Chapter 33

6.3K 121 4
                                    

Third Person's Point of View

"Pinatunayan mo lang na hanggang ngayon ay wala ka pa ding kwentang ama, Ali!" Galit na wika ng ginang sa asawa nito. "Sarili mong anak nagawa mong gawin sa kanya iyon! Hindi paba sapat yung nakaraang ginawa mo? Winasak at ginawang mong miserable ang buhay niya noon!"

Kahit anong gawing kapa ng ginang sa sarili niya ngayon ay hindi nito maipagkakaila ang labis na galit nito sa asawa. Nang makita niya ang anak ay labis ang pagkagulat ang naramdaman niya. Hindi niya lubos maisip na sa loob ng ilang taong hindi niya ito nakita ay bumalik sa kanila.

Naisin man niyang lapitan ito ay hindi niya alam kung paano. May kung ano ang pumipigil sa kanya na lumapit sa kanyang anak. Labis ang takot niya dahil alam niya sa sarili ang mga nagawa niyang kasalanan sa anak.

"Siya ang gumawa ng desisyon! Mas ninais pa niyang kumampi at tulungan ang lalaking iyon kaysa sa ating kadugo niya." sagot nito.

Pagak na natawa ang ginang. "Naririnig mo ba yang sarili mo? Hindi mo masisisi ang anak natin kung bakit iyon ang ginawa niya. Sa buong buhay niya kahit ni katiting na atensyon mula pagkabata ay hindi mo maibigay sa kanya. Sa bawat pagbibigay mo ng papuri kay Kyla ay siya namang pagbaba mo sa kanya. Pero alam mo ang pinakamasakit bilang ina niya? Hindi ko man lang narinig mula sa kanya na nasasaktan siya o nagrereklamo man lang. Tahimik niyang tinatanggap ang pagtrato mo sa kanya." Basag ang boses nito.

"Shut up!"

Umiling ito. "Hindi ka pa nakuntento. Kahit paglaki niya ay wala ka pa ding ginawa kung hindi bigyan siya ng pasakit. Akala ko noong panahon wala siya at pinaghahanap mo siya ay tuluyan ka nang nagsisisi sa mga ginawa mo. Pero malaki pagkakamali pala ang akala ko." Dagdag nito.

"Lahat ng desisyon ko noon hanggang ngayon ay wala akong pinagsisisihan. Kung sana nakinig sa akin si Alana noon na layuan ang lalaking iyon. Sana ay hindi nangyari ang lahat ng iyon. Sana maayos ang lahat sa buhay niya at masaya sana siya kahit wala ang lalaking iyon." Nakangising wika ng ginoong.

"Bakit hindi mo nalang sabihin na hanggang ngayon ay grabe ang galit mo sa tunay na magulang ni Azva. Kaya naman plinano ninyo ni Agosto na kunin ang sanggol na anak nila Axel at Ynna noon. Hindi mo matanggap na mas pinili ni Ynna si Axel kaysa sayo. Habang si Agosto naman ay gustong makuha ang trono na siyang dapat kay Axel."

Sa loob ng ilang taon ay itinago ng ginang ang katotohanan dahil sa labis na pagmamahal niya sa asawa. Nagbubulag-bulagan siya upang manatili lang ang asawa niya sa tabi niya. Nararamdaman niya na simula palang ay isa lamang siyang babaeng kailanman ay hindi mamahalin ng lalaking mahal niya. Akala din niya ay mamahalin na siya sa oras na lumabas ang anak nila pero hindi parin pala.

"Keep your mouth shut!" pigil nito.

Sarkastikong muling tumawa ang ginang. " Bakit dahil tama ako diba? Kaya mo pinapahirapan ang batang iyon ay dahil hindi mo nagawang maghiganti sa mga totoong mga magulang niya? Na kahit kamatayan noon ni Axel at Ynna ay mas pinili nilang magkasamang dalawa?"

Sa puntong iyon ay nararamdaman ng ginang na naputol na ang pasensya ng kanyang asawa. Tumayo ito at lumapit sa kanya na may galit sa mukha nito. Napaigik siya ng marahas siyang hinawakan nito sa panga.

"You pathetic woman!" Galit nitong ani pagkatapos ay malakas siyang sinampal. Imbis na umiyak ay isang malakas na tawa ang pinakawalan niya.

"Ali, nanahimik ako noon dahil ayaw kitang mawala sa akin. Pinili kong huwag makialam dahil sa sobrang pagmamahal ko sayo noon. Na kahit sariling anak natin ay hinayaan mong sirain mo din ang buhay. Akala ko sa paglayo niya kay Azva noon ay kahit pagsisisihan mo man lang ang mga nagawa mo sa kanya noon. Masakit sa akin na makita siyang nagdurusa noon pero dahil sa lintik na pagmamahal ko ay ipinikit at hinayaan ko nalang noon ang mga ginawa mo. "

She can't believed na nagawa niya ang lahat ng iyon noon. To think na marami ng buhay ang nasira pero wala siyang ginawa.

"Sa ginawa mo ngayon ay Alana mas lalo mo lang ipamukha sa akin na sa kabila ng lahat ay wala pa ding ni katiting na pagmamahal ang meron ka. You're such a selfish bastard, Ali!"

He clenched his jaw. "What will you do? You will fight against me?"He mocked.

She smirked. "Kung iyon ang paraan para tapusin ang dapat tapusin noon pa man. Oo!"

He smirked also. "Kung magagawa mo."

Akmang gagalaw ang ginang ng maramdaman niya ang pagtama ng isang matigas na bagay sa kanyang ulo. Unti-unti siyang kinakain ng kadiliman ngunit naaninag niya ang paglapit muli sa kanya ng ginong.

"I will make sure na makakasama ni Azva ang mga magulang niya. Kung sa anong paraan ko pinagsama sa hukay sila Ynna at Axel, ganoon din ang gagawin ko kay Azvameth. " Huling rinig ng ginang bago tuluyang pumikit.

Alana Amoire's Point of View

"Thingking I even said all that things without knowing that you are a traitor." Seryosong ani ko habang nakatali ang mga kamay ko sa likuran ko. "Nakakasuka lang na umiyak ka pa sa harapan  at malalaman kong nagpapanggap ka lang pala."

Napahinto siya sa paglabas ng kwarto. Muli siyang lumingon at malamig na tumingin sa akin.

"Don't act like you know anything. You better keep you mouth shut." He replied.

I laughed. "Really? Coming from you? Really, David? Acting without knowing anything? Do I really don't know anything?"

"You really don't know. Just keep your mouth shut for the mean time. In the right time, you'll know everything."

---------

I will give a mention for the next chapter. See you😘😘😘


©Hanamitchiunnie

Azvameth: The Deceiver Mafia Boss (UNEDITED VERSION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon