmahin ang sarili ko sa mga oras na ito. Kung hindi ay baka sumabog ako sa sobrang galit ko. Salita pa lang iyon pero masakit na mismo nanggaling sa kanya iyon.
"Kung nagbibiro ka lang ay itigil mo na. Hindi nakakatuwa ang mga sinasabi mo!" I said, sa pagtingin ko sa kanya ay galit at poot ang nararamdaman ko.
"I'm not." He shortly replied.
i sarcastically chuckled, "Kung gayon ay itigil mo na itong mga ginagawa mo. Hindi na ako natutuwa at mas lalo hindi ako nakikipaglaro sayo!"
"Well.. I'm not playing either."
"Talagang nababaliw ka na! Pero ito lang ang masasabi ko sayo. Kahit kailan hinding-hindi na ako magpapakatanga pa ulit sayo. Higit sa lahat hinding-hindi ako papayag na maging ina ng anak mo! Alam kung bakit?" Ani ko, malalim akong huminga at tinignan siya ng diretso sa mga mata niya. "Bukod sa ayaw na kitang makita ay hindi ko kayang panagutan ang naging dahilan ng pagka-miserable ko. Alalahanin mo na may kanya-kanya na tayong buhay! May sarili ka ng pamilya kaya huwag mo na akong guluhin pa!"
"Huwag mo akong pilitin na mas lalo kang ikulong dito. You'll regret!"
"Try it! Gawin mo! Hanggang salita ka lang naman, hanggang pagbabanta ka lang! Alam mo kung ano ang pinaka-pinagsisihan ko? Iyon ay noong minahal ko ang isang manlolokong katulad mo! Pinagsisihan kong minahal kita!"
He didn't reply. Seryoso ang mukha niya habang ang isang kamay niya ay may dinukot sa kanyang likuran. Nagulat ako ng makita kung ano iyon.
"Don't you dare! Don't you dare!"
Tila wala siyang pinakinggan bagkus ay hinigit niya ang isang kamay ko. Pinipilit kong nagpumiglas pero mas malakas siya sa akin kaya naman nakuha din niya iyon. Inilagay niya ang posas doon at pagkatapos ay inilagay niya sa may taas ng kama ang isang bahagi noon.
"Fuck you! Ang sama-sama mo! Demonyo kang lalaking ka!"
He smirked, "I am.." aniya, pagkatapos ay muli siyang may dinukot sa likod niya at halos mawalan ako ng hininga sa katawan ko habang nakatingin sa bagay na iyon. Itinutok niya sa akin ang hawak niyang baril.
"Choose Alana! Be my son's mother or I will kill you!"
Hindi ako kumibo at tumingin lang sa kanya. Sa mga oras na ito ay sagad na sagad na ako sa kanya. Hindi ko alam kung ano pa ang masasabi ko sa kanya. Bumalik ang mga alaalang masasakit noon na ginawa nila sa akin.
"Choose!" He shouted, galit at poot ang nakita ko sa mga mata niya. "Be my son's mother or i'll kill you!"
Nagulat na lang ako ng maramdaman ko ang sarili kong mga luha. Agad kung pinahid ang mga iyon.
"Sino ka para sabihin iyan?" I furiously said, "Sino ka para papiliin ako ng mga walang kwentang pagpipilian? Sino ka para diktahan ako sa kung ano ang gusto ko. Kung ganon lang di pala ay sige mas pipiliin ko ng patayin mo ako. Gawin mo na para matapos na ang lahat ng ito!"
Nagbago ang ekspresyon ng mukha niya. Mula sa pagiging matigas ay lumambot ito. "Huwag mo namang sabihin iyan. Galit ka lang hindi ba?"
"Kung galit lang ang mayroon ako para sayo ay madali lang kitang mapapatawad. Pero sa ginawa mong ito? Sa ginawa nyo sa akin noon! Hindi galit ang itinanim ninyo sa puso ko. Galit at poot ang siyang naging dahilan kung bakit may lamat ngayon ang buong pagkatao ko. Alam mo kung ano ang pinakamasakit? Yung nagmakaawa ako sayo na ako yung piliin mo pero binigo mo ako! Hindi lang puso ko ang dinurog nyo kung hindi buong pagkatao ko! Kaya huwag kang umasta na kaya kong piliin na maging nanay ng anak mo. Hindi ko nanaisin ngayon o kahit kailanman!"
Lumapit siya sa akin at lumuhod. Sinubukan niyang hawakan ang isang kamay ko pero tinapik ko lang iyon. Ang ikinagulat ko ay ang pagluha niya.
"Tatanggapin ko lahat ng gagawin mo. Saktan mo ako, pagsalitaan, kahit ano... basta bumalik ka lang sa akin. Pitong taon akong nagdusa ng wala ka."
"Nagdusa? Ikaw pa ngayon ang nagdusa sa ating dalawa? Bakit sino ba ang nanloko at nang-iwan sa ating dalawa? Ako ba? Ako ba yung mas pinili yung iba kaysa sa taong mahal niya? Ako ba yung naduwag sa ating dalawa?" Hindi ko na napigilan ang pag-agos ng mga luha ko. "Sa ating lahat ako ang niloko at naging miserable. Nagmakaawa ako na piliin at ipaglaban mo ako noon pero anong ginawa mo wala diba? Kaya wala kang karapatan na magsalita na naging miserable ka. Ikaw ang nagdesisyon kaya panindigan mo!"
" Alana.."
He tried to hold my hands again but I refused. Ang ilang taon kong itinago ay kusang lumabas. Sobrang sakit para sa akin na kimkimin iyon.
"Alam mong ang batang iyon ang naging bunga ng pagkakasala ninyo. Siya ang dahilan di ba kung bakit hindi mo ako kayang ipaglaban? Kung may awa ka pa para sa akin ay huwag mo nang ituloy na ipako sa akin ang bunga ng pagtataksil ninyo. Para mo na ako pinatay! Buong pagkatao ko ang papatayin mo!"
"Makinig ka naman sa akin.."
"Ikaw ang makinig sa akin. Matagal na tayong tapos, natapos na tayo noong panahong sila na ang pinili mo. Ikaw na mismo ang nagtaboy sa akin noon. Sana maalala mo iyon para matauhan ka naman na!"
"Just listen to me.."
"Nakabangon na ako sa pagkakadapa ko. Nabago ko na yung buhay na nasira ninyo. Kaya nakikiusap ako sayo huwag mo naman sanang sirain pa ulit iyon."
"Paano naman ako?" aniya, basag ang boses niya. "Wala akong choice noong mga panahong iyon."
"Wala ng choice? Sabihin mo lang ay talagang hindi mo kayang maging manindigan para sa ating dalawa. Mabuti na din iyon dahil napatunayan ko lang na hindi talaga tayo para sa isa't isa. Kaya sana maisip mo na pamilyadong tao ka na. Kaya sana tigilan mo na ako!"
"Sabihin mo na ang gusto mong sabihin. Pero hindi ko pinagsisihan na pinili ko ang anak ko. Buhay niya ang nakasalalay noong mga panahong iyon."
"Kusa na ding lumabas sa bibig mo na sila ang pinili mo. Na mas matimbang siya kaysa sa akin. Tinanggap ko naman diba? Lumayo na ako mula sa inyo at hindi na nagpakita. Pinilit kong kalimutan lahat ng iyon."
Bawat sandali ay bumabalik sa akin. Lahat ng sakit na syang naramdaman at ipinagdaanan ko noon.
"Kyla died years ago." He said, gulat akong tumingin sa kanya. "When she gave birth to my son, hindi niya kinaya ang panganganak kaya kinamatay niya iyon. Pero ang huli niyang hinihiling ay bumalik ako sayo."
"Kaya naman pala.. Pero sana alam mo din na hindi ako option na kapag wala ka ng choice ay iyon na ang pipiliin mo. Masakit para sa akin na namatay si Kyla pero mas masakit na kaya mo lang gusto akong balikan ay wala na siya. Hindi naman ako laruan eh!"
"Alana.."
"Wala na talaga.. Wala ng natitirang pagmamahal ang mayroon ako para sayo. Natapon na lahat... Ikaw ang mismo ang nagtapon ng pagmamahal na iyon! Kaya patayin mo nalang ako kaysa maging ina ng anak mo. Patayin mo na ako ngayon!"
©Hanamitchiunnie
BINABASA MO ANG
Azvameth: The Deceiver Mafia Boss (UNEDITED VERSION)
ActionAlana and Azva's relationship was strong , not until she found out that her bestfriend was pregnant. The father of the baby was none other than her boyfriend--Azva. She couldn't accepted the fact that the two important person in her life betrayed h...