Chapter 30

7.9K 164 15
                                    

Third Person's Point of View

Mahigpit na niyakap ni Alana ang anak bago tumayo mula sa kinahihigaan nito. Hindi niya mapigilan ang pagluha habang nakatingin kay Mixi na natutulog ng mahimbing. Kung maaari lang sana niyang isama ito ay ginawa niya ngunit hindi pwede at delikado.

Ngayon ang simula ng plano nila kasama ang SDS. Kailangan niyang bumalik sa puder ng pamilya niya upang malaman ang mga hakbang ng mga ito.

"I'm gonna miss you, my baby." She whispered and kissed her daughter on her forehead. "I'll see you soon after this."

Alam niyang iiyak ito sa oras na malaman niyang umalis na siya. Kahit ganoon ay kampante syang umalis dahil nandyan si Azva na makakasama nito.

"What if she don't want me. Is she mad at me?" Paulit-ulit na tanong ni Azva habang nakatingin kay Mixi na naglalaro kasama ni Alva. "Fuck! Why I'm scared on my own child."

Kahit awkward pa rin sa pagitan nilang dalawa ay hindi mapigilan ni Alana ang tumawa. Malalim na buntong hininga si Azva bago tumingin sa kanya.

"Is not funny, Alana. Instead of laughing at me, why don't you help me?" Asar nitong ani.

Halos mamula na sa kakatawa si Alana habang masama na ang tingin ni Azva sa kanya. "Oh God! It's not funny anymore, Alana! I'm serious!" Seryoso nitong dagdag.

Imbis na matakot ay tinaasan lang niya ito ng kilay. "Taste your own karma, Azva. Kaugaliang-kaugali mo ang anak mo. Depende sa magiging usapan ninyong dalawa ang resulta."

Kahit sa ganitong paraan lang ay maging ayos sila. Aminin man ng dalaga o hindi ay namiss din niyang tumawa sa harapan ni Azva.

"Seriously? Sabi mo ay tutulungan mo ako. Pero bakit tinatawanan mo ako ngayon?"

Huminga ng malalim ang dalaga upang pigilan ang tawa niya. Pero imbis na tumigil ay mas lalo pa siyang natawa. Pagkakita niya sa mukha ng binata ay halos mawalan ng kulay ang mukha nito. Kapag ganoon ito ay grabe ang kaba nito.

"Seriously, Azva? Takot ka sa bata?" Nang-aasar niyang tanong. "Mixi is just a child." She smirked.

Azva pulled his hair aggressively. "Damn it! Just fucking help me, Alana! Please." Pakiusap nito.

"Fine!" Pagsuko niya.

Nakahinga ng maluwag si Azva at ngumiti sa kanya. "Thank you!" He gratefully said.

--

"Listen to me, baby." Wika ni Alana habang kalong ang anak. "Diba gusto mong makita si Daddy mo?" She asked.

Lumingon sa kanya ang anak at sumilay ang ngiti sa mga labi nito. "Yes po, Can I meet him?" Excited nitong tanong.

Nakahinga ng maluwag si Alana ng malaman ang sagot nito. Alam ng anak niya na hindi si Syn ang totoong ama nito. Kaya alam ng anak niya kung ano ang sitwasyon nila.

"What if I tell you na makikita mo yung Daddy ko now? Anong sasabihin mo sa kanya?"

Mixi smiled. "I'm gonna ask him why po ang tagal niyang hindi nagpakita sa akin."

May kaunting kumurot sa puso ni Alana sa sinabi ng anak niya. Siguro ay kasalanan talaga niya kung bakit lumaki ang anak niya na walang ama.

"Are you mad at him?" She asked.

Umiling ito. "No po, pero may kaunting tampo lang po."

"Why?"

"Kasi po mula baby ako hindi ko pa po siya nakikita. Bakit ngayon lang po siya nagpakita sa akin?" Nakatitig si Alana sa anak. May munting ngiti pa din sa mga labi nito. "Pero kahit ganoon love ko pa rin mo siya. "

Oh God!

Parang siyang sinampal ng katotohanan. Lumak ang anak niya na hindi nakilala ang anak niya. Wala dapat sisihin kung hindi siya.

"Bab-"

Bago pa siya magsalita ay bumukas ang pinto. Lumingon sila at nakita si azva na pumasok.

"Hello po!" Masayang bati ni Mixi.

Tila natuod ito sa kinatatayuan ng binati ito ng anak.

"H-hello t-there." He greeted.

Fuck!

Hindi alam ni Azva kung ano ang gagawin. Ngayon pa lang niya maka-kausap ng harapan ang anak niya. Sa totoo lang ay hindi niya alam ang gagawin.

"Kayo po ang Daddy ko? Hindi po ba?" Diretsong wika nito.

Parehas na nagulat ang dalawa.

"H-how d-did you know, baby?" Nauutal na tanong ni Alana.

"He look like me po eh! Diba po? Kayo po yung sa hotel noon?" Sagot nito.

Hindi alam ng dalawa ng isasagot habang nakatingin sa anak nila.

"I know po na kayo ang daddy ko kahit noong first palang po nating mag-meet." Dagdag nito.

Matalino ang anak niya at alam nito ang nangyayari sa paligid. Kahit bata palang ay nararamdaman na ni Alana na lalaki itong parang si Azva. Mula sa ugali nito hanggang sa kung paano ito mag-isip ay katulad na katulad sa ama nito. Kaya hindi mapagkakailang mag-ama sila.

Muli niyang niyakap ang anak bago inayos ang higaan nito. Habang pababa ay nakita niya ang lima na masinsinang nag-uusap. Seryoso ang mga mukha nila na maling galaw mo lang ay maaari kang mamatay sa titig nila. Malalim ang buntong-hininga niya habang papalapit sa mga ito. Bukod sa hanggang ngayon ay hindi pa gaano palagay ang loob niya sa iba maliban kay David ay nararamdaman din niya ang titig ni Azva.

"If you want to back out now, just say it." Wika ni Markus.

Nanatili siyang nakatayo habang kaharap ang mga ito. Naging seryoso ang mukha niya. " I will not take back my words. Nasimulan ko na kaya tatapusin ko din ito." aniya, hinanap ng mga mata niya ang Daddy niya ngunit wala ito. " Nasaan si Daddy?" she asked.

"Important matters." Azva answered.

Saglit niya itong tinignan at halos kapusin siya ng hininga ng mahuli itong mariin nakatingin sa kanya.

"Sit with us, Alana." aya ni David.

Mabilis niyang binawi ang tingin at muling tumingin sa iba. Itinuro ni David ang bakanteng upuan sa tabi ni Markus. Nakahinga siya ng maluwag ng malayo ang uupuan niya sa tabi ni Azva. Nagpunta siya doon at umupo, isang tipid na ngiti ang iginawad niya sa binata bago umupo.

"I have a request before leaving." she said.

Tumingin ang mga ito sa kanya. "What is it?" Azva asked.

She sighed, "Pwede ba muna akong pumunta sa libingan kung na saan ang mga labi ni Kyla? I want a peace of mind with her." she requested.

Ngayon ay diretso siyang tumingin kay Azva. "Pwede mo ba akong dalhin doon?"

Bago magsimula ang lahat ay nais niyang dalawin ito na sana noon palang ay nagawa na niya. Kahit naisin man niyang balikan ang nakaraan ay hindi na pwede ngunit ang kinabukasan ang siyang maaaring umayos.

"Kung ayaw mo naman ay si David na lang." Biglang bawi niya.

Azva looked at her dangerously. "I will be the one."

She gulped. "Okay, sige."

Nakarinig siya ng mahinang tawa. Tumingin siya kung sino iyon at walang iba kung hindi si Markus. Binigyan niya ito ng nakamamatay na tingin ngunit isang ngisi lang ang naging sagot nito.

"I can sense a glimpse of jealousy." bulong nito

Hindi niya pinansin ang sinabi nito. Ang tanging mahalaga sa kanya ngayon ay ang magawa ang misyon niya. Panahon na para itama ang mga mali na nagawa ng mga magulang niya. Kahit kadugo pa niya ang mga ito ay mali pa rin at siya mismo ang tatapos ng kung ano mang kasamaang ang meron ang mga ito.

---------------------------------------

A/n: Nagkaroon po ako ng midterm exam kaya hindi ako nakapag-update. I'm sorry po again.

I'll update again tomorrow. Thank you and God Bless all of us!

Hanamitchiunnie

Azvameth: The Deceiver Mafia Boss (UNEDITED VERSION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon