XI (unedited version)

10.9K 228 17
                                    

Alana Amoire's Point of View

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Alana Amoire's Point of View

"Goodnight po.."

Isang ngiti ang iginawad ko sa kanya bago siya tuluyang makatulog. Hinaplos ko ang buhok niya pagkatapos ay hinalikan siya sa ulo. Sa sobrang pagod ay agad siyang nakatulog. Buong araw ay ayaw niyang umalis sa tabi ko. Natatakot siya na umalis ako kapag nawala lang akong saglit sa paningin niya.

Nakakaawa lang na maagang nawalay siya sa ina niya. Kahit pa sobrang galit ko ay hindi ko magagawang hihilingin na mawala si Kyla. Sa murang edad ng batang ito ay walang pagmamahal ng ina ang kinalakihan niya.

Mahina ang mga hakbang na lumabas mula sa kwarto ni Alva. Balak ko na sanang bumalik sa kwarto ko ng makarinig ako ng maingay mula sa baba. Sinilip ko kung ano iyon at nakita si Azvameth na inaalalayan ni Thorn paakyat.

"Ano ba! Bitawan niyo nga ako!"

Napailing nalang ako habang pinagmamasdan sila. Hindi na lang niya naisip ang anak habang siya ay nagpapasaya. Ito ba ang sinasabi niyang naging desisyon niya? Ang iwan ang anak at magpakasaya na parang binata.

"Supremo... baka po maihulog po kita. Huwag po kayong malikot." Pakiusap ni Thorn, base sa mukha nito ay nahihirapan ito sa pag-alalay sa amo niya.

Wala akong nagawa kung ang hindi lumapit sa kanila. Nagulat si Thorn ng makita ako kaya napahinto sila sa pag-akyat.

"I will help you."

Kahit nag-aalangan ay wala siyang nagawa ng hawakan ko ang isang kamay ni Azvameth. Dinala namin siya sa kwarto nito at inalalayang nakahiga.

"Anong nangyari sa kanya?"

"Naparami po ang inom pagkatapos ng trabaho namin."

"Hindi pwedeng ganyan lang siyang matutulog. Pwede bang pakikuha ako ng towel at maligamgam na tubig."

Lumabas si Thorn kaya dalawa lang kaming naiwan ni Azva. Nilingon ko siya at tinitigan ng mabuti. Wala pa ding pinagbago ito kagaya parin noon.

"I'm sorry Alana... Please come back to me." He uttered.

Tahimik ko lang siyang pinagmamasdan habang paulit-ulit niyang binabanggit ang pangalan ko. Kahit anong gawin niyang humingi ng tawad ay wala na talaga. Ang tanging magagawa ko na lang ay ang mapatawad sila.

"Alana... Alana... "

"Tigilan mo na ang pagtawag sa pangalan ko."

Iminulat niya ang mga mata niya at tumingin sa akin. Papikit-pikit ito habang pilit na inaaninag ako.

"Alana, you're here!"

"Umayos ka nga! Hindi mo nalang naisip ang anak mo. Nag-pakalasing ka habang yung anak mo naghihintay sayo buong maghapon!"

"Anak? Yung anak kong naging dahilan kung bakit mo ako iniwan. Paano kaya kung hindi siya nabuo baka tayo pa din hanggang ngayon."

Kumunot ang noo sa mga sinabi niya. Hindi ako makapaniwalang lumabas mula sa bibig niya ang mga salitang iyon.

"Naririnig mo ba yang sinasabi mo? Pwede ba gumising ka nga sa realidad!"

Pagak siyang tumawa at sinubukang tumayo pero natumba din siya.

"Totoo naman lahat ng sinabi ko! Kung hindi siya dumating ay baka tayo ang may anak na ngayon. Sana hindi mo ako iniwan!"

"Alam mo may sakit ka na sa utak Azva! Sarili mong anak pinagsasabihan mo ng ganyan? Alam mo ba na habang kasama ko kanina yung anak mo nararamdaman kong naghahanap siya ng kalinga ng isang magulang. Sana naman kahit iyon man lang ay nagawa mo para sa kanya. Kasi kung hindi pinatunayan mo lang sa akin na sarili mo lang ang iniisip mo!"

"Kaya nga ginagawa ko ang lahat ng ito para din sa kanya. Alam kong mamahalin mo ang anak ko ng buong-buo at nagbabaka-sakaling mamahalin mo din ako ulit."

"Siguro nga kaya kong mahalin ang anak mo pero ang mahalin ka ay malabo na. Maaari kong mahalin pansamantala ang anak mo habang nandito pa ako pero hindi panghabang-buhay. Hindi ko obligasyon na bigyan ng pagmamahal ang anak mo kung hindi ikaw ang dapat gumawa noon. Sana maisip mo yan at sana din tumatak sa utak mo yan!"

Hindi na siya sumagot pa ng bigla siyang mawalan ng malay. Malaki ang pasasalamat ko dahil kung hindi ay baka kung saan na naman mauwi ang pagsasagutan naming dalawa. Saktong pagpasok ni Thorn dala ang mga gamit. Dinala niya ito sa side table at nagpaalam din. Kahit gusto kong iwan si Azva ngayon ay may awa pa din ako sa kanya. Tinanggal ko ang pang-itaas niya at sinimulan ng punasan siya.

"Thorn, pwede bang pumasok ka saglit dito."

Nasa labas lang siya at nakabantay sa pinto. Pumasok si Thorn at nagtatakang tumingin sa akin.

"Ikaw na ang magpalit sa amo at babalik na ako sa kwarto ko."

Ibinigay ko sa kanya ang hawak ko towel pagkatapos ay lumabas na sa kwarto. Bumalik ako sa kwarto ko at nahiga.

*********

Nagising ako ng may maramdaman na humahalik sa pisngi ko. Iminulat ko ang mga mata ko at mukha ni Alva ang bumungad sa akin. Nakangiti siya habang nakaupo sa tabi ko.

"Good Morning Mommy!"

"Good Morning.. Why so early?"

"I thought that you're gone. Kaya po hinahanap kita kaagad, akala ko po kasi iniwan ninyo po ako."

Paano ako makakaalis kung nakakulong ako sa islang ito? Kahit lokasyon nito ay hindi ko alam kung saan bang parte ng mundo. Gusto ko sanang sabihin sa kanya iyon.

"Let's go outside? Kumain ka na ba?" pag-iiba ko.

"Hindi pa po.. I'm waiting for you po kasi."

"Bihis lang ako saglit pagkatapos tara na bumaba.. Okay ba?"

Tumayo ako at agad na nag-ayos ng sarili ko. Pagkatapos ay binuhat ko si Alva pababa. Nakarating kami sa baba ay diretso kaagad kami sa kusina. Laking gulat ko ng makita ang taong nandoon. Walang iba kung hindi si Azva na nagluluto habang walang pang-itaas na damit.

"Daddy!" Alva called him, lumingon sa gawi namin siya at nanlalaki ang mga mata.

Siguro ay nagulat siya dahil buhat-buhat ko ang anak niya. Panigurado ding hindi niya naalala ang tungkol sa nangyari kagabi.

"Let's eat."

Dinala niya ang niluto sa lamesa. Kaya naman ibinaba ko si Alva sa upuan at inayos ang pagkain nito. Hindi ko pa din tinitignan si Azva kahit isang sulyap ay hindi ko ginawa. Ang tanging naging atensyon ko lang ay nasa bata.

"You should eat first mommy. I can feed myself."

"Sure.."

Binigyan kong pansin ang pagkain ko at tahimik na sumubo. Sa totoo lang ay ang awkward sa mga oras na ito.Lumipas ang oras ay natapos kami nagprisinta si Azva na siya na ang maghuhugas.

"Pwede ba tayong mag-usap mamaya pagkatapos mo dyan?"

Nilakasan ko ang loob ko dahil gusto ko ng matapos ang lahat ng ito. Hindi pwede wala akong gagawin lang.Tumingin siya sa akin at tumango.

"Yes..." 

©Hanamitchiunnie

Azvameth: The Deceiver Mafia Boss (UNEDITED VERSION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon