Chapter 37

6.1K 130 14
                                    

Third Person's Point of View

"Ang kinikilala mong ama ngayon ay hindi mo tunay na ama." Seryosong wika ng ina ni Alana. "Habang ang totoo mo namang mga magulang ay matagal ng wala sa mundong ito."

Halos lahat ay napasinghap sa mga sinabi ng ginang. Kahit si Alana ay gulat na gulat din sa mga nalaman. Habang si Azvameth naman ay tila natuod sa kanyang kinatatayuan.

"Mommy, what are you talking about?" Pabulong na tanong ni Alana.

Her mother smiled at her weakly. "I'm trying to correct my mistakes, sweety." Sagot nito. Muling lumingon ang ginang kay Azva. Hilam itong ngumiti at unti-unting pumatak ang mga luha. "Ayos lang kung kamuhian mo ako sa malalaman mo. Kahit papaano ay mababawasan ang bigat sa dibdib ko."

"E-explain!" Mariing wika ni Azva.

Malalim na huminga ang ginang bago muling nagsalita. "Matagal ng may gusto ang asawa ko sa nanay mo, Azva " panimula nito. "Pero kahit anong gawin ni Ali ay hindi siya magawang mahalin ni Ynna, bagkus ay mahal nito ang iyong ama na si Axel. Hindi natanggap iyon ni Ali kaya naman simula noon ay lumaki ang galit ni Ali sa mga magulang mo."

"Mommy..." Muling tawag ni Alana sa ina.

"Noong panahong masaya sila Ynna at Axel dahil naipanganak ka ay siya ding nalaman kong nasa sinapupunan ko si Alana. Kahit pa hindi kami nagawang mahalin ni Ali ay nanatili ako para sa pagmamahal ko sa kanya. Kahit pa ang tanging mukha bibig niya ang iyong ina."

Hindi alam ni Azva kung paano ipapasok sa utak niya ang mga nalaman niya. Lahat ng pag-aakala niya ay kasinungalingan ang lahat.

"At dahil hayok si Agosto sa kapangyarihan na mayroon ang ama mo ay nakipagtulungan siya kay Ali. Plinano nilang patayin ang mga magulang mo at nagtagumpay sila. Bilang ikaw ang tagapagmana ng trono ni Axel ay kinuha ka ni Agosto at ipinakilalang kanyang anak."

Hindi kinaya ni Azva kung kaya napaupo siya sa sahig. Mariin nakalamukos ang mga kamao niya habang nanghihina. Sa mga nalaman niya ngayon ay mas lalong sumidhi ang galit niya sa ama ni Alana.

"Why did you to that Daddy?!" Nanlaki ang mga mata ni Azva ng marinig niya ang sigaw ni Alana. Lumingon siya sa gawi ng dalaga at nakitang lumuluha ito habang nakatingin sa ama nito. "Tanggap ko pa yung ginawa mo sa'min pero..." Tuluyan ng hindi kinaya ng dalaga ang galit nito sa ama. "Bakit ginawa mo 'yun sa mga magulang ni Azva! Nasira mo yung buhay niya ng dahil sa kasakiman mo! Ang sama-sama mo Daddy!"

Imbis na magsisisi ay ngumisi lang ang matanda. Kahit nahihirapan ito ay nagawa pa din nitong tumawa ng malademonyo.

"I d-don't c-care!" Galit nitong sambit.

"Putangina ka, Ali!" Lahat sila ay nagulat ng biglang lumapit ang ina ni Alana sa asawa nito at walang habas na sinampal ito. "Demonyo ka talagang, hayop ka! Kahit sa kahuli-hulian ay wala ka talagang bahid ng pagsisisi! Bakit ba hindi ko nakita na ang taong minahal ko ay isang kampon ng impyerno! Wala ka talagang puso!"

Muling nitong sinampal ang asawa bago ito tinalikuran. Lumapit ang ginang kay Azva at lumuhod sa harapan ng binata. Sinubukang patayuin ni Azva ang ginang ngunit umiling lang ito.

"I'm sorry... I'm sorry... Nabulag lang ako ng pagmamahal ko kay Ali at inngit ko kay Ynna kaya nagawa kong ilihim ang lahat. Patawarin mo ako at sana..." Tumingin ito ng diretso sa mga mata ng binata. "Huwag magbago ang pagtingin mo sa anak ko ng dahil sa mga nalaman mo. Wala siyang kinalaman sa mga ginawa namin. Nadamay lang din siya sa mga kasalanan namin. Kaya sana huwag mong pababayaan ang anak ko."

"Ma'am..." He whispered.

Alana's mother smiled. "Bibigyan ko ng katarungan ang lahat ng nangyari sainyo. Kahit iyon man lang ay makabawi ako sa mga pagkukulang ko sa anak ko at sayo. Ikaw na ang bahala sa kanya, hijo."







"NO, MOMMY!" Sinubukang alisin ni Alana ang posas sa kamay ng kanyang ina. Ngunit isang umiling lang ang kanyang ina.

"Sweety, please, stop already." Pigil ng ginang sa anak. "Ito ang kagustuhan ko kaya sana maintindihan mo ako."

Alana shook her head. "Mommy naman e!" She sobbed.

Pagkatapos humingi ng tawad ng ina ni Alana kay Azva ay siyant dating ng mga pulis. Bago pa man pala sumunod ang ginang sa kanila ay ito ang kusang tumawag ng mga pulis. Halos mawalan ng hininga si Alana sa mga nangyari.

"Alana, sweety..." Hinawakan ng kanyang ina ang kaliwang pisngi niya. Napapikit nalang si Alana upang damhin ang init ng palad nito sa kanyang mukha. "Gagawin ko ito para matapos na ang kasamaan ng Daddy mo. Para mabigyan ng katarungan ang nangyari sayo, kay Azva at mas lalong higit sa lahat para kay Kyla. Sa dami ng kasalanan ko at ng ama mo ay kulang ang pagpapakulong para samin."

"But, mommy."

"Stop it already, Alana. Let's face it, okay."

Napayuko nalang si Alana at doon napahagulgol. Masakit sa kanya na makita ang sitwaston ng kanyang mga magulang. Ngunit mas masakit para sa kanya ang nangyayari sa kanyang ina. Hindi niya alam kung bakit ni katiting na awa ay wala para sa kanyang ama. Habang ang ina naman niya ay nadamay lang ito dahil sa sobrang pagmamahal.

"Paano na ako, Mommy?" Nahihirapang wika niya. "Paano na ako kung maski ikaw ay iiwan ako?"

"Don't say that. Nandyan ang anak mo at sila Azva para samahan ka. Tsaka hindi ako tuluyang mawawala, anak. Isipin mo nalang na aalis ako ng panandalian pero babalik ako." Wika ng kanyang ina.

Umiling lang si Alana. Masakit pa din para sa kanya.

Nang dumating ang mga pulis ay sinabi ng kanyang ina ang lahat. Dumating ang inspektor na may hawak sa kaso ni Kyla at ng nga magulang ni azva. At bilang pagsasaad ng katotohanan ay muling bubuksan ang kaso. Kinuha din ang kanyang ama at ang mga tauhan nito. Habang sila Azva at ang mga iba ay kinakausap na din ng mga pulis.

"Let me go na, anak. We need to go na e. Dadalaw ka naman sa'kin diba?" Tanong ng kanyang ina.

Kahit nahihirapan ay tumango si Alana. Yumakap siya ng mahigpit sa ina bago tuluyan itong kinuha ng mga pulis.

Ipinikit ng dalaga ang kanyang mga mata upang kahit paano ay mapigilan ang kanyang mga luha. Pero kahit na anong gawin niya ay patuloy lang sa pag-agos ang kanyang mga luha.

Too much pain. Ayan ngayon ang kanyang nararamdaman.

"Alana..." Iminulat ni Alana ang mga mata at lumingon sa gawi ng tumawag sa kanya. Walang iba kundi si Azva. Malamlam ang mga mata nitong nakatingin sakanya.

"I'm sorry." Naisambit ng dalaga. "Nang dahil sakin at sa mga magulang ko. Nasira ang buhay mo at nawala ang mga magulang mo." Napahagulgiol si Alana. "Sana, sana balang araw ay mapatawad mo sila."

Kahit ano pa man ang nagawa ng ama at ina niya sa kanya ay magulang pa din niya ang mga ito. Kung hindi dahil sa kanila ay wala siya sa mundong ito.

"Sshh..." Nagulat siya ng lumapit ang binata sa kanya at bigla siyang niyakap. "No more saying sorry okay. Sa ngayon ay kailangan nating magpahinga. Too much for this day... Kapag ayos na ang mga sarili natin ay tsaka nating pag-usapan ang lahat. Ayos ba?" Tumingin ito sa kanya at ngumit ng sandali.

Walang nagawa si Alana kung hindi ang tumango. Kahit siya ay sumasang-ayon na ipagpahinga muna ang lahat. Too much for this day.

"I'm sorry again, Azva." She said.

Hindi niya namalayan na kusang yumakap ang kanyang mga kamay sa binata. Ipinikit niya ang mga mata at sumandal kay Azva.

For once again, she felt comfortable.
She felt home again in his embrace.


©Hanamitchiunnie

Azvameth: The Deceiver Mafia Boss (UNEDITED VERSION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon