Chapter 27

8.8K 204 38
                                    

Third Person's Point of View

"You're lying, Azva. You're a lier!" Mariing wika ni Alana. "Sarili mong anak, itatanggi mo!"

Hindi lubos maisip ni Alana na kayang sabihin ni Azva ang ganoong mga salita.

"Believe it or not. I'm telling the truth, I'm stating the fact." Malungkot nitong sagot. "Hindi ko sasabihin sayo ito para lang balikan mo ako. Kung hindi para sabihin sayo na hindi kita niloko. Mali ang lahat ng nalaman natin. Kahit ako ay nalinlang din."

Kumunot ang noo niya. "Anong ibig mong sabihin?"

"Walang nangyari sa aming dalawa ni Kyla. I'm not the one who got her pregnant." Sambit nito.

"Kung sinasabi mo lang ito para paikutin ako ay huwag mo ng ituloy. Alam nating dalawa na ikaw ang ama ni Alva. Diba ikaw mismo ang nagsabi sa akin noon? Ikaw mismo ang nagsabi na anak mo ang dinadala ni Kyla. Kaya paanong hindi ikaw ama at mas lalong walang nangyari sainyo!"

Kusang bumabalik sa mga alaala ni Alana ang bawat detalyeng nangyari noon. Kung paano nito mas pinili ang responsibilidad kaysa sa kanya. Kaya paanong ngayon nito sasabihin na hindi siya ang ama ng bata.

Pagak na natawa ang si Azva. Tumayo ito mula sa pagkakaluhod at tumingala para pigilan ang nagbabadyang pagluha na naman.

"I chose them because I thought that was the best decision. Tinalikuran kita para harapin ang nagawa kong pagkakamali. Sa loob ng pitong taon na iyon wala akong ginawa kung hindi mahalin at ibigay lahat ng pagmamahal at pangangailangan ng bata. Pero hindi ko alam na ang pinakamasakit pala ay inako ko ang akala kong maling nagawa ko."

"Kung hindi ikaw ang ama, sino ang ama ni Alva?"

Azva looked at her weakly. Nakikita ng dalaga ang labis na pagod at sakit sa mga mata ng binata.

"My father." Nanghihina nitong sagot.

Napatakip si Alana sa kanyang bibig. Nanlalaki ang mga mata niya at tila hindi makapaniwala sa mga narinig.

"H-how come... That's not true! It's not true! Paanong ang tatay mo ang ama!"

"It's already late when I found out." Nakayukong nitong wika. "Kahit si Kyla ay hindi niya alam na ang ama ko ang totoong ama ni Alva. The night that we're drunk. Doon isinakatuparan ng ama ko ang panggagahasa kay Kyla. May inutusan siya para lagyan ng drugs ang inumin naming dalawa. Sinet-up nila ako, wala akong malay ng nilagay nila ako sa kwartong iyon at pagkatapos namang pagsawaan ng ama ko si Kyla ay itinabi nila sa akin para palabasing may nangyari sa amin."

Habang nakikinig ay unti-unting pumapatak ang mga luha sa mga mata ni Alana. Kahit na may pangamba pa rin sa mga sinasabi nito ay hindi niya lubos na matanggap ang ginawa sa kaibigan niya. Kung totoo man ang sinabi nito ay para gusto niyang patayin ang sarili niya. Gusto niyang saktan ang sarili.

"Napakasama ng ama mo." Naisambit nalang ng dalaga. "Wala siyang kaluluwa para gawin ang ganoon kay Kyla. Nagalit ako sa kaibigan ko at pinagtabuyan ko siya. Masakit na para sa akin na nasayang ang buhay namin ng dahil sa kademonyohan ng ama mo!"

His jaw clenched. "My father was not the only one. Your father was part of it also. Siya ang puno't dulo ng lahat ng ito. He wants me out of your life that's why he did all of that."

Mas lalong nanghina ang dalaga. Hindi niya lubusang matanggap ang mga nalaman.

"How could you say that." Nanghihinang tanong ni Alana. "Hindi totoo yang sinasabi mo."

Azva sarcastically laughed, "That's the truth, Alana. Siya ang may pakana ng lahat."

Alana couldn't process in her mind. Ayaw niyang maniwala na ang sariling niyang ama ang may kagagawan nito. Paano nito nagawa sa sarili nitong anak ang lahat ng iyon.

"Para na niyang anak si Kyla. Mas mahal nila siya keysa sa akin. Kaya paanong ginaws nila iyon sa kaya at paano nila nagawa sa akin iyon."

Tuluyan ng nanghina ang katawan niya. Mabuti nalang ay nahawakan siya ni Azva at inalalayan. Hindi niya napigilan ang sarili humagulgol. Hindi niya matanggap ang lahat.

--

Ilang oras ang lumipas mula ng sabihin ni Azva ang katotohanan kay Alana. Naki-usap muna siya sa binata na umalis muna at pabayaan siya. Sa bawat minuto ay tumatanim sa utak niya ang mga nagawa niya noon kay Kyla. Mga nabitawang salita niya na hindi dapat niya nasabi. Kung sana, kung sana alam niya lang.

Alam niyang may kasalanan siya din. Noong gabing iyon ay wala siya para samahan ang mga ito. Iyong gabing iyon ay araw na nasa Laguna siya at may ginagawang importante. Akala niya ay magiging maayos ang lahat kahit wala siya ng gabing iyon. Pero iyon pala ang magiging dahilan ng lahat.

"I'm sorry... I'm sorry..." Paulit-ulit niyang paghingi ng tawad.

Wala siyang kwentang kaibigan. Kung sana, panay sana nalang siya dahil alam niyang huli na ang lahat para pagsisihan ang lahat. Ngayong wala na si Kyla ay wala na ding hustisya para bumawi ito.

Napagtanto niya na kung hindi ito nabigyan ng hustisya at nabaon iyon ay hindi niya papayagan. Siya mismo ang magtatama ng lahat ng kamalian. Siya mismo ang maniningil kahit na sariling ama pa niya ito.

"Ako mismo ang magbibigay ng hustisya sayo, Kyla. I'm sorry for being a worthless friend." She whispered.

©Hanamitchiunnie

Azvameth: The Deceiver Mafia Boss (UNEDITED VERSION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon