Alana Amoire's Point of View
"Miss..."
Gamit ang isang kamay ni Thorn ay binuksan niya ang pinto habang sa kabila ay may dala-dala siyang tray ng pagkain. Tipid akong ngumiti sa kanya pagkatapos niyang maibaba iyon sa side table.
"Thank you.."
"Ginagawa ko lang po ang utos ni Supremo. Kumain kana po at baka sumakit pa ang tiyan mo."
"Salamat."
"Wala po anuman. Pagkatapos po ninyo ay hinabilin ni Supremo na pwede kang makalabas at maglibot-libot sa may dalampasigan."
Tumango ako at inayos ang pagkakaupo ko. Inabot ko ang tray at inilagay sa mga harapan ko. Simula kagabi ay hindi pa ako kumakain. Pagkatapos ng pag-uusap namin kagabi ni Azvameth ay agad akong nakatulog.
"Kumain kana ba?"
"Kanina pa po... Pinapasabi din po pala ni Supremo na mawawala siya ng ilang araw dahil may aasikasuhin siya."
"Mawala na lang siya sana ng tuluyan." I whispered.
Laking pasasalamat ko na hindi niya narinig ang sinabi ko. Pinagtuunan ko na lang ng pansin ay ang pagkain ko. Ang kaso lang ay naiilang ako na nakabantay sa akin si Thorn.
"Pwede bang lumabas ka muna? Nakakailang kasi eh..."
Mukhang nakuha naman niya ang gusto kong sabihin. Lumabas siya at iniwan akong mag-isa ulit sa kwarto. Ilang minuto lang ay ubos ko na iyon kaya naman nilagay ko muna iyon sa side table.
Biglang bumalik sa akin ang mga naging pag-aaway namin ni Azvameth. Sa totoo lang ay hindi ko alam kung ano ba talaga ang plano niya. Pero sisiguraduhin kong hinding-hindi na ako magpapakatanga pa ulit. Tama lang mga sinabi ko sa kanya.
Huminga ako ng malalim bago tumayo. Tumuloy ako sa veranda at tinignan ang buong paligid. Napangiti ako ng makita ang kulay asul na dagat. Ipinikit ko ang mga mata ko at dinama ang malamig na simoy ng hangin. Sa mga oras na ito ay nararamdaman kong kalmado ako.
Siguro sa mga oras na ito ay grabe na ang pag-aalala ni Syn sa akin. Kahit gusto ko man siyang kausapin ay hindi ko alam kung na saan ang mga gamit ko. Kung sana ay mas binilisan ko siguro ang pagkilos ay hindi nila ako naabutan. Wala na din akong magagawa dahil nandito na ako at nakakulong sa isang isla na hindi ko alam kung saan bandang parte ng mundo.
"What are you gonna do now Alana?" I talk to myself, sa totoo lang ay malapit na akong mabaliw sa mga nangyayari sa akin.
Bumalik ako sa loob at sinuri ang cabinet na nandoon. Nang mabuksan ko ay tumambad sa akin ang iba't-ibang mga damit pambabae. Talagang pinaghandaan ito ni Azva. Kinuha ko lang isang white sundress at isang sandals. Pagkatapos kong magbihis ay sinubukan kong pihitin ang pinto at agad naman itong nabuksan. Hindi ako nahirapang hanapin ang daan pababa. Nakasalubong ko ang isang babaeng medyo may edad na.
"Magandang umaga hija... Ikaw ba ang si Alana?"
Tipid akong ngumiti at tumango. "Magandang umaga din po."
"Totoo nga ang kwento ng alaga ko na napakaganda mong babae. Mukhang hindi siya nagkamaling mamili ng babae. Bukod sa maganda ay napakabait mo pa."
Nag-iinit ang pisngi ko sa mga narinig. Kahit lagi sakong sinasabihan ng maganda ay hindi pa din ako nasasanay.
"Nagkakamali po kayo ng iniisip. Hindi po ako yung babaeng iyon."
"Huwag mo ng itanggi pa hija. Mauna na ako sa iyo at may gagawin pa ako sa kusina."
Naglakad ako patungong labas hanggang makarating sa dalampasigan. Masaya akong naglalakad habang tumatama sa paanan ko ang tubig. Naalala ko noong bata pa ako ay gustong-gusto ko ang dagat. Kung kaya sa tuwing bakasyon namin ay pumupunta ako kasama ang kapatid ko sa dagat.
Hanggang maramdaman ko ang pagod kaya naman umupo ako. Wala akong pakialam kung mabasa ang suot ko. Kahit ngayon lang ay makalimutan ko ang lahat.
"Mommy! Mommy!"
Nagulat ako ng may biglang yumakap mula sa likuran ko. Maliliit na kamay ang siyang pumapalibot sa leeg ko. Nanlalaki ang mga mata ko at nilingon kung sino ba iyon.
"Alvazeth?"
"Mommy!"
Hindi ako makapagsalita habang patuloy siya sa pagtawag sa aking mommy. Anong ginagawa ng batang ito dito? Nagkita kami noong bagong dating pa lang ako dito. Siya yung batang hinahanap ang yaya at daddy niya.
"Mommy,Mommy!"
Alanganin akong tumingin sa kanya.
"Na saan ang mga magulang mo?"
"Daddy is gone.. Umalis siya po at hindi ko alam kung saan ang punta niya." Wika niya. "And then, you are my mommy!"
Halos malunok ko ang sarili kong laway sa sinabi niya.
"Anong pangalan ng tatay mo?"
"Azvameth po.." He answered.
Napahinto ako at tinitigan siyang mabuti. Ngayon ko lang napansin ang malaking pagkakahawig nila. Hindi maitatanggi na tatay niya talaga ang lalaking iyon. Hindi ko alam ang gagawin ko sa mga oras na ito.
"Look at me kid. I'm sorry for the wrong information but I'm not your mother."
Habang maaga pa lang ay mas maganda ng ipaalam ang katotohanan sa bata. Sa totoo lang ay kahit anong galit ay wala akong nakakapa sa puso ko. Siguro nga ay hindi niya kasalanan ang kasalanan ng mga magulang niya.
"Hindi po ba ninyo ako mahal kaya ayaw ninyo sa akin? Hindi ninyo po ba ako gustong maging anak?"
Mariin ako tumingin sa kanya. Halos madurog ang puso ko habang nakikita ang mga luha niya. Malungkot ang mga mata nito na nakatingin sa akin. Parang hinaplos ng sakit ang puso ko sa mga sinabi niya. Bata pa lang siya ay panay sakit na lang ang nararamdaman niya. Pangungulila sa ina ang siyang naging dahilan nito.
"I'm sorry..." I mumbled.
"Daddy said that you are finally with us. Pero bakit po ayaw ninyo sa akin. Ayaw po ba ninyo ako?"
Pinikit ko ang mga mata ko upang pigilan ang nagbabadyang mga luha ko. Masakit para sa akin na marinig sa isang batang paslit ang mga ganoong salita. Nararamdaman ko ang kagustuhan niyang magkaroon ng kalinga ng isang ina.
"H-hindi n-naman sa ganon..." Nahihirapang ani ko.
"Alam po ninyo na ilang years na akong nagdadasal na sana makita ko na ang mommy ko. Alam mo ba ninyo na pangarap ko pong masundo at maihatid ng mommy ko. Ang sakit po kasi sa heart na wala po akong mommy habang yung iba pong mga kid mayroon."
Pinigilan ko ang hikbi ko gamit ang mga kamay ko. Hindi ko alam na napaluha na pala ako habang nakikinig sa kanya. Sa edad niya ay sobrang bigat na pala ang dinadala niya.
"Kung ayaw po ninyo sa akin ay okay lang. Sige po aalis na po ako..."
Aalis na sana siya ng hawakan ko ang kamay niya. Patuloy pa din sa pag-agos ang mga luha ko.
"I'm sorry... I'm sorry.."
Paulit-ulit kong wika habang nakaluhod sa harapan niya. Hindi man siya galing sa akin ay nararamdaman ko ang sakit. Para akong pinipiga sa bawat salita niya.
"Babawi si Mommy sa iyo. Babawi ako sa iyo.."
Bigla ko nalang nasabi ang mga salitang iyon. Siguro sa ngayon ay gagawin ko ang kung ano ang tama. Kahit magsinungaling ay gagawin ko. Kahit maramdaman man lang niya iyon kahit sandali.
Bumalik ang saya sa mga mata niya. Yumakap siya sa akin ng mahigpit gayon din ako.
"Mommy loves you so much."
©Hanamitchiunnie
BINABASA MO ANG
Azvameth: The Deceiver Mafia Boss (UNEDITED VERSION)
ActionAlana and Azva's relationship was strong , not until she found out that her bestfriend was pregnant. The father of the baby was none other than her boyfriend--Azva. She couldn't accepted the fact that the two important person in her life betrayed h...