XIV (unedited version)

10.2K 229 11
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Alana Amoire's Point of View

"You shall do your work now girl. It's been a week since the last time you worked in your office. Kung ako sayo ay gagawin ko na ang mga nakatambak na mga papeles ko. Remember, you have a meeting with Ms. Consuelo tomorrow." Ani ni Syn.

I sighed, "Yeah right... Thanks for the effort."

Syn shrugged his shoulders. Ibinalik niya ang atensyon sa ginagawa niya. Habang ako naman ay nagdadabog na bumalik sa opisina ko. Maghapon na labanan na naman ang gagawin ko sa buong araw ko.

"Sheena, can you get me a black coffee?" Tawag ko sa sekretarya ko.

I closed my eyes because of stress. Maaga pa lang ay ganito na kaagad ang nararamdaman ko. Hindi ko alam kung bakit, para bang may hindi magandang mangyayari sa akin sa araw ito.

"Here's your coffee!" Pumasok si Sheena dala-dala ang kape. Ibinababa niya to sa tabi ko, "Mukha kang stress girl? Anyare sayo at para kang hinulugan ng langit at lupa?" aniya.

"I don't know... Ang alam ko lang ay ganito na ako pagpasok ko. Para bang may magandang hindi mangyayari." sagot ko.

"Better get away from that kind of aura. Huwag mo na lang iisipin para mawala sa isip mo."

"Mabuti pa nga..." ani ko pagkatapos ay ngumiti.

"I'll just go back to my work. Call me if you need anything."

Wala akong magawa kung hindi ang simulan ang trabaho ko. Una kong tinitingnan ang mga reports noong mga nakaraang buwan. Sumunod ay nitong mga nagdaang araw na wala ako. Mukhang maghapon talaga akong aabutin ngayon. Kinabukasan ay kailangan kong kitain si Ms. Consuelo para sa gaganaping event na Dreamboys.

"Alana, I need your sign right now."

Pumasok si Sheena habang may dalang mga papeles. Inabot niya sa akin iyon at ngumiti ng matamis. Nagtatakang tinignan ko siya, "Anong nakalagay?" tanong ko.

"We will publish your work by the end of the month. Kaya kailangan ng pirma mo at kailangan na din ang report mo regarding dun. Mabuti na lang ay na-move iyon by the end of the month."

Bagsak ang mga balikat ko tumingin sa kanya. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko sa mga sinabi niya. Sa mga oras na ito ay gusto ko na lang sabunutan ang sarili ko.

"I will call you later after I finish this. By the way, huwag ka munang magpapapasok ng iba. I need to relax my mind and finish it all by this day."

Sheena nodded, "Okay... Kwento ka kapag free ka na ah! Balita ko kay Syn ay may intense na nangyari sayo."

"Chismosa! Bumalik ka na sa trabaho mo!" ani ko pagkatapos ay inirapan siya.

She just laughed and returned to her seat. Hindi ko alam kung bakit naging kaibigan ko siya, silang dalawa ni Syn. Parehong mga chismoso at chismosa, pero kahit ganoon ay mahal na mahal ko silang dalawa.

Third Person's Point of View

"Kahit anong gawin ninyo ay hindi ko sasabihin kung na saan si Riko!"

Mariin na tinignan ni Azvameth ang lalaking ngayon ay naghihirap sa kanyang harapan. Bugbog ang mukha at nahihirapang tumayo dahil sa natamo nitong pasa sa mga katawan.

"For the last time, Lee. Saan nagtatago si Riko? Kung hindi ay madadamay ang buong pamilya mo!" pagbabanta ni Ashton, isa sa mga pinuno ng organisasyon.

"Wala na akong pakialam sa kanila! Patayin na ninyo ako kung gusto niyo at kahit anong gawin ninyo ay wala kayong makukuha mula sa akin!" sagot nito.

Wala magawa ang mga tauhan niya kung ang hindi pahirapan ulit ito. Kahit na nahihirapan ay wala ni kahit isang salita ang nakuha nila. Mukha talagang nasa kabilang panig ang katapatan nito.

"Anong gagawin natin sa lalaking ito, Azva?" Asrein asked.

"Kill him.." he replied.

Kung wala ng pakinabang ay kailangan ng alisin ito sa kanilang landas. Hindi niya kailangan ng mga taong walang silbi.

"Mukhang masaya ito... Markus, ako ang bahala sa paglilibing bahala ka na sa pagpatay. Kakain muna ako saglit at ginutom ako kanina ni babes ko." ani ni Ashton.

"Tarantado ka talaga kahit kailan!" Markus cursed.

Tahimik na bumalik si Azva sa kwarto niya. Bumungad sa kanya pagpasok niya ang litrato nilang dalawa ni Alana. Ilang araw na din simula ng mawalay siya sa dalaga. Kung maaari lang niyang huwag na itong pakawalan ay gagawin niya. Ngunit hindi niya maaaring gawin iyon hanggang hindi niya nahahanap ang magiging susi upang malinawan ang lahat. Sana sa oras na iyon ay kaya pa siyang mahalin ng babaeng pinakamamahal niya. Kung pwede lang niyang sabihin ang lahat ay sasabihin niya ngunit alam niyang hindi ito maniniwala sa kanya.

Bumalik sa realidad si Azva ng marinig niyang tumawag ang tauhan niya.

"What is it?"

"Maayos naman po ang lagay niya."

"Good... Keep an eye on her. Make sure that she will be okay."

He ended up the call. Sa ngayon ay kuntento na siyang nasa maayos na lagay ito. Ngunit hindi ibig sabihin ay susuko na siya. Hindi siya nag-sayang ng ilang taon para lang hindi makuha ang babaeng minsan na niyang napakawalan. Magalit man ito ay gagawin niya ang lahat para lang bumalik ito sa kanya. Alam niyang nabulag lang ito ng galit kaya gagawin niya ang lahat para mapatawad siya nito at bumalik ito sa kanya. Kahit pa nahihirapan siya ay tatanggapin niya basta bumalik lang ito sa kanya.

"Azva, are you there?"

Pumasok si Ashton sa kwarto niya pagkatapos ay umupo sa pag-isahang upuan. May ngisi sa mga labi nito habang nakatingin sa kanya.

"You're obsessed with your ex-girlfriend. Bakit kasi hindi mo sabihin kung ano ba talaga ang nangyari?"

"I need to see him first before I tell her." he answered, pagkatapos ay tumingin sa binata. " How about you? How's your student girl? Sa tingin ko ay hindi mo pa din mapaamo ang batang iyon?" he mocked.

Ashton glared at him, "Shut up, asshole! Sa tamang oras ay susunod din siya sa akin, ang mahalaga ay nasa puder ko na siya. She's mine at all the cost."

"Good Luck." he said and then shrugged.

"Fuck you! Ang intindihin mo ay ang babae mo at hindi yung sa akin. Aalis na ako at maglilibing pa ako."

Umalis ito kaya naiwan siyang mag-isa sa kwarto. Tinanggal niya ang lahat ng saplot at tumuloy sa banyo. Sumalubong sa kanya ang malamig na tubig pagbukas niya. Sa ngayon ay gusto muna niyang isipin ang dalaga at kung paano ito mapapabalik sa piling niya.

©Hanamitchiunnie

Azvameth: The Deceiver Mafia Boss (UNEDITED VERSION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon