Chapter 19

9.3K 214 11
                                    

Third Person's Point of View

Kumakabog ng malakas ang puso ni Alana habang nag-iisip kung ano ang gagawin. Sa mga oras na ito ay walang pumapasok sa isip niya kung paano itatago ang anak. Ngayon na nasa iisang lugar lang sila at ang ama ng anak niya ay hindi malabong magkatagpo ang mga landas nila. Iyon ang pinaka-kinatatakutan niya.

Idagdag pa na hanggang ngayon ay wala pa rin sila Syn. Nais man niyang sundan kung na saan ang mga ito ay hindi na niya ginawa pa. Kung gagawin niya iyon at hindi sinasadyang nagkita sila ay mas lalong magkakagulo.

"What shall I do?" She whispered.

Kung pwede lang ng hilingin na lamunin siya ng lupa ay ginawa na niya. Labis ang kabang nararamdaman niya sa ngayon.

Nagulat si Alana ng biglang may kumatok sa pinto. Huminga siya ng malalim bago ito pinuntahan. Sinilip niya ang maliit na butas at tinignan kung sino iyon. Si Syn habang buhat ang anak niya sa mga bisig nito. Dali-dali niyang pinagbuksan ang mga ito.

"Get out of my way girl. Masyadong mabigat ang dwendeng dala ko." Wika nito.

Hinawi niya ang sarili at binigyan ito ng daanan. Sinarado niya ang pinto at sumunod sa mga ito. Nadatnan niyang nakahiga na ang anak habang si Syn ay nakaupo sa sofa. Para itong pagod na pagod dahil nakasandal ang ulo nito.

"I need to tell you something." She started, kung hindi pa niya sasabihin ngayon ay baka mabaliw siya kung paano ito susulosyunan. Mabuti pang sabihin niya upang matulungan siya nito. "This is really urgent now!"

She heard him sighed. "What is it? Pakisabi bago ako matulog. Masyado akong napagod mag-alaga ng dalawang bata. Yung isa isip bata kaya iyon din ay inalagaan ko." Naiinis nitong wika.

Alana heavily breath out. "I saw him earlier." She said.

Tinignan niya ang binata. Hindi ito nakasagot sa sinabi niya. Ang kaninang pagod nitong mukha ay napalitan ng gulat.

"A-are y-you s-serious a-about t-that?" Nauutal nitong tanong.

She nodded, "Yes, Pagpasok ko sa isang restaurant ay nakita ko siya. Kaya naman kaagad akong umalis bago pa niya ako makita."

"God of all mighty. That was really an urgent. What shall we do now? Paano kung makita niya si Mixi?"

"Ang pinakamagandang gawin ay hindi dapat magkita ang dalawa. Pero ayaw kong hindi mag-enjoy si Mixi sa lugar na ito. Kaya kung pwede lang ay ikaw muna ang bahala sa kanya. Pakikiusapan ko nalang din si Shera na samahan kayo." She answered.

Gagawin niya ang lahat para lang mailayo ang anak sa ama nito. Kahit pa hindi niya ito makasama ay ayos lang. Ang mahalaga ay hindi mangyayari ang kinakatakutan niya.

"No! Kahit ako nalang ang magbantay kay Mixi. Basta huwag lang kasama ang babaeng iyon. Hindi ko kayang mag-alaga ng dalawang bata. Maawa ka sa akin, Alana!"

Nagtatakang tinignan niya ito. "Ano bang nangyari kanina?" Tanong niya sabay upo sa tabi nito. Medyo kalmado na ang sarili niya ngunit nandoon pa din ang kaba sa dibdib niya.

Syn closed his eyes. "Just... Just.. I don't want to talk about it. I need a peace of mind right now. Mababaliw talaga ako sa babaeng iyon." Ani nito.

Napailing nalang siya at hinayaan ito. Tumayo siya at nagpunta ng verenda. Malamig ng simoy ng hangin ang tumama sa balat niya. Kahit papaano ay ayos din na nandito si Syn. May sasalo at makakasama siya para itago ang anak. Kung wala talaga ay baka wala sa oras na umalis sila kahit iwan niya ang trabaho.

HABANG sa kabilang banda ay nagtitipon-tipon sa isang kwarto ang grupo ng SDS. Lahat sila ay dumalo ngayon sa event na ginanap sa Hawaii. Hindi sila nagpunta dito upang magsaya kung hindi gawin ang kanilang mga misyon.

"We need him alive not dead. Kaya pigilan ninyo ang mga sarili n'yo." Mahinahong wika ni Azva.

Ang pakay nila ay makuha ang taong magiging susi sa katotohanan. Ang taong iyon ang isa sa mga dahilan kung bakit nawala ang dapat nararapat sa kanila. Sapat na ang ilang taong nanahimik sila at panahon na para singilin ang mga ito sa mga utang nila.

"Sa oras na mahuli ng kung sino man sa atin ay alam na ninyo ang gagawin." Wika ni Ashton.

Lahat sila ay tumango. Bawat isa sa kanila ay may tiwala sa isa't isa. Iisang lang ang hangarin nila kung bakit nabuo ang espesyal nilang pagkakaibigan.

"Kamusta naman yung babaeng estudyante mo, Markus?" Nakangising wika ni Astrein.

"The fuck!" Markus cursed, tumingin ito ng masama sa kaibigan. Sa lahat ng ayaw nito ay yung binabanggit ang personal nitong relasyon. Pero dahil dakilang chismoso sila ay tila wala silang mga paki sa mga ayaw ng mga ito. "Kamusta naman iyong asawa mong nilayasan ka?" He countered.

Astrein smirked faded. "Shut up!"

"Tigil na yan." Sabat ni David.

Tumigil sila at nagpatuloy lang sa pag-inom. Habang si Azva ay tumayo at nagtungo sa veranda. Kanina sa restaurant ay tila namalik-mata siya kung si Alana ba ang nakita niya. Dali-dali itong umalis kaya hindi na niya nakita ang mukha nito.

Sa ngayon ay nasa isip muna niya ang misyon ngunit hindi ibig sabihin ay titigil na siya. Alam niyang nangako siya sa dalaga ngunit alam niyang hindi niya din iyon magagawa. Kaya kahit ilang beses siya nitong ipagtabuyan ay gagawin pa din niya hanggang sa mapatawad siya nito.

Kaunting oras na lang ay sasabihin din niya ang katotohanan sa dalaga. Ang tanging kulang na lang ay kung sino man ang nasa likod ng lahat ng iyon. Babalikan niya ito at siya mismo ang maniningil sa mga kagagawan nito.

©Hanamitchiunnie

Azvameth: The Deceiver Mafia Boss (UNEDITED VERSION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon