Nagising ako nang maramdaman ko ang sakit ng katawan ko. Nakatali ang mga kamay at paa ko sa isang upuan kung kaya't hindi ako makagalaw ng maayos. Sumibol ang kaba sa dibdib ko dahil hindi ko alam kung ano ang pwedeng mangyari sa akin. Nanatili akong nakayuko at nakapikit para makiramdam sa kung ano ang dapat kong gawin. I need to think wise para makaalis ako dito. I need to act brave even I am so scared.
"Gago! Sigurado ba kayo sa ginawa ninyo? Nandamay kayo ng inosente. Kapag nalaman ni Boss to siguradong tatamaan kayo." Pasimple kong iminulat ang mga mata ko para makita ko kung sino ang mga taong kumuha sa akin.
Una kong napansin ang dalawang lalaking nakatayo paharap sa akin. Sila ang mga kaaway ni Ice kanina sa cafeteria. Ibig-sabihin ay schoolmate ko sila.
Inilibot ko ang paningin sa lugar kung nasaan ako at napansin ko ang mga lumang classroom furniture sa paligid ko. Pamilyar sa akin ang lugar. Dinala nila ako sa lumang gym ng school na ginawang storage room. Walang nagagawi sa parteng iyon ng campus dahil nasa dulong parte na ito. Ginawa na itong tambakan ng mga sirang gamit at kung anu-ano.
Nakaramdam naman ako ng kaba at takot sa kung anong pwedeng mangyari sa akin. Wala nang gaanong tao sa school dahil nag-uwian na ang mga ito kanina. Kung mayroon man, malamang ay iilan na lamang ang mga ito at siguradong hindi sila magagawi parteng ito. Hindi ako nagtangkang mag-ingay dahil baka maging dahilan pa ito ng pagkainis ng mga lalaking kumuha sa akin. Nasa school premises pa rin naman ako. Kung makakatakas ako dito alam ko pa rin kung saan ako tatakbo.
"Kung gusto mo pa makita yung girlfriend mo, magpunta ka sa lumang gym." Rinig kong sabi nang isa na tila may kausap sa kanyang telepono. Girlfriend? Ako? Hindi ba ako kilala ng mga lalaking ito? Sino namang mag-aakalang girlfriend ako ng kung sino? Hindi maganda to. Baka makarating sa nga teachers ang issueng may boyfriend ako kahit na wala naman talaga.
Ano ba naman Kath? Hawak ka ng mga taong hindi mo kakilala, reputasyon mo pa rin ang iniisip mo?
Pilit kong kinakalag ng dahan-dahan ang lubid na nakatali sa mga kamay ko. Masakit na ang aking mga braso dahil sa higpit ng tali na nakapalibot sa akin.
"Sigurado ba kayong girlfriend ni Ice itong babaeng ito? Pamilyar ang mukha parang nakita ko na itong babaeng ito kung saan." Si Ice? Boyfriend ko? Gusto kong matawa nang malakas sa narinig ko. Si Ice nga ang dahilan kung bakit nandito ako ngayon. Unang araw pa lamang ng klase pero sakit ng ulo at kapahamakan na kaagad ang binigay sa akin ni Ice.
"P're, gising na." Napatingin sila sa akin kung kaya't tinignan ko sila ng masama.
"Anong kailangan ninyo sa akin?" Matapang kong tanong. I need to act brave. Hindi ko man sila kilala pero sa itsura ng uniform nilang tatlo alam kong schoolmate ko sila. Kapag nakaalis ako ng buhay dito, sisiguraduhin kong maaalis kayong lahat sa school na 'to.
"Sa iyo, wala. Pero sa boyfriend mo, meron." Tumawa ako matapos nilang sabihin 'yon.
"Anong nakakatawa?" Inis na tanong nila sa akin.
"Firs of all, hindi ko boyfriend si Ice so nagkakamali kayo ng taong kinuha para ipain kay Ice." Nagtinginan silang tatlo dahil sa sinabi ko.
"Sinasabi ko sainyong dalawa! Mapapahamak pa tayo sa ginawa ninyo." Galit na sabi ng isa sakanila. Hindi siya kasama ng dalawa kanina sa cafeteria.
"Schoolmates ko kayo diba? Vice president ako ng student council kaya kayang kaya ko kayo ipasuspended or pwede ding kick out kung gugustuhin ko." Hindi ko na napigilan ang pagtawa na kanina ko pa pinipigilan. Nababaliw na yata ako.
"Sinasabi ko na nga ba. Kahit kailan ay palpak kayo. Lagot na naman tayo nito kay boss." Iritang sabi ng isa sakanila. "Mabubuko pa tayo dahil sa ginawa ninyo."
BINABASA MO ANG
After Everything
Teen FictionHow can someone choose between their bestfriend and their man? How can someone so brave face this kind of dilemma? Kassandra Thrix Perez is a well-known student in their university as our Little Miss Perfect because of her intelligence and being act...