Alana Amoire's Point of View
"I will fetch you later, baby. May meeting lang si mommy this morning kaya hindi ka pwedeng sumama."
Tahimik na nakatingin sa akin ang anak ko habang humihikbi pa din. Mula kaninang pagkagising ko ay wala siyang mukhang bibig kung hindi ang gusto niyang sumama. Kahit gusto ko ay hindi pwede dahil mahalaga ang pag-uusapan namin ni Ms. Consuelo. Ang ikinatatakot ay baka hindi ko siya mabantayan ng mabuti.
"I just wanna come with you. I promise, I will behave!" she said, nakanguso ang labi niya habang pulang-pula naman ang mga mata niya dahil sa pag-iyak. "Sama na kasi ako, Mommy. Sige na!"
I sighed, "Ganito na lang... How about after the meeting, I will fetch you and then we will go to the mall?"
Her eyes widened, "Really? We will go to the mall?"
"Yes, basta hindi ka magiging makulit. Hindi ka iiyak after umalis ni Mommy." I answered and then nodded.
Mixi happily claps her hands. Tumayo siya at tumakbo sa akin para yakapin ako. "Okay! I'll promise!"
"Ang bait naman ng baby ko."
"Mana po ako sa inyo eh!"
"That's a fact!"
Binuhat ko ang anak ko pagkatapos ay bumaba na. Sumalubong sa amin si Syn na nakasimangot habang nakatingin sa amin.
"Mukha yan?"
"Bakit sa akin sasama si Mixi? Hindi ba pwedeng sumama siya sayo?"
"No, kailangan naming mag-usap ni Ms. Consuelo nang masinsinan dahil alam mo namang malaking event ang icocover natin diba? Unless you want to replace me in that meeting? Pabor sa akin iyon..." Nang-aasar kong wika pagkatapos ay ngumiti ng nakakaloko. "Alam mo namang mas matutuwa si Ms. Consuelo kung ikaw ang makakaharap niya. Alam mong mahal na mahal ka niya."
"Kilabutan ka nga sa sinasabi mo!" he said, umakto siyang parang nasusuka. "Mas gusto ko ng alagaan na lang si Mixi kaysa ang makita ang babaeng iyon. Hindi ko gusto ang mane, ang gusto ko ay hotdog!"
"May bata tayong kasama!"
"Hayaan mo yan! Hindi naman niya maiintindihan ang mga sinasabi ko." aniya, kinuha niya sa akin si Mixi at siya ang bumuhat. Syn smiled widely to my daughter, "Tayo ulit ang magkakasama ngayon. Namiss mo ba si Papa?"
Mixi giggled, "Nagkita lang po tayo kahapon eh."
"My cheeks will be red again! Ang bad mo po papa!"
Natatawa lang ako habang nanonood sa kanilang dalawa. Sa totoo lang ay mas malapit si Mixi kay Syn dahil na din siguro siya ang kinalakihang ama ng anak ko. Hindi niya pinaramdam na iba ang anak ko sa kanya. Tinuring niyang anak ito kahit ang nobyo niya ay tanggap din si Mixi. Kaya dalawa ang tatay niya sa katayuan nilang dalawang magnobyo. Idagdag pa na itinuturing din na parang tunay apo ng mama ni Syn si Mixi.
"I will go now... I'll see you later!"
Iniwan ko sila at tumuloy kung saan ang usapan namin ng kliyente ko. Inayos ko ang sasakyan pagkatapos ay pumasok sa cafe. Hindi ako nahirapang makita si Ms. Consuelo dahil na din sa kakaibang hairstyle nito. Lumapit ako sa gawi niya at binati siya.
"Ms. Consuelo," I called her.
Inangat niya ang tingin sa akin at ngumiti ng malapad.
"You must be, Alana Amoire?"
"The one and only, Miss."
"Take a seat please."
I sat in front of her. Saglit kong sinulyapan ang mukha niya pagkatapos ay agad ko din itong inalis.
"Let's order first. After that we can proceed to the main meeting."
Tinawag niya ang isang waiter at agad naman itong lumapit. "What's your order?" Inabot nito sa amin ang menu.
"One espresso and a slice of dark chocolate." Ms. Consuelo said.
"One latte and one slice of chocolate caramel cake." I said.
Umalis ang waiter ay naiwan kami dalawa lang ulit ni Ms. Consuelo.
"Ms. Consuelo, about the event? I just wanna clarify something first before we talk. Can I?" Nahihiyang tanong ko.
She nodded and smiled, "Sure."
"It's all about you and my boss?" Nahihiyang tanong ko.
Noon pa lang ay gusto ko na talagang malaman kung bakit ayaw sa kanya ni Syn. Malihim ang taong iyon pagdating sa kanya. Ang alam ko lang ay may history sa pagitan nilang dalawa ni Ms. Consuelo. Iyon din ang kwento sa akin ng mama ni Syn noon.Kakapalan ko na ang mukha ko syempre.
"Hindi ko alam na tsismosa ka din pala... hahaha." Biglaang pagtatagalog nito, kaya lumaki ang mga mata ko. Hindi din nabanggit sa akin ni Syn na marunong magtagalog ang babaeng ito. "Gulat ka no? I'm a half filipina kaya ako marunong mag-tagalog. About sa tanong mo ay bakit gusto mong malaman?"
Napakamot na lang ako sa ulo ko dahil sa kahihiyan. Kung bakit naman kasi hindi ko napigilan ang bibig ko. Pero okay na din iyon para malaman ko dahil talagang gusto kong malaman talaga.
"Syn is my friend and I just wanna know his past."
She chuckled, "I will tell you next time na magkikita tayo. Pero sa ngayon ay pag-usapan muna natin ang tungkol sa event."
Dumating ang order namin ay agad din naming sinimulan ang pag-uusap. Mabait naman si Shera kung bakit ayaw ni Syn na makita siya? Kailangan ko talagang malaman iyon.
"The Dreamboys event will be the biggest event this year. Ang sabi sa akin ni Tita ay ikaw ang pinakamagaling sa lahat ng writers ng kumpanya ninyo? Kaya hindi na ako nagdalawang-isip pa na ikaw na lang."
"What will be the rules? Saan gaganapin ang event?"
"The event will be held in Hawaii. Pero kakaiba ang gagawin ngayong taon ngayon dahil iba't ibang mga tao ang pupunta mula sa iba't ibang parte ng mundo. Gaganapin ito ng tatlong araw kaya mas mabuting magdala ka ng makakasama mo. Magiging okay lang ba sayo?"
Kumunot ang noo ko, "Can you elaborate more?" Naguguluhang tanong ko.
"Iniisip kasi ni Daddy na kaysa party ang magiging event ay isang team building. Ang gusto niya kasi ay magkaroon ng bagong connection between two people. Alam na din nila Tita ang mga ito kaya sayo ko na lang ipapaliwanag. Kahit ako ay hindi ko din maintindihan ang ibig sabihin ni Daddy. Kaya mahalagang unang araw pa lang ay nandyan ka na sa event. I will send it to you the invitation. Magkakaroon naman ng orientation regarding sa magiging event."
Sa loob-loob ko ay hindi ko maintindihan ang ibig niyang sabihin. Mas mabuti sigurong makinig na lang sa orientation pagdating ko doon. Kailangan ay matapos at maging maayos ngayon ang trabaho ko kung hindi ay wala akong magiging sahod. Iyon ang banta sa akin ng lalaking iyon. Kung pwede lang ako mag-resign ay ginawa ko na pero syempre hindi pwede.
"Thank you for your time, Shera. Pero pangako mo ay sasabihin mo sa akin kapag nagkita tayo sa Hawaii. Hihintayin ko iyon!"
She nodded, "Yes! Are we friends now?"
I nodded. "Oo naman!"
"Alright... I'll see you there bestie."
©Hanamiychiunnie
BINABASA MO ANG
Azvameth: The Deceiver Mafia Boss (UNEDITED VERSION)
ActionAlana and Azva's relationship was strong , not until she found out that her bestfriend was pregnant. The father of the baby was none other than her boyfriend--Azva. She couldn't accepted the fact that the two important person in her life betrayed h...