Buong buhay ko, ngayon lang ako natakot ng sobra sa parents at Kuya ko palibhasa ay guilty ako sa kasalanang ginawa ko. My conscience is telling me that I should feel bad for what I did last night but my heart keeps on telling me that I did the right thing.Nakaupo kaming magkatabi ni Ice at kaharap namin ang parents ko. Si kuya naman ay nakatayo at palakad lakad sa loob ng living room. Naiirita ako kay Kuya. Kung kumilos ay akala mo'y mag-aasawa na ako bukas.
"Kailan ang kasal?" Seryosong tanong niya na nakapagpalingon sa aming lahat. So ganun nga ang iniisip niya? Na mag-aasawa na ako? Narinig ko ang pagkasamid ni Ice dahil sa tanong ni Kuya. "Ano? Wala kang balak pakasalan ang kapatid ko?" Seryosong tanong niya. Si Mommy naman ay kitang kita ang pagpipigil ng tawa kung kaya't pasimple siyang sinisiko ni Daddy. Kung minsan ay overacting talaga ang kuya ko.
"Kuya, stop it. Ano bang kasal ang sinasabi mo?" Naiinis kong tanong sa kuya ko. "Kung ano man iniisip mo, tigilan mo. Walang nangyaring ganoon." Inirapan ko siya na lalong nagpakunot ng noo niya.
"Ikaw pa ganang magsungit nang ganyan, ikaw na nga may ginawang kasalanan?" Naiinis na tanong niya.
"Ang OA mo kasi magreact." Medyo tumaas ang boses ko na lalong ikinakunot ng noo ni Kuya. I need to say sorry to him later.
"Kassandra." Matigas na sabi ni Daddy. That means I need to stop talking back to Kuya. Yumuko na lamang ako dahil doon.
"Gusto ko pong humingi ng sorry kung hindi ko po naihatid si Kassandra kagabi. Magmula po kagabi nag-iisip po ako ng ipapalusot na dahilan kung bakit ko po siya hindi naiuwi pero wala po talaga akong mahanap na katanggap tanggap na dahilan. Kasalanan ko po kung bakit hindi po siya nakauwi kagabi. Gusto ko po kasi siya makasama buong magdamag. Pasensya na po." Muling yumuko si Ice matapos niyang sabihin iyon. Hiyang hiya siya sa nangyari kagabi.
"Ikaw, Kassandra, may sasabihin ka?" Masungit na sabi ni Kuya.
"Ako na po ang magdadahilan. Nakainom kami pareho kagabi kaya mas minabuti naming hindi na bumyahe ulit para makapagpahinga na po kami pareho. Sorry, hindi na po mauulit " Napatingin ako kay kuya at titig na titig siya sa akin. Napatingin rin si Ice sa akin dahil sa sinabi ko habang kunot ang noo.
"Kinakabahan ako sa mga ganyang tono mo, Kassandra." Napailing na lamang si Ice matapos niyang sabihin iyon. Ngumiti ako sakanya bago hinarap ang parents ko at si Kuya.
"I'm sorry Mommy, Daddy, Kuya." I look at them with sincere apology written in my face. Hinihintay kong magsalita si Daddy dahil sakanya ako pinakanatatakot sa mga oras na 'to pero nakatingin lang siya sa akin at hindi nagsasalita.
"Saan kayo nagstay kagabi?" Tanong ni Mommy. Nararamdaman kong pinipigilan niyang magtanong pero curious siya sa kung ano ba ang nanagyari kagabi. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko dahil alam kong ang cabin ni Ice ay walang nakakaalam kahit na ang mga magulang niya.
"Sa condo po." Simpleng sagot ni Ice.
"Hindi namin nagustuhan ang ginawa ninyo. Alam n'yo naman 'yon 'di ba?" Mahinhing tanong ni Mommy. I can see in her face how disappointed she is to me. "Ayaw ko nang mauulit ulit ang ganito ha?"
"Opo." Sabay naming sagot ni Ice.
"Salamat sa paghatid kay Kassandra, Ice." Tumayo si Daddy hudyat na tapos na ang pag-uusap at pinaaalis na niya si Ice. Tumayo rin si Ice para magpaalam sa mga magulang ko at kay Kuya. "Ihatid mo na si Ice, Kassandra." Tumango ako bilang tugon sa sinabi ni Daddy.
Tahimik at mabagal kaming naglalakad papunta sa sasakyan niya. Nagpapakiramdaman kung sino ang mauunang magsasalita.
Hinawakan ni Ice ang mga kamay ko at iniharap ako sakanya nang makarating kami sa harap ng sasakyan niya. Ngumiti siya sa akin at niyakap ako.
BINABASA MO ANG
After Everything
Teen FictionHow can someone choose between their bestfriend and their man? How can someone so brave face this kind of dilemma? Kassandra Thrix Perez is a well-known student in their university as our Little Miss Perfect because of her intelligence and being act...