Alana's Point of View
I heavily took a deep breath while roaming my two eyes all over the place. It seems like tita really invested in her company here in the Philippines. Bawat sulok ng building na 'to ay sumisigaw ng karangyaan. Hindi ko din naman masisisi si tita dahil bukod sa dito siya lumaki sa bansang ito ay dito din niya nakilala ang taong minahal niya hanggang ngayon. Sigurado akong kung buhay pa si Tito ay sobrang ang pagka-proud niya sa asawa niya dahil sa dami ng achievements na nakuha na ni tita.
I guess I need to familiarize myself with this place because this will be my temporary home while working here in the Philippines. Malaki na lang din ang pasasalamat ko at pinahiram muna sa akin ni tita kahit saglit lang ang opisina ni Syn dito. Kung ako ang papipiliin ay mas gusto ko ng tahimik na lugar kung saan ako makakapagtrabaho ng maayos.
Habang patuloy lang ako sa pagtingin sa paligid ay hindi na ako nagulat pa ng mayroong pumasok. Isang ngiti ang iginawad sa akin ni Charles na siyang kasalukuyang acting ceo nitong kumpanya. Katulad ko ay isa din siya sa mga piling tao na pinagkakatiwalaan ni Tita pagdating sa mga assets niya. Base sa kwento ni Syn noon sa akin ay orphan mula sa isang children foundation si Charles na siyang inadopt ni tita eventually.
Kung tatanungin ninyo kung same ba sila ng species ni Syn ay tama kayo. Pero magkaiba sila ni Syn, kung damuhong iyon ay malihim si Charles naman ay proud na ibalandra ang flag ng kanyang mga kauri. Kaya isa 'yun sa mga nagustuhan ko sa kanya noong unang pagkikita pa lang namin.
I already met him him way back, noong ikalawang taon ko sa ibang bansa. Pinakilala siya sa akin ni tita bilang isa sa mga anak niya. Kaya simula noon ay lagi kaming magkausap through facetime. He became one of my few best friends.
"Baks, pakilala muna kita saglit sa mga tao dito 'tas tara kain sa labas. Sobrang namiss kita, nagtatampo parin ako sayo. Hindi mo man lang sinabi sa akin na darating ka agad. Sana'y ako ang nagsundo sayo." Nakangusong sabi niya pagkatapos ay naglakad papunta sa gawi ko at kumapit na parang tuko sa kaliwang bisig ko. "I will not take a no for you today. Ako ang bahala sa bruhildang koryanong 'yun 'pag pinagalitan ka." Dagdag niya sabay paikot ng mga mata niya.
Natatawang tumango na lang ako. Wala naman ding problema sa akin at sobrang namiss ko din siya. "Sure, okay lang naman sa akin." Tugon ko.
Charles giggled. "Good!"
Lumabas kami sa opisina at agad na tumuloy sa meeting room. Pagpasok pa lang namin ay unang bumungad sa akin ang mga taong nakaupo. Alanganin akong ngumiti dahil nahihiya ako. Kahit pa sanay na ako na laging humaharap sa ibang tao ay hindi ko parin maiwasang hindi mahiya. Nasa dugo ko na yata ang pagiging shy type.
Umupo ako sa bandang kanan ni Charles habang siya naman ay sa may pinaka-center dahil siya nga ang acting ceo ngayon. "Ladies and gentlemen, I would like to introduce Ms. Alana Amoire Hadeja. She's one of the main writers and also will the head writer in the upcoming RMS event. Kaya naman tulungan natin siyang maging successful ang eveng na 'to. " Anunsyo ni Charles.
BINABASA MO ANG
Azvameth: The Deceiver Mafia Boss (UNEDITED VERSION)
БоевикAlana and Azva's relationship was strong , not until she found out that her bestfriend was pregnant. The father of the baby was none other than her boyfriend--Azva. She couldn't accepted the fact that the two important person in her life betrayed h...