VI

11.4K 256 16
                                    

Alana's Point of View

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Alana's Point of View

"How's your life in Canada, cous? Huling balita ko sayo ay noong huling pitong taon pa. Are you really okay now? Na nandito ka ulit sa Philippines?" Biglang tanong ni Harmaine habang inaayos nya ang buhok ko. Mula sa peripheral vision ko ay kita ang pag-aalinlangan sa mukha niya kung tama ba na nagtanong siya. "Well, kung ayaw mong sagutin ay ayos lang sa akin. Choice mo naman at naiintindihan ko." Dagdag niyang wika sabay ngiti ng tipid.

Huminga ako ng malalim bago ngumiti pabalik sa kanya. I guess, wala namang masama kung mag-kukwento ako ng kahit kaunting mga detalye lang sa nangyari sa akin. Mapagkakatiwalaan naman siya at alam kong deserve din niyang malaman ang mga iyon. Isa si Harmaine sa mga taong lubos kong pinahahalagahan. Bukod sa pagiging magkadugo namin ay para ko na din siyang kapatid na itinuturing.

Kasalukuyan kaming nasa condo unit niya ngayon at siya din ang nag-aayos sa akin para sa event na pupuntahan ko mamaya. Ang event na pupuntahan ko ay ang pakay kong event kung bakit ako nandito sa Pilipinas. Isa lang ang ibig sabihin 'nun, pagkatapos ng event ay pwede na akong makabalik sa Canada. Doon ko na lang tapusin ang report na gagawin ko.

"I'm okay, okay din ang naging buhay ko sa Canada. Mahirap sa una pero eventually ay naging maayos din ang lahat. Natuto akong tumayo sa sarili kong mga paa at nabuhay ko ang sarili ko na hindi umaasa sa iba." Ani ko sa mababang tono. "Maraming nagbago mula ng umalis ako sa impyernong buhay ko dati. Isa yun sa malaking ipinagpapasalamat ko."

Pagkatapos kong magsalita ay nilingon ko ulit si Harmaine at halos napangiwi ako ng makita kong tumutulo na ang luha sa mga mata ng gaga. Alam ko naman na madali siyang malungkot pero hindi ko alam na ganun kalala siya.

"Umiiyak ka ba?" Hindi makapaniwalang tanong ko.

Agad naman siyang tumalikod sa akin sabay punas ng mga luha niya. "Hindi kaya! Ano... napuwing lang ako kaya ako naluha." Pagsisinungaling niya kahit halata naman. Humarap siya sa muli sabay balik sa pag-aayos sa buhok. "o.a mo naman,"

Nagkibit balikat na lang ako at hindi na siya inasar pa. Baka mamaya ay topakin 'to, imbes na maganda akong umalis ay baka maging kamukha ko pa si sadako. "If you say so," nasabi ko na lang.

Lumipas ang ilang oras pa ay natapos din siya sa pag-aayos sa akin. Kaya naman ay sinuot ko na ang damit na napili namin para tingnan kung babagay ba siya sa looks ko ngayon. Isang malawak na ngiti ang namutawi sa labi ko dahil bumagay nga yun.

Lumabas ako mula sa banyo. "What do you think, cous?" Agaw pansin na tanong ko kay Harmaine.

She looked at me. "Saang bar ka pupunta?" Pabirong tanong niya.

Tumingin ako sa kanya at umirap. "Talaga ba?" Turo ko sa damit na suot ko. "Mukha akong sasayaw sa bar nito!"

Pabiro niya akong iniirapan."Pabebe!"

Napapailing na lang akong bumalik sa kwarto at kinuha ang pouch na dadalhin ko sa event. Mas okay na maging maaga ang punta ko doon kesa mahuli.

"Pupunta na ako. Magiging okay ka lang ba dito?"

Azvameth: The Deceiver Mafia Boss (UNEDITED VERSION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon