Third Person's Point of ViewMalamig na simoy ng hangin ang siyang bumatid kay Alana pagbaba niya ng sasakyan. Ilang oras din ang biyahe niya patungong Canada. Alam niyang labis ang pag-aalala ng mga taong iniwan niya dito kaya ganoon na lang niyang gustong makabalik kaagad. Tinanaw niya ang bahay ni Syn bago pinindot ang doorbell nito. Ilang minuto lang ay lumabas ang kaibigan.
"Who's the hell are you?"
"It's me Alana.."
Napaigtad siya ng biglang sumigaw ito. Hilam siyang napangiti dahil sa reaksyon nito. "Babaeng malandi! Saan ka nagpunta? Anong nangyari sayo? Bakit ngayon ka lang bumalik? Alam mo bang alalang-alala ako sayo!" Sunod-sunod nitong wika.
"Papasukin mo muna kaya ako? Sobrang lamig na kaya."
Binuksan nito ang gate at sabay silang pumasok sa loob. Iniwan muna siya ni Syn at nagpunta sa kusina. Pagbalik nito ay may dala ng kape at tinapay. Umupo sa tapat niya ito at mariin siyang tinignan.
"Care to explain, what happened to you? Mommy and I are worried about you!"
Alana signed, "Azvameth kidnapped me. Kaya hindi ako makatawag sa inyo ay wala sa akin ang gamit ko." wika niya.
Syn eyes widened. "Did you just say that Azva kidnapped you? o nabingi lang ako sa narinig ko?" he said, tila hindi ito makapaniwala sa mga narinig nito.
"I won't repeat what I've said."
"Anak ka ng tatay at nanay mo! Anong ginawa sayo ng lalaking iyon? Sinaktan kaba niya o ginalaw ka ba niya? Huwag mong sabihing naging marupok kang babae ka?! Sinasabi ko sayo masasabunutan na kita!"
"Pwede ba pakinggan mo muna yung sasabihin ko bago ka magsalita ng magsalita dyan."
Tumigil ito ngunit nakatingin pa din sa kanya ng masama. Huminga ng malalim si Alana at sumandal sa pagkakaupo niya. "He didn't hurt me but he threatened me." aniya.
"What the hell! He threatened you?"
"He threatened me to be his son's mother." she answered.
"Please, don't tell me that you agreed to it?"
"Why would I? Hindi ako baliw para umoo sa gusto niya. Once was enough..."
Hindi na niya gustong banggitin pa ang ibang nangyari. Labis na magagalit sa kanya ito sa oras na sinabi niya ang mga ginawa niya. Mabuting ibaon na lang sa limot ang mga pangyayaring iyon dahil ayaw na niyang balikan pa.
Nang ihatid siya ni Thorn sa airport ay inabot nito ang mga gamit niya. Humingi din ito ng tawad sa kanya dahil sa dahas na ginawa nito sa kanya. Pinatawad na din niya ito dahil sumusunod lang ito sa gusto ng amo niya.
Bago siya umalis ay tinupad niya ang hiniling ni Azva. Isang araw na pagpapanggap ang ginawa nila para sa anak nito. Aminin man niya sa sarili o hindi ay naging masaya siya kahit sandali lang kasama ang mga ito. Pero natapos iyon ay bumalik sa dati ang lahat. Hindi na niyang nagawang magpaalam pa sa bata dahil hindi niya kayang makita itong malungkot habang nakikita siyang umalis. Kaya ng makatulog ito ay iyon ang sandaling napili niyang umalis at wala ni kahit isang pagtutol ang ginawa ng binata.
"Anong dahilan niya at ginawa ng lalaking iyon sayo?"
"He wants me back but I refuse."
"Good! Before I forgot she's in the guest room. Iyak ng iyak noong umalis ka."
"Puntahan ko muna siya at para makapagpahinga na din ako."
Wala sinayang na oras si Alana at agad nagtungo sa kwarto kung na saan ito. Binuksan niya ang pinto at natanaw ang isang batang babaeng natutulog habang may yakap na manika. Pumasok siya at dahan-dahang sinara ang pintuan. Lumapit siya sa bata at marahang hinalikan ito sa ulo. Ilang araw din sila naghiwalay kaya ganoon nalang ang gusto niyang makita at mayakap ito.
Mukhang nagising ito kaya dahang-dahang idinilat nito ang mga mata. Tila wala pa ito sa wisyo kaya hindi pa siya napapansin. Pinanood niya ito hanggang sa tumingin ito sa kanya sabay lumaki ang mga mata.
"Mommy!"
Bumangon ito at niyakap siya ng mahigpit. Ipinikit niya ang mga mata at dinama ang yakap ng anak. Sobra ang pangungulila niya sa mga nagdaang araw kaya ganoon na lang niya ito mahigpit na niyakap.
"How are you my princess?"
"I'm fine mommy! Si tito po ang nag-alaga sa akin habang wala po kayo. Namiss po kita ng sobra!"
Isang ngiti ang iginawad niya sa anak at muli itong niyakap.
"Very good, we should rest now."
Mixi pouted, "But... I miss you mommy.. can we play?"
"Tomorrow na lang baby. We both need a rest for now. I promise bukas ay magbobonding tayong dalawa. Okay ba iyon?"
Tumango ito at bumalik sa pagkakahiga. Tumabi siya sa anak at niyakap ito. Sinimulan niyang kantahan ito hanggang makatulog. Sa mga oras na iyon ay hindi makatulog si Alana. Muli na namang bumalik sa alaala niyang ang ginawa ng ama ng kanyang anak.
Nalaman ni Alana na buntis siya ng ilang araw pagkatapos niyang makarating sa Canada. Hindi niya alam ang gagawin ng mga panahong iyon. Kahit isang trabaho ay wala pa siya noon. Pero maswerte siya dahil dumating sa buhay niya si Syn. Ito ang tumulong sa kanya noong mga panahong iyon. Binigyan siya ng trabaho at nagsumikap siya para sa anak. Akala niya ay wala na siyang makakapitan ngunit isang malaking swerte ang dumating sa buhay niya ng malaman niyang magkaanak siya.
Hindi na niya minabuting ipaalam pa ito kay Azvameth noon. Wala ring saysay kung malalaman nito ang tungkol sa anak nila. Lalabas lang na bastarda ang anak niya kapag nangyari iyon. Kaya ginawa niya ang lahat para maibigay lahat ng pangangailangan ng kanyang anak. Tumayong ama ni Mixi si Syn kaya malaki ang pasasalamat niya sa kaibigan. Kaya tumatak na sa isip niya na kahit kailan ay walang karapatan makilala ni Azva ang anak niya. Sa kanya lang ang anak niya.
"Patawad anak kung hindi mo na makikilala ang ama mo. Ayaw ko lang na masaktan ka, ang tanging gusto ko lang ay ang maging masaya ka. Kung ang pagsisinungaling ang sagot ay gagawin ko basta huwag ka lang makuha niya. Tama ng ako na ang nasaktan noon hindi na ako papayag na pati ikaw ay madadamay." she whispered, hinalikan niya sa noo bago pinikit ang mga mata niya.
©Hanamitchiunnie
BINABASA MO ANG
Azvameth: The Deceiver Mafia Boss (UNEDITED VERSION)
ActionAlana and Azva's relationship was strong , not until she found out that her bestfriend was pregnant. The father of the baby was none other than her boyfriend--Azva. She couldn't accepted the fact that the two important person in her life betrayed h...