Chapter 32

6.6K 141 9
                                    

Alana Amoire's Point of View

"Where have you been, Alana?"

Tumingin ako sa ama ko na ngayon ay seryosong nakatingin sa akin. Nararamdaman ko ang pag-uusisa niya sa bawat kilos na ginagawa ko. Habang ang ina ko naman ay nakatingin sa akin habang umiiyak. Pero kahit anong kapa ko sa puso at utak ko ay hindi man lang sumagi sa akin ang mga reaksyon nila.

"Bakit ngayon ka lang nagpakita, anak?" Tanong ni Mommy.

Kaunti nalang ay gusto ko ng masuka sa mga sinasabi nila. Akala mo mga santo sila na para bang walang ginawa. Kung siguro ako pa ang dating Alana ay baka nagpauto ako sa mga sinasabi nila.

"Sa lahat ng nangyari sa akin? Kailangan kong lumayo muna sa lahat." Ani ko at tumingin sa kanila na para bang hindi ko alam ang lahat. "Masakit po para sa akin ang lumayo pero kailangan."

Nang tumingin ako sa kanila ay hindi sila makatingin sa akin ng diretso. Lihim na napatiim-bagang ako dahil sa labis na galit. Ngayon palang ay napatunayan nilang may kinalaman nga sila.

"I'm sorry kung wala kami noong mga panahong kailangan mo kami. I'm sorry kung mas pinili naming puntahan noon si Kyla. You know thew that kailangan niya kami." Mommy uttered.

Bullshit!

Kating-kati na akong isumbat sa kanila ang katotohanan pero hindi pa ito ang tamang panahon. Kagaya ng ginawa nila sa amin ay paglalaruan ko din sila. Paunti-unti ko silang paparusahan sa lahat ng kahayupang ginawa nila.

I smiled, "Let's forget it. Ang mahalaga ay nandito na po ako ulit."

Mommy nodded, "You're right."

Kahit pa nasama lang ang ina ko sa ginawa ni ama ko ay may kasalanan pa rin siya. Kahit ni katiting noon ay hindi man lang siya pumanig sa akin at hindi man lang tumutol sa kung ano ang desisyon ng ama ko.

Hanggang ngayon ay wala pa din siyang pinagbago. Kung pwede lang sana na pumili ng magulang ay mas gugustuhin ko pa ang simple pero masaya at mapag-arugang mga magulang.

Sadya ba talagang inilagay ako sa para sa kanila o pinarusahan ako dahil sa naging buhay ko sa kung anuman ang naging buhay ko sa nakaraan.

"As far as i know, Alana." Malamig na wika ng ama ko. "May anak kana? Where is she?"

Hindi na ako nagulat pa sa kung ano ang binaggit niya. Paniguradong ang mga tauhan niya ang nagsabi sa kanya.

"She's with her father right now." I answered.

There's not point to hide it. Kahit pa malaman nilang si Azva ang ama ay hindi din nila malalaman na alam ko na ang buong katotohanan.

"Who's the father?" He asked.

I looked at him and smiled. "Why are you so curious about my child, Daddy?" I retorded.

He looked at me also dangerously. "I'm not a dumb man, Alana. Alam kong alam mo na kung ano ang katotohanan."

Napanggap akong nagulat. "What are you saying, Daddy? Anong katotohanan?"

He laughed crazily. "Hindi ako nakarating sa kinatatayuan ko kung bobo ako. Si Azva mismo ang siyang nagligtas sainyo sa mga kamay ng mga tauhan ko. Lalo't higit sa lahat ay kasama mo ngayon ang kapatid ko? Ano sa tingin mo at akala mo ay maloloko mo ako?"

Nahigit ko ang hininga ko dahil sa mga sinabi niya. Halos matulos ako sa kinauupuan ko. Paano? Paano niya nalaman ang lahat ng iyon!

"Anong plano ninyo? Ang kumuha ng impormasyon sa akin? Hanggang sa mapabagsak ninyo ako?" Dagdag nito.

Paano niya nalaman? Nanlaki ang mga mata ko ng maisip na may traydor sa grupo nila Azva. Walang nakakaalam kung ano ang plano.

Muli akong tumingin sa kanila. Si mommy ay naguguluhan at tila hindi din makapaniwala sa sinabi ni Daddy.

Daddy claps his hands and smiled michevously. "Akala ko pa naman ay matalino na ang dating nobyo mo. Pero hindi pa din pala. Magmula noon hanggang ngayon ay ganoon pa din siya. Tama ba ako, David?"

Nanlamig ang buong katawan ko ng makitang pumasok si David mula sa isang pinto. Seryoso ang mukha nito habang papalapit sa amin.

"H-how come..." Naguguluhang bulong ko.

"What's happening here? Ano ba itong ginagawa mo!" Biglang wika ni Mommy kay Daddy. "

Nang makalapit si David ay yumuko siya na siyang kinangisi ni Daddy.

"Good job, David. Maasahan ka talaga kahit kailan."

Lumingon ako kay David. "Paano...?"

Mariing humalakhk ang ama ko. "Sa tingin ba nila Azva ay maiisahan nila ako? Kahit pa ikaw ang gamitin nila ay wala akong pakialam. Mga pare-pareho kayong mga bobo!"

Hindi ko alam ang gagawin ko ngayon. Bakit nabaliktad ang lahat? Bakit?!

Kung magpapakita ako ng kahinaan ay para ko na ding pinakita na mahina pa din ako. Tumingin ako sa kanila.

"Tama ka! Alam ko na ang lahat. Lahat ng ginawa ninyong kademonyohan sa akin at sa buhay din ni kyla. Bakit mo nagawa iyon!" Ani ko pagkatapos ay tumingin ako kay David. "Isa ka pang demonyo at traydor."

"Dalhin mo siya sa dati niyang kwarto at doon ikulong. Huwag mong hahayaang makatakas iyan. Tignan lang natin kung ano ang magiging reaksyon ni Azva kapag nalaman niya ang mga nangyari ngayon." Wika ni Daddy habang nakangisi.

Akma akong aatras ng bigla lumapit sa akin si David at hinawakan ako ng mahigpit. Pinipilit kong magpumiglas pero mas malakas siya.

"Bitawan mo ako!" Singhal ko.

Hindi niya ako pinansin at mas lalong hinigpitan ang hawak sa akin hanggang sa madala niya ako sa kwarto ko dati. Marahan niyang binuksan iyon at itinulak ako sa kama. Masama ang tingin ang ibinigay ko.

"Traydor!"

"Just shut up for now!" Wika nito

©Hanamitchiunnie

Azvameth: The Deceiver Mafia Boss (UNEDITED VERSION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon