Alana Amoire's Point of View"You need to go back here! As soon as possible!"
"Ganyan talaga ang gagawin ko. Akala ko ay magiging maayos ang pagbalik ko dito pero hindi pala."
"Kaya nga kailangan mo ng umalis dyan."
"Inaayos ko nalang ang mga gamit ko. I'll see you soon, Syn." Wika ko, pagkatapos ay ibinaba ko na ang telepono ko. Binalik ko ang atensyon ko sa pag-aayos ng gamit at inilagay iyon sa maleta ko. Ngayong din ay kailangan kong makaalis. Nalaman ni Syn kung ano ang mga nangyari kaya ganoon nalang ang pag-aalala niya sa akin.
Ang gusto niya ay sundan pa ako dito pero mabuti na lang ay napilit ko siyang ako nalang ang babalik sa Canada. Agad naman siyang nag-pabook ng flight ko dahil sa mga oras na ito ay alam kong hindi talaga ako titigilan ni Azva. Hindi ko alam kung saan niya nakuha ang gamit kong numero. Malawak ang impluwensya niya at iyon ang hindi ko kayang labanan.
Mukhang nakuha na niya ang position na inaasam niya noon pa man. Alam ko na malawak ang impluwensya ng pamilya nila. Pero ang hindi ko alam na organisasyong pinamumunuan ng angkan nila ay ang Supreme Demons Society. Isa ito sa pinakamalaking organisasyon sa buong mundo. Bawat miyembro ay may masasabi sa buhay.
Minabuti kong bilisan ang pag-aayos at paglalagay ng mga gamit ko sa maleta. Nagulat ako ng tumunog ang doorbell kaya naman itinigil ko muna ang pag-aayos at agad nagtungo sa pinto. Malakas ang bawat tibok ng puso ko sa hindi ko alam kung anong dahilan. Sinilip ko iyon sa may maliit na butas at nakita ang isang delivery boy. Nakahinga ako ng maluwag kaya binuksan ko ang pinto.
"Good day Ma'am, ito na po ang order nyo." He said, kumunot ang noo ko at nagtaka dahil wala naman akong inorder na kahit na ano.
" Sa tingin ko po ay nagkamali kayo ng pinuntahan. Hindi po ako nag-order ng kung ano man. Baka po sa kabilang unit po." I said.
Isasara ko na sana ang pinto ng bigla siyang lumapit sa akin. Manlalaban pa sana ako ng bigla niya akong ikinulong sa bisig niya. Pinilit kong nagpumiglas pero huli na ang lahat ng may inaamoy siya sa akin. Pinipilit kong labanan ang pampatulog na iyon pero hindi kinaya ng katawan ko at kinain ng kadiliman.
"DON'T TOUCH HER, Thorn. Supremo will be mad at us."
Unti-unti kong minulat ang mga mata at puting kisame ang bumungad sa akin. Pinoproseso ko sa utak ko kung anong nangyari. Halos nanlaki ang mga mata ko ng maalala iyon. Biglang may lalaking nagpanggap at may pinaamoy sa akin kung kaya bigla akong nawalan ako ng malay. Napatayo ako sa kinahihigaan ko at biglang sumakit ang ulo ko.
"Fuck!" I whispered.
"Are you alright, Miss?" Natatarantang wika ng isang lalaki, kitang-kita ang kulay luntian nitong mata.
I nodded.
"Talagang lagot tayo nito kay Supremo kapag may nangyaring masama kay Miss." Wika ng lalaking may takip din ang mukha pero makikita ang kulay asul naman na mata nito.
"Sa oras na may kung anong mangyari kay Miss ay paniguradong magsasaya tayo sa impyerno."
Nagtatakang tumingin ako sa kanila habang patuloy pa din silang magsisihan sa isa't isa.
"Nasaan ako?" I asked.
Pareho silang lumingon sa akin. "Patawad po Miss. Pero hindi kami pwedeng magsalita ng kung ano man sayo. Maiwan ka muna namin at babalik dito mamaya si Thorn para bigyan ka ng makakain." Wika ng isa. hinila nito ang isang kasama at sabay silang lumabas na dalawa.
Naiwan akong mag-isa. Wala akong nagawa kung ang hindi napabugtong-hininga nalang. Kahit hindi sila magsabi ng katotohanan ay alam ko kung sino ang may pakana ng lahat ng ito. Siya lang naman at wala ng iba pa.
Tumayo ako at nagpunta sa pinto. Sinubukan ko iyon pihitin pero nabigo ako. Naka-kandado ito at siguradong hindi ako makakalabas. Natanaw ko ang veranda kaya naman doon nalang ako pumunta. Agad kong natanaw ang asul na dagat. Pagak akong napatawa, talagang sinigurado niyang hindi ako makaalis sa lugar kung saan niya ako inilagay.
Ilang minuto akong nagtagal pa doon pagkatapos ay bumalik na din ako sa loob. Saktong pagpasok ko ay ang siyang pagbukas ng pinto. Pumasok ang inaasahan kong may pakana ng lahat ng ito. Walang kahit na anong mababakas sa mukha niya.
"Hindi na ako magtataka kung ikaw ang may pasimuno nito." Wika ko, matalim na tumingin ako sa kanya. "Kung wala kang magawa sa buhay mo ay huwag mong pakialam ang buhay ko!"
"Sabihin mo na ang lahat ng gusto mong sabihin. I'm just trying to get you back."
"To get me back? Nagpapatawa kaba? Kung nababaliw kana ay huwag mo akong idamay sa mga kagaguhan mo. Just get me back in the city and we'll be okay."
Isang ngisi ang iginawad niya sa akin. Dahan-dahan siyang lumapit sa akin habang ako naman ay sinubukang umatras hanggang sa maramdaman ko ang kama.
"Magalit ka kung gusto mo pero hindi ko gagawin ang gusto mo."
"Hindi ko alam kung nababaliw kana o sadyang may sira ka na talaga sa utak mo noon pa man. Ano ba ang hindi mo maintindihan sa salitang ayaw ko na. Kung hindi mo magets iyon ay wala na akong pakialam. Ang tanging gusto ko lang ay ang umalis dito. Kahit kailan ay ayaw ko ng magkaroon ng kung anumang koneksyon sayo!" I furiously said.
"Wala ka ng magagawa. My decision is final!"
"Hindi mo ba naisip ang asawa mo? Ang anak ninyo? Kasi kung hindi ay napaka-demonyo para gawin ang mga bagay na ito. Hindi mo man lang naisip na masasaktan sila sa desisyon mong walang kwenta. Lalo't higit sa lahat ay sana maisip mo na matagal ng tapos ang kung anong meron sa atin. Matagal ng tapos noon pa man!" I said. trying to hold my anger towards him. Sa totoo lang ay ayaw kong sayangin ang bawat salita ko sa kanya.
"You're wrong, Mi Amoire." aniya at ngumisi. "Oo, natapos tayo noon pero hindi ibig sabihin ay doon nalang huminto iyon. Ilang taon akong nagdusa na wala ka kaya naman hindi na ako papayag na umalis ka pa."
"Don't be selfish, Azva! Isipin mo ang pamilya mo kaya nga ako umalis di ba para makasama mo sila? Pero ano itong ginagawa mo ngayon? Azva, hindi ako nandito para gawin ang mga kabaliwan mo. Kung ikaw walang puso ako meron kaya palayain mo na ako."
"No..." he refused, " Hindi kana makakalabas kahit kailan pa. Alam kung ano ang pinakamagandang gagawin ko? You will be his mother, you will be my son's mother."
©Hanamitchiunnie
BINABASA MO ANG
Azvameth: The Deceiver Mafia Boss (UNEDITED VERSION)
ActionAlana and Azva's relationship was strong , not until she found out that her bestfriend was pregnant. The father of the baby was none other than her boyfriend--Azva. She couldn't accepted the fact that the two important person in her life betrayed h...