Alana Amoire's Point of View
Isa sa pinakamasakit para sa akin ang pangyayaring iyon. Imbis na masayang pagdalaw ang gagawin ko ay dadalaw ako para magluksa. Pero mas masakit na huli na ang lahat para sa amin dalawa ni Kyla dahil sa mga panahong akala namin ay kasalanan.
Hindi ko napigilan ang pagpatak ng luha ko habang hinahaplos ang lapida kung saan nakasulat ang pangalan ni Kyla. "Patawad kung nahuli." Humihikbing ani ko. "Patawad kung ngayon lang ako nagpakita sayo. Ang pinakamasakit ay nagkita tayo pero nasa kabilang buhay ka na."
Kung sana pwede lang na maibalik ang buhay niya ay gagawin ko. Marami akong gustong ihingi ng tawad sa kanya. Noong mga panahong mas pinili kong piliin ang galit sa puso ko kaysa sa kanya. Mga panahong dapat nag-usap kami pero mas pinili kong itaboy siya.
I closed my eyes. "Kung sana... Kung sana naging bukas ang isipan ko noon. Kung sana tinanggap ko ang paliwanag mo. Baka sakaling... Baka sakaling magbago ang lahat." I whispered. "Kung pwede ko lang ibalik ang lahat. Babalik ako kung saan yung mga panahong kailangan mong magpaliwanag. Kahit masakit, basta maibabalik ko lang."
Kung siguro kung may ibang tao lang sa mga oras na ito ay baka isipin nilang nababaliw na ako. Yung pagsisisi at paghihinayang ang siyang nararamdaman ko ngayon.
"We can't go back in the past but we can go forward in the future. "
Hindi ako makagalaw mula sa pwesto nang marinig ko ang boses ni Azva. Dahan-dahan akong lumingon sa kanya at tumingin sa mga mata niya.
"Noong mga panahong may buhay pa siya. Wala ibang pangalan ang hinahanap niya kundi yung sayo lang. Paulit-ulit ang paghingi niya ng tawad habang tinatawag ka." Dagdag nito.
Binawi ko ang tingin ko at muling tumingin sa lapida ni Kyla. "Paanong bumalik ang sakit niya. Diba ayos na siya noon, kaya bakit namatay siya sa sakit na iyon." ani ko.
Noong mga panahong nalaman namin na may sakit siya ay halos ginawa ko ang lahat para lang gumaling siya. Ayaw niyang ipaalam sa mga magulang ko noon ang sakit niya kaya naman nagtrabaho ako araw at gabi para lang makaipon ng pang-surgery niya. Hindi kinaya ng katawan ko noon ang labis na pagtatrabaho kaya muntik akong bawian ng buhay noon.
"While she's pregnant, ipinaalam ng doktor niya na maaaring bumalik yung sakit niya kung itutuloy niya ang pagbubuntis. Mas pinili niyang ipagpatuloy ang pagbubuntis at sa bawat araw na nabubuhay siya ay nakahiga lang siya. Habang nangyayari sa kanya iyon ay paulit-ulit ka din niyang binabanggit."
Sa mga sinabi ni Azva ay mas lalo akong kinain ng galit ko para sa mga magulang ko. Hindi ko maatim na nagawa nila kay Kyla iyon. Walang siyang ginawa kundi ang mahalin at itinuturing na mga magulang sila.
"They're all evil, she doesn't deserve this kind of shits." Bulong ko. "I'll make them pay, especially him, even if he's my own father."
-------
Mariin akong tumingin sa buong kabuuan ng mansyon na kung saan ako dati nakatira. Ilang taon na din ang lumipas mula ng tumuntong ako sa lugar na kung saan walang masayang pangyayari ang tumatak sa akin.
Pagkatapos kong pumunta sa puntod ni Kyla ay nagpaiwan na ako kay Azva roon. May ipinadala si Astrein na sasakyan upang iyon ang maghahatid sa akin patungo dito. Gusto pa sana ni Azva na siya na ang maghahatid pero tumanggi ako. Ayaw ko pa munang makausap siya dahil na din sa gustong maging mapayapa ang utak ko para sa unang hakba na gagawin ko.
Pinindot ko ang doorbell kung saan naka-direct iyon sa guard house. Ilang minuto lang ay bumukas iyon at lumabas si Mang Jack na siyang pinaka-pinuno ng mga guard. Nakakunot ang noo niyang lumapit sa akin.
"Sino ka?" Pabalang na tanong niya.
Inangat ko ang tingin ko at sinalubong ang pagtingin niya. Ang kaninang ekspresyon niya ay napalitan ng gulat. Hindi na ako magtataka pa dahil ngayon lang ako nagpakita ulit sa kanila.
"It's nice meeting you again, Mang Jack." I greeted.
"Ma'am Amoire." aniya habang gulat pa din ang nakarehistro sa mukha niya.
"Hindi man lang po ba ninyo ako papapasukin?"
Nang sabihin ko iyon ay dali-dali siyang tumagilid. "Pasok po kayo, Ma'am." wika niya.
Isang tango lang ang iginawad ko. Siya na ang nagbuhat ng mga bagahe ko at nakasunod siya habang papunta ako sa loob. Inilibot ko ang tingin ko at mukhang wala pa ding pinagbago ang lahat.
"Ma'am, bakit ngayon lang po kayo nagpakita ulit? Alam po ba ninyo na matagal na kayong pinaghahanap ni Senyorito."
Hindi ko pinansin ang mga sinabi niya. Nakarating kami ay kaagad niyang binuksan ang pinto. Naririnig ko ang mga nag-uusap at sa tingin ko ay may pulong sila. Isang ngisi ang lumabas sa bibig ko. Pumasok ako at tumuloy sa kung nasaan sila at hindi nga ako nagkamali. Lahat ng tingin nila ay napunta sa akin. Gulat ang siyang naging reaksyon din nila.
"Alana..." Gulat na wika ni Mommy habang nanlalaki ang mga mata niya. Habang ang iba ay nakatingin lang sa akin na para bang hindi makapaniwala.
I smiled fakely. "Long time no see, everyone."
-------
A/n: Habang sinusulat ko itong chapter na ito. Para akong sabog na gusto ng matulog. Kulang sa lovelife este sa tulog si ako. HAHAHAHAHA.... Joke lang po! See you again tomorrow or in the next day nalang. Thank you again! LOVELOTS....
follow me on my social accounts:
Facebook: Hanamitchi Unnie
Instagram: xxcorpuzangelxx
Twitter: Hanamitchiunnie
Hanamitchiunnie
BINABASA MO ANG
Azvameth: The Deceiver Mafia Boss (UNEDITED VERSION)
ActionAlana and Azva's relationship was strong , not until she found out that her bestfriend was pregnant. The father of the baby was none other than her boyfriend--Azva. She couldn't accepted the fact that the two important person in her life betrayed h...