Chapter 29

8.7K 227 31
                                    

A/n:

For those who didn't know, who is David. Siya po ay isa sa pinuno ng SDS. He and Azva are friends.

----

Alana Amoire's Point of View

"Anong pinagsasabi mo! I'm not your fucking wife!" Sigaw ko habang hindi makapaniwala sa mga sinabi niya. "Pwede ba, huwag mo akong paglaruan!"

Pulang-pula ang mukha ko ngayon dahil sa sobrang galit.

"I'm telling the truth." He said, he stared at me directly in my eyes. "We're married."

"Wala akong natatandaang pinirmahan ko. Kaya pwede ba huwag kang magsinungaling!" I shouted.

Kung sa akala niya ay maloloko niya ako pwes hindi ako papayag.

"The day before you left the island. I requested a signature from you. Don't you remember?"

I almost lost my balance. Bigla kong naalala ang tungkol sa pangyayaring iyon. Sinabi niyang para sa mga dokumento ni Alva iyon. Ang katangahan ko ay hindi ko binasa dahil may tiwala ako na kay Alva talaga ang mga iyon.

"Asshole!" I furiously shouted.

Azva smirked, "I guess you already remembered. That's give a rights to be jealous. Seeing you with another man is like an hell. Kaya sa oras na makita ko pang may kasama kang ibang lalaki kahit na kaibigan ko pa sila. I will not hesitate to kill them."

"How could you!" Mariing kong wika. "How could you play my life. Hindi kana naawa sa akin. Ganyan kana ba kasama ha!" Natagpuan ko nalang ang sarili ko na umiiyak. Halos hindi ko na rin mabilang kung ilang beses na ba akong umiyak. "Masaya ba na paglaruan ang buhay ko? Masaya ba na nakikita mo akong nagiging miserable?" Dagdag ko.

"Binabawi ko lang ang mga pangako natin sa isa't isa. Tinutupad ko lang dahil hindi ko nagawa noon."

Nakatakip na lang ang mga kamay ko sa mata ko. I looked up, trying to stop my tears.

"Anong pangako na dapat tinutupad! Walang ganoon, Azva! Wala na iyon! Matagal ko ng kinalimutan iyon kaya sana ganoon ka din!"

His face became darker. "Para mo naring sinabi na mamatay na ako. Alana, nasayang ang lahat dahil sa malaking kasinungalingan. Kung sana hindi nangyari iyon, sana ngayon baka masaya tayo kasama ang anak natin. Masaya na sana tayo ngayon!" Aniya.

Huminga ako ng malalim at binalik ang tingin sa kanya. Napailing nalang ako, "Nangyari na ang nangyari. Hindi na maibabalik ang lahat. Kahit pa kasinungalingan ang lahat ay hindi parin maiaalis na tinaboy mo ako noon at hindi pinili. Kaya sana tumatak sa isip mo na kaya ako nanatili dito ay para tuparin ang naging pangako kong hustisya para kay Kyla."

"Wala naba talaga? Pinipilit ko namang gawin ang lahat para makabawi. Pero bakit hindi ko parin magawa." Tanong niya.

"Gusto mo ng totoo? Kahit anong gawin mo ay wala na talaga. Sa mga nagdaang taon ay doon ko narealize na unti-unti ko na ding natanggap na hindi ka na magiging parte ng buhay ko. Natuto akong mahalin at pahalagahan ang sarili ko. Natuto akong makalimot sa mga nangyari. Pero ng makita ulit kita. May isa pang bumuo sa pag-iisip ko. May naiwan pa din palang marka ng sakit sa mga ginawa mo. Kaya nakikiusap ako sayo tigilan mo na ako."

"How can I stop when it's hard to forget you. How should I stop if you're the reason why I chose to live?"

Pagak akong natawa. "Alam mo lang kung ano ang nakakatawa? You just stated the exact words just like what you have said in the past."

I chose to believe him. I chose to hold his words but in the end. He betrayed me and left me.

"Alana..."

"Paulit-ulit nalang tayo sa ganitong sitwasyon. Paulit-ulit lang din nating binabalik ang nakaraan. Pero sana hindi ka nabuhay sa nakaraan din, Azva. May kanya-kanya na tayong buhay simula't una palang. Kaya kahit idikdik mo pa sa akin ang katotohanan ay hindi na rin magbabago ang kung ano ka na lang sa buhay ko. Ang tanging nagsisilbing rason kung bakit ako nakikisama sayo ay ang anak ko."

Mas mabuti na lang siguro na hanggang sa nakaraan na lang ang kung ano ang meron kami. Kahit nararamdaman kong may puwang siya sa puso ko ay hindi ko na talaga kaya. Mabuti ng ibaon ang kung ano mang siyang naging rason ng lahat.

"Wala naba talaga?" Basag ang boses niyang ani.

I closed my eyes and nodded. "Oo, kaya sana ikaw din magawa mo ng makamove-on. "

He bitterly chuckled. "Sana madali lang ding sabihin sa akin yang ganyan." Aniya at tumingin sa akin habang may hilam na luha. "Malaking panghihinayang ang nangyari sa akin, Alana. Yung pagkakataon sana na ikaw yung kasama ko hanggang tumanda. Ikaw sana ang ihaharap ko sa altar pero dahil sa kasinungalingan iyon, nawala... Nawala lahat ng dapat meron tayo ngayon."

Huminga ako ng malalim at sinubukang pigilan ang nagbabadyang luha ko.

"Kahit anong gawin natin, hindi na maibabalik ang nakaraan. Hindi na maibabalik kung ano meron tayo. Kaya sana, Azva, matanggap mo na noon palang tapos na tayo. Ang anak lang natin ang siyang kumokonekta sa ating dalawa. Hanggang doon na lang ang kaya kong ibigay. Kahit na anong pilit mo wala na." Napahikbing ani ko.

I was shocked when he suddenly hugged me. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Mahigpit ang yakap sa akin ni Azva na para bang mawawala ako. Hindi ko alam na hinayaang ko lang siya na yakapin ako.

"Masyado na siguro akong naging desperado." Bulong niya. "Kung ano ang desisyon mo, tatanggapin ko. Pero sana... Sana mai-pakilala mo ako bilang tatay ng anak natin. Kahit iyon man lang, okay na sa akin. Tatanggapin ko na wala na kung iyan talaga ang desisyon mo. I'm sorry for being a selfish bastard. I'm sorry, I just love you that's why i do that." He added.

Nanatili akong wala sagot. Gulat ang siyang namayani sa akin. Bumitaw siya sa pagkakayakap sa akin. Hinarap niya ako at diretsang tumingin sa mga mata ko.

"Sa huling pagkakataon ay sasamahan kita para mabigyan ng hustisya si Kyla. Kahit kalaban ko pa ang sarili kong ama para lang itama lahat ng mali noon. Pagkatapos noon, titigil na ako. I will surrender the love I have for you even it will hurt."

©Hanamitchiunnie

Azvameth: The Deceiver Mafia Boss (UNEDITED VERSION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon