Alana Amoire's Point of View
"Let's get to the point, Azva. Ano ba talagang gusto mong mangyari? Kasi sa totoo lang ay hindi ko na alam kung ano ang tumatakbo sa utak mo."
Nandito kami ngayon sa opisina niya. Iniwan muna namin saglit si Alva kay Thorn. Kailangan kong makausap ng masinsinan si Azva dahil sa totoo lang ay hindi ko na kayang tumagal pa.
"What do you mean?"
"Bakit lahat ng ito ay ginagawa mo? Ano ba talagang gusto mong mangyari? Kasi sa totoo lang ay natatakot na ako sa mga ginagawa mo. You kidnapped me, locked me in this island, and lastly; you threatened me to be your son's mother! Give me a valid reason why you always try to pester me?"
"I'm desperate... " he uttered, "I'm desperate to have you back."
"Kahit pa makuha mo ako ay wala na talaga. Gaya ng sinabi ko sayo noon ay wala na talaga! Kahit pa gawin mo lahat ng bagay na ito ay wala na talaga."
"Are you already in love with another guy?"
Hindi ako nakapagsalita sa naging tanong niya.
"Let's not talk about it. Ang pinag-uusapan natin dito ay bakit ginagawa mo ang lahat ng ito?!"
"I want you back, Alana! I desperately want you back in my life. Kahit gumawa pa ako ng mas masama ay gagawin ko basta bumalik ka lang sa akin."
Napailing ako sa sinabi niya. Wala na ba talaga siyang natitirang kahihiyan sa katawan niya? Sobrang nagbago siya sa dating siya. Ibang-iba na ang dating Azva na minahal ko sa ngayon.
"Can you hear yourself? Gagawa ka ng kasamaan para lang makuha ako? Ano bang nangyari sayo ha!? Hindi na ikaw yung lalaking nakilala ko noon. You turned yourself just like your father, Azva!"
Galit na galit siya sa ama niyang makasarili noon pero bakit ngayon ay naging pareho na sila? Gagawin ang lahat makuha lang ang gusto.
"Masisisi mo ba ako kung gusto ko lang na mabawi ang buhay na dapat nabuo na natin? Gusto ko lang na mabawi ang buhay ko na kasama ka. Alam mo bang ipinangako ko sa sarili ko na sa oras na makita muli kita ay hindi na ako magsasayang pa ng oras. Kahit kagalit mo ay ayos lang basta makita kitang nasa tabi ko."
"Makinig ka sa akin, Azva. Ang buhay na tinutukoy mo ay hanggang pangarap na lang. Matagal nang nabaon iyon sa pagiging pangarap na lang. Harapin mo na ang realidad ngayon at iyon ay may kanya-kanya na tayong buhay. Ako kasama ang mga taong bumuo sa akin noong panahong nawasak ako. Ikaw kasama ang anak mo at ang posisyon mo na pinapangarap mo noon pa man. Kaya sana naman ay maintindihan mo iyon at matauhan ka."
"Why don't we try it again, Alana? This time,I will not make a mistake again."
"Mistake a mistake, Azva. Ang isipin mo na lang ay ang anak mo. Make him happy with you."
Sa ngayon ay ito lang ang pwede kong masabi sa kanya.
"Alvazeth was already attached to you. How can you leave him?"
Napatigil ako ng marinig ang pangalan ni Alva. Biglang sumagi sa isip ko ang mga sandaling naging malapit ako sa bata. Pero kahit gusto ko ay hindi pwede. May naghihintay sa akin sa pagbabalik, kailangan ko silang balikan.
"Kung papakawalan mo ako ay mas mabuting hindi niya ako makitang umalis."
"Ganun mo ba talaga gusto na umalis?"
"Alam nating dalawa na hindi talaga dapat ako nandito! Maayos akong bumalik dito para sa trabaho ko pero anong ginawa mo? You ruined it!"
Masakit para sa kanya ang mga sinabi ko pero yun ang totoo. Maayos akong bumalik pero nagkagulo ang lahat ng magkita ulit kami.
"I'm sorry... I'm sorry for trying to ruin your life again. Ang akala ko ay maibabalik ko pa ang lahat pero mas lalo ko lang pa lang ginulo ang lahat. Kung gusto mo na talagang umalis ay ako mismo ang maghahatid sayo. Pero may huling hiling ako bago tuluyang mawalay ka sa akin, sa amin ni Alva."
Tumango ako at ngumiti sa kanya. "Ano?" ani ko, kahit huli man lang ay may magawa ako para sa kanila.
He smiled bitterly. "Can you spend a day with me and Alva? Kahit ngayon lang, para bang isang buong pamilya tayo. " aniya.
Walang masama kung papayag ako. Kahit ilang oras man lang ay maging masaya kami bago magkahiwalay-hiwalay.
"Pumapayag ako at sana ay tuparin mo ang pinangako mo."
"Huwag kang mag-alala at tutuparin ko ang sinabi ko."
"Mabuti na ng maglinawan tayo."
"Bago ko makalimutan ay may hihilingin sana ako para sa anak ko. Kung maaari lang ay pumayag ka sana?"
My forehead furrowed, "What is it?"
He sighed, "Hindi pa maayos ang mga papeles niya. Ang sabi ng abogado ay kailangan ng pirma ng isang babae sa may birth certificate niya dahil kung hindi ay hindi iyon ma-reregister. Can I ask you to sign his papers now? Kahit iyon man lang ay may maging nanay siya sa papel."
I bit my lower lip. Ano bang pinagsasabi niya? Sa pagkakaalam ko ay kahit isa lang ay pwedeng maging guardian sa birth certificate?
"What are you trying to say?"
"Maging ako ay nalilito din. Iyon lang ang ipinaliwanag sa akin at kailangan na daw iyon bukas. Wala na akong oras na maghanap ng iba pa. Saktong nasa ibang bansa ka ay hindi mo na aalalahanin pa ang mga ito. Tanging pirma mo lang ang kailangan."
Kahit naguguluhan ay tumungo. Tumayo siya at may kinuhang mga papeles sa may maliit na table. Inilagay niya sa harapan ko iyon at inabot ang isang ballpen. Huminga ako ng malalim bago inisa-isa itong pinirmahan. Hindi na ako nag-abala pang basahin iyon at tiwala sa mga sinabi niya. Natapos ako ay agad kong ibinalik sa kanya iyon. Isang malaking ngiti ang iginawad niya sa akin.
"Thank you!"
"You look happy?" Naguguluhang tanong ko.
"Yes, I am..."
Hindi ko alam para siyang biglang baliw na naging masaya. Siguro ay may naalala lang siya. Hinayaan ko nalang at iniisip na bukas ay makakabalik na din siya. I can't wait for that moment. Paniguradong mamimiss ko ang batang iyon kahit na saglit ko lang siyang nakasama. Napamahal na din siya sa akin kahit papaano.
©Hanamitchiunnie
BINABASA MO ANG
Azvameth: The Deceiver Mafia Boss (UNEDITED VERSION)
AcciónAlana and Azva's relationship was strong , not until she found out that her bestfriend was pregnant. The father of the baby was none other than her boyfriend--Azva. She couldn't accepted the fact that the two important person in her life betrayed h...