Chapter 25

8.9K 236 14
                                    

Alana Amoire's Point of View

It's been three days since the last time I talked with Daddy King. Noong araw na iyon kung saan inaya niya akong bumalik sa Pilipinas.

Pero hanggang ngayon ay wala pa din akong sagot sa mga sinabi niya. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Nagdadalawang-isip ako sa mga sinabi niya.

Biglang tumunog ang cellphone ko. Kumunot ako ng makita kung sino iyon.

"They already knew, Alana. Alam na nila kung na saan ka. Kaya hanggang sa abot ng makakaya mo ay lumayo ka na ngayon na. Ngayon mismo ipinadala ni Tito ang mga tauhan nya para puntahan ka!"

Nabitawan ko ang cellphone na hawak ng marinig ko ang sinabi ni Harm. Halos matulos ako sa kinauupuan ko sa sobrang pagkabigla.

"Damn it! Get out now, Alana. Hide as fast as you can. "

Nang sabihin niya iyon ay kaagad na pumasok sa isip ko ang anak ko. Hindi pwede! Hindi pwede malaman nila ang tungkol sa anak ko. Mamatay muna ako bago iyon mangyari.

Hindi ako nagkaasya pa ng oras. Dali-dali kong tinakbo ang papalabas ng opisina. Halos wala na akong pakialam sa mga taong nakakasalubong ko. Ang tanging nasa utak ko lang ngayon ay ang makuha ang anak ko at mai-alis kaagad siya.

Tinungo ko ang sasakyan ko at pinaandar iyon ng mabilis. Habang nasa daan ay nag-iwan lang ako ng voice mail kay Syn para hindi siya mag-aalala sa amin ng anak ko.

Nang makarating sa bahay ay halos malagutan ako ng hininga ng makitang bukas ang pinto. Pumasok ako at ganoon nalang ang pagkabigla ko ng makita ang mga lalaking nakahandusay. Lahat sila ay naliligo sa sarili nilang mga dugo. Napatakip sa bibig ko sa sobrang takot.

"Mommy!" Nagulat ako ng biglang sumulpot si Mixi habang umiiyak. Mahigpit na yumakap siya sa binti ko at doon humagulgol. "Momm, I'm scared!" She said while sobbing.

Yumuko ako at binuhat siya. Mahigpit kong niyakap ang anak ko. Kung may nangyaring masama sa kanya ay hindi ko alam ang gagawin ko.

"Hush now, baby, Mommy's here na." Pag-aalo ko sa kanya. "Don't be scared na."

She kept on sobbing while crying in my shoulder. Napapikit nalang ako sa sobrang sakit na makita ang anak ko na ganito ang sitwasyon. Masyado pa siyang bata para masaksihan at maranasanan ang ganitong sitwasyon.

"Alana..."

I became stiffed as soon as I heard that voice. Halos mangatog ako sa sobrang lamig ng boses niya. Dahan-dahan akong tumingin sa nagmamay-ari ng boses na iyon.

Bakit ba nangyayari ang lahat ng ito sa akin. Bakit ba kailangang mangyari ito? Wala naba talagang katahimikan sa buhay ko? Bakit lahat ng taong pilit kong kinakalimutan ay pilit na bumabalik.

"Azva..." I uttered.

Napatingin ako sa kabuuan niya. Halos manghina ako sa nakita kong dugo sa iba't ibang parte ng katawan niya. Alam kong siya ang may kagagawan ng pagpatay sa mga lalaking nakahandusay ngayon.

"Scared?" He coldy asked.

"What did you?! You killed them!" Mariin kong ani.

Instead seeing a fear in his face. He just smirked and nodded. "Yes, I killed them. I killed them because they tried to steal my daughter." He dangerously answered.

Napalunok ako sa sobrang takot. Ibang-iba ang Azvang kaharap ko ngayon. Para siyang isang baliw na tuwang-tuwa sa mga krimeng ginawa niya.

"She's not your daughter!" Pagtanggi ko at tumingin ng masama sa kanya. "Hinayaan mo na makita ng anak ko ang kademonyohang ginawa mo!"

Azva laughed, "Hindi ako bobo para ipakita sa anak ko ang ginawa ko, Alana. Hindi ko hahayaang makita niya ang ginawa ko sa mga lalaking iyan."

"Hindi mo siya anak!" Sigaw ko.

He just smirked, "Sa tingin mo, tanga ako? Well you're wrong! Hindi ako tanga para mapaniwala mo lang na hindi ko anak ang batang iyan! I took a little strand in her hair, Alana! It was positive, so that means she's my daughter! Our daughter!"

Nawala na sa utak ko ang mga taong nakahandusay ngayon. Ang kinagulantang ng buong pagkatao ko ngayon ay ang sinabi ni Azva.

"You're lying."

"I don't care now, Alana. Kukunin ko ang anak ko sa ayaw at sa gusto mo!" Mariin nitong wika.

Napailing ako. "Fuck you! Napakademonyo mo talaga kahit kailan!"

"You left me with no choice, Alana. You pushed me into my limits. You made me this kind of me!"

Pumikit ako para pigilan ang mga luha sa mga mata ko.

"Ganyan ba lagi ang isusumbat mo sa akin?" Malamig kong ani, tumingin ako sa mga mata niya. "Kung ganoon lang din naman pala ay sige! Pagbibigyan kita." Tinapik ko ang anak ko. Hinarap ko ang anak ko at ngumiti. "Go to your room, baby. I will just talk and please don't be scared anymore. Okay? Wala na yung mga goons."

Kahit nanginginig ay tumango ito. Bumaba siya sa pagkakabuhat ko at tinungo ang kwarto niya. Muli kong hinarap si Azva.

"Simula palang, Azva! Simula palang! Ang sabi ko ay lalayo na ako sayo at sana naging malinaw na ganoon ka din! Ikaw ang siyang nangwasak sa akin noon! Ikaw din ang paulit-ulit na sumisira sa buhay ko hanggang ngayon! Kaya sana huwag mong sirain din ang buhay ng anak ko."

"You're selfish bitch, Alana!"

Parang pana ang mga sinabi niyang iyon.

"Then, you're a demon jerk! Panay sarili mo nalang ang naiisip mo! Panay gusto mo nalang ang dapat mangyari! Pero hindi ko papayagan iyon. Aalis na kami at sana ito na ang huling pagkikita natin. Alam kong alam mo din kung sino sila. Pero huwag kang makialam kung ano ang meron sa buhay namin." Ani ko at tinalikuran siya.

Ilang hakbang palang ay nagulat ako ng bigla siyang yumakap sa akin. Halos manlaki ang mga mata ko ng takpan niya gamit ang isang panyo ang ilong ko. Pinipilit kong tanggalin iyon pero mas malakas siya. Unti-unti pumipikit ang mga mata ko kahit anong gawing laban ko.

"You can't leave again, I will not accept it."

©Hanamitchiunnie

Azvameth: The Deceiver Mafia Boss (UNEDITED VERSION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon