Chapter 17

9.8K 232 17
                                    

A/n: I'm sorry po sa late ud. Ngayong week po kasi ang exam namin kaya po ganoon. Babawi po ako next time. Thank you😄 See you on next chapter😘

******************
Alana Amoire's Point of View

"I'll see you later, Goodbye!" Paalam ni Shera pagkatapos ay kaagad akong binabaan.

Napailing na lang ako sa babaeng iyon. Simula ng dumating kami dito sa resort ay hindi na niya ako tinantanan tungkol kay Syn. Ilang beses niyang tinanong kung kailan ang dating niya.

Nilingon ko si Mixi na ngayon ay mahimbing na natutulog sa tabi ko. Sa sobrang pagod niya sa byahe ay kaagad siyang nakatuloy pagkarating namin dito sa kwarto tinutuluyan namin. Mabuti na din iyon para may oras pa akong makapunta sa Assembly ng event.

"What shall I wear?" I uttered.

Tinignan ko ang mga dala kong damit at halos manlumo ako ng hindi ko nadala ang mga ibang dress ko. Hinayaan ko nalang iyon at kinuha ang isang white tube summer dress. Hinayaan kong nakalugay ang buhok. Ngayon ko lang din napansin na hanggang baywang ko na pala ang haba non.

Inayos ko saglit ang anak ko bago siya iniwan doon. Saglit lang ako pagkatapos ay babalik din ako kaagad. Ang sabi ni Shera ay sa may bandang seaside daw iyon gaganapin. Hindi naman ako nahirapan at kaagad ko iyon nakita.

Habang naglalakad ako ay may mga lumilingo sa akin kaya naman nailang ako habang naglalakad. Kahit kailan talaga ay hindi ako nasanay sa atensyon.

"Alana!"

I looked at the person who shouted my name. None other than, Shera. Lumapit siya sa akin at niyakap ako.

"You are finally here! Let's go in the front!"

Hinila niya ako sa harapan at doon umupo. Pansin ko na marami na ding mga tao ang nandoon.

"Magsisimula na ba?" Tanong ko.

She nodded, "In fifteen minutes. Why? "

"I need to go back in my room. Iniwan ko lang saglit ang anak ko." I answered.

Her eyes widened. "The fuck? Are you serious?" She asked in disbelief.

I nodded, "Uhuh? Is there any problem with that?"

Hindi ko alam kung matatawa ba ako sa reaksyon niya ngayon. Sabagay hindi ko kasi nasabi sa kanya noong nagkita kami ng mayroon na akong anak.

"Akala ko ay dalaga ka pa. Hindi kasi halata sayo, you look like a model." Aniya.

I just laughed, "You think so?"

"Promise!"

"I will tell you later. Basta huwag mong kakalimutan na may utang kang kwento din sa akin."

She pouted, "K!"

Ilang minuto lang ay nagsimula na ang pagpapaliwanag.

"This event will be focusing on how you will bond with other people. A lot of you are confuse right now. I created this event to gain more friends not only a business partners. You can do whatever you want. Thank you again!"

Halos mapatulala ako sa mga narinig ko. Tama ba ang mga sinabi nila o nabingi lang ako?

"Ano bang pumasok sa utak ni Daddy at naging ganito  ang event na ito? Bakit!? Bakit?" Naiinis na wika ni Shera.

Kung ako din ay naguguluhan sa nangyayaring ito. Pero nandito na din ay mas mabuting magsaya at gawin ko na din ang trabaho ko. Tumingin ako kay Shera na ngayon ay nakasimangot .

"What's with that face?" Natatawang tanong ko.

She sighed, "If I share it with you. Trust me! You will be crazy too!" She answered.

"Ano nang gagawin natin ngayon? Ang gagawin ko dito ay tignan ang mangyayari pagktapos ay gagawa ng cover tungkol sa event na ito."

"Ano pa nga ba... Ang mabuti pa ay sasama na lang ako sayo sa kwarto ninyo. Baka mawala ang stress ko kapag nakita ko ang baby mo. Is he or she?"

"She."

She claps her hands. "Great! Great! Oh my gosh! May mga botique sa resort na ito. Pwede ko bang hiramin ang anak mo? Ako na ang bahala sa kanya! Pretty please!?" Pagmamakaawa niya.

Napakamot na lang ako sa kanya. Hindi ko alam na mabilis din palang magbago ang emosyon nito. Pareho sila ni Syn, mga bipolar.

"May magagawa pa ba ako. Ang kaso ay baka tulog pa siya."

"I will wake her up! Let's go na!" Nagmamadaling aniya.

"Wait a minute girl, ngayon ka pa lang makikilala ng anak ko. Baka mamaya ay umiyak iyon kapag sinugod mo kaagad."

Napatigil siya sa paghila sa akin. Nakangiwi niya akong tinignan. "You're right. What shall we do?"

"Pakilala ka muna."

Nakarating kami sa kwarto kung saan kami tumutuloy. Binuksan ko iyon at nakita kong nanood si Mixi ng tv. Nakuha ng pagbukas ko ang atensyon ng anak ko. Dali-daling tumakbo sa gawi ko siya at yumakap.

"Mommy, saan ka po nagpunta?"

I lifted her and then kissed her cheeks. "May ginawa lang si Mommy. Alam mo ba ay may gustong makipagkilala sayo." Wika ko.

She looked at me confuse. "Who?"

Pumasok si Shera na nakangiti ng malawak. Inosenteng tumingin sa kanya ang anak ko.

"Hello there, babygirl!" She greeted.

Mixi suddenly giggled, "Hello there too po!"

Hindi napagilan na pisilin ni Shera ang pisngi ni Mixi. Kaya naman napasimangot ang anak ko. Sa lahat ng ayaw niya ay ang pinipisil ang pisngi niya. Baka daw lumawlaw iyon kaya ayun ayaw niya.

"Upo ka muna, Shera."

Inaya ko siya sa sofa at umupo. Habang si Mixi naman ay bumalik na siya sa panonood. Mukhang natakot kay Shera, masyadong sadista ang babaita.

"Ang cute naman ng anak mo."

"Thank you!"

"Pero alam mo parang pamilyar ang mukha niya. Para bang nakita ko na noon iyon. Hindi ko nga lang alam kung saan." Aniya.

"Saan naman?" Nagtatakang tanong ko.

Nagkibit-balikat siya, "Hindi ko na matandaan. Basta kamukha niya yung lalaking nakita ko noon, pareho pa nga sila ng mga mata eh!"

Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan sa sinabi niya. Siguro ay mali lang ang pagkakaakala ko. Nilingon ko si Shera na para bang nag-iisip ng malalim.

"Anong nangyari sayo?" 

"Wait sandali, biglang may pumasok sa utak ko. Aalalahanin ko lang."

Hindi na ako nagsalita pa. Natatawang nakatingin lang ako sa kanya habang siya ay seryosong nag-iisip.

Ano kayang magiging reaksyon ni Syn kapag nagkita sila ni Shera. Malaking palaisipan talaga sa akin kung bakit ayaw makita ni Syn si Shera. Ayaw din magkwento ni Shera.

"Uhuh!"

Napaigtad ako ng biglang sumigaw siya. Tumingin siya sa akin at ngumisi ng malaki. "Naalala ko na!"

"Naalala na ang ano?"

"Kamukha niya yung anak ng kaibigan ni Daddy. Kamukha siya ni Mr. Azvameth Williams!"

©Hanamitchiunnie

Azvameth: The Deceiver Mafia Boss (UNEDITED VERSION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon