Chapter 38

6.2K 129 10
                                    

Alana Amoire's Point of View

"Mommy!" Mixi shouted when she saw me. Dali-dali siyang kumalas sa pagkakayakap sa daddy niya at tumakbo sa gawi ko. "Mommy, I miss you!"

Binuhat ko ang anak ko sabay yakap ng mahigpit. Mariing akong napapikit dahil sa sobrang pagkamiss ko sakanya. Halos mamatay ako sa sobrang pag-aalala sa anak ko.

"I miss you too, my baby girl." I responded.

Ilang minuto kaming nagkayakapan bago kusang kumalas ang anak ko sa bisig ko. Pagkatapos ay agad siyang bumalik sa daddy niya. Kaya naman binuhat din siya ni Azva.

Halos manubig ang mata ko sa nakikita kong tagpo nilang mag-ama. Si Mixi na masayang nakayakap sa bisit ng kanyang ama. Habang si Azva na ay may ngiti din sa kanyang mga labi.

"Alana,"

Natuon ang atensyon ko kay David ng lumapit siya sa'kin. Isang tipid na ngiti ang iginawad niya.

"Kamusta ka na?" He asked.

I took a deep breath. "Honestly, I'm not okay, David. Sa mga pangyayari, I think I need some space to think." I answered.

Nang matapos dakpin ang mga magulang ko ay agad akong inaya ni Azva na umuwi. Agad din naman akong umoo dahil gustong-gusto ko nang makita ang anak ko. Kahit pa gusto kong sundan sila mommy ay wala din akong magagawa. Si mommy na mismo ang kusang sumuko habang si daddy ay hindi ko alam kung ano bang magiging desisyon ko para sa kanya.

Masakit para sa akin ang mga pangyayari. Nang dahil sa kasamaan ng mga magulang ko ay maraming nasirang mga buhay. Mula sa mga magulang ni Azva na pinatay ng sariling ko ama, kay Kyla na walang ginawa kundi ang maging mabuti pero ginawan pa rin ng masama, lalo't higit sa lahat ay kay Azva, siya ang pinakanaghirap sa lahat. Kaya naman siguro ay deserved din niya ng justice.

"Sa totoo lang, Alana." Panimula ni David, narinig ko ang malalim na pagbugtong-hininga niya. "Hindi deserved ng kaibigan ko ang mga nangyari sa buhay niya. Buong buhay niya ay wala siyang ginawa kundi ang ipakita sa iba na deserving din siyang mahalin. Kaya naman noong nakilala ka niya ay halos kada magkikita kaming magkakaibigan ay ikaw ang mukhang bibig niya. Ikaw daw ang sentro ng buhay niya. Kaya naman noong nawala ka ay halos patayin na niya ang sarili niya. Kung nandito ka lang noong mga panahong wala siya sa sarili niya ay maawa ka sa kanya."

Natahimik ako sa narinig ko. Tama naman siya pero noong mga panahong ding iyon ay halos mawala din ako sa sarili ko. Pinilit ko lang lumaban dahil sa anak namin. Nang dahil sa isang kasinungalingan ay nasira ang kami.

"Alam kong sinasabi mo 'yan dahil gusto mong tulungan si Azva." Ani ko.

Muli kong tinanaw ang mag-ama. Halos hindi na bumitiw ang anak ko sa ama niya. Masaya silang nakikipag-usap kila Ashton.

"I'm not telling you this because gusto kong tulungan ang kaibigan ko. Sinasabi ko ito dahil gusto kong marealized mo na may oras pa para ayusin ang kung anong meron sainyo." Aniya.

Tumingin ako kay David na ngayon ay nakatingin din pala sa gawi nila Azva. May ngiti sa labi niya pero kitang-kita ko ang sakit sa mga mata niya.

"Alam kong mahal mo pa din si Azva, Alana. Nararamdaman namin lahat 'yun pero may pilit na humaharang. Alam kung ano 'yun? Iyon ay yung pader na pilit mong inihaharang. Isinisiksik mo sa sarili mo ang nakaraan na sakit. Hindi dahil sa takot mong magpatawad kundi takot na sumubok ulit. Pero ang masasabi ko lang sayo. Hanggang may oras pa kayo ay ayusin at sulitin mo ang kung ano ang meron kayo. Dahil ako, nagsisisi ako na hindi ko nagawa iyon sa babaeng mahal ko." Dagdag niya.

Parang may kung anong bumara sa lalamunan ko para hindi ako makasagot sa sinabi niya. Tumama nang madiin ang mga salita niya. Tagos hanggang puso ko.

Talagang bang takot lang akong sumubok ulit?

Azvameth: The Deceiver Mafia Boss (UNEDITED VERSION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon