VII

11.3K 256 55
                                    

Alana Amoire's Point of View

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Alana Amoire's Point of View

Nanatili lang akong nakatayo at hindi makagalaw sa kinatatayuan ko ngayon. Habang tinitignan siyang papalapit sa gawi ko. Ni kahit isang salita ay walang lumabas sa bibig ko. Habang siya ay hindi ako kaagad napansin. Ang atensyon niya ay sa mga kaibigan nito. Seryoso ang mukha nito habang naglalakad. Tumabi sa bandang kanan ni Charles habang ako naman ay nasa kaliwa.

"Ladies and gentlemens, Let's start the introduction portion!" anunsyo ni Charles.

Hindi ako makakilos ng mabuti habang nasa malapit siya. Hinarap ako ni Charles at ngumiti ng matamis. "Let's start!" Dinala niya ako sa tabi ni Azvameth. Lahat ng tingin ay pupunta ulit sa akin. Ang hindi ko kinaya ay ng mapadako ang tingin niya sa akin. Ang tanging hinihiling ko nalang ngayon ay ang makaalis at matapos na ito. Hanggang ngayon ay hindi ko pa din pala kayang makita siya. Kahit ang makatabi siya ay hindi ko magawa.

"Mi Amoire," he whispered.

Minabuti kong hindi siya tingnan at yumuko na lang. Huminga ako ng malalim at pilit mapakalma ang sarili ko. Halos lahat na yata ng santo ay natawag ko na.

"Mukhang nahihiya si Miss."

Una akong ipakilala kay Azva. Nang mahawakan ko ang kamay niya napahigpit ang hawak niya sa kamay ko. Mabuti nalang ay saglit lang iyo. Sunod-sunod niya akong ipakilala sa iba pang mga myembro.

Laking pasasalamat ko ay natapos din. Umalis ako sa stage at muling umupo. Muli akong tumingin sa stage at nahuli ko si Azva na nakatingin pa din sa akin. Pangungulila ang nakita ko sa mga mata niya habang nakatingin sa akin.

Hindi ko na kinaya pa kaya naman tumayo ako at umalis. Nagtungo ako sa veranda at doon mag-pakalma ng sarili. Unti-unting pumatak ang mga luha ko. Dahil ang sakit na akala ko ay nabaon ay hindi pa pala nawala. Ang sakit na ginawa nila kung bakit naging miserable ako.

Tumingin ako sa buwan na siyang naging saksi sa sakit na naranasan ko noon. Kung saan ito din ang saksi sa pagmamakaawa ko noon.

"Ikaw ang nakasaksi ng paghihirap ko noon. Ikaw din ang siyang naging liwanag ko mula noon hanggang ngayon. Hindi naman masama kung ngayon sayo ako magsasabi diba?" Parang baliw kong tanong.

Kung nandito siguro si Syn ay sinampal na niya ako. Nasampal na ako sa karupukan ko hindi dahil sa pagmamahal ko kung hindi sa hanggang ngayon meron parin pala ang sakit na naiwan nila sa akin. Kahit sa pagtingin ko palang sa kanya.

Patuloy lang sa pagpatak ang luha ko. Hindi ko alam kung bakit ganito ako kahina, kung bakit hanggang ngayon hindi ko pa rin kayang makita sila.

"Mi amore,"

Natigilan ako ng marinig ang boses niya. Sa loob ng pitong taon ay hindi ko narinig ang boses niya.

"Mi amore."

Hindi ko alam gagawin ko sa mga oras na ito. Dahan-dahan akong lumingon at nakita siya na malapit na sa akin. Habang tinitignan siya ay muling bumalik sa akin ang lahat. Bawat detalye ng mga pangyayaring iyon na nagkaroon ng lamat sa puso ko.

Azvameth: The Deceiver Mafia Boss (UNEDITED VERSION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon