Chapter 28

50 4 0
                                    

Nagising ako dahil narinig kong mayroong kausap si Ice. Tumingin ako sakanya kung kaya't napasulyap siya sa akin at ngumiti bago bumalik sa pagmamaneho. Napatingin ako sa palagid at napansin kong malapit na kami sa cabin niya.

"Mico, called me. They are worried." Napadiretso ako ng upo nang marinig ko iyon.

"What did you tell them?" Ngumiti siya bago umiling-iling.

"I told them that I am with you." Simpleng sagot niya.

"What? Hindi mo dapat sinabi." Tarantang sabi ko sakanya na ikinasimangot n'ya.

"It's just Mico and I think he will not tell Krizza that we are together." Seryosong sabi niya habang nagmamaneho.

"Sorry for always worrying." Sabi ko habang nakatingin sakanya.

"It's fine. I understand." Isang sulyap ang natanggap ko mula sakanya habang nakangiti.

"Can I borrow your phone?" Mahinang tanong ko na nakapagpalingon kay Ice. "I'll just call Kuya and Mico. You know me. I can't calm my ass out until I talk to them". Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Ice dahil sa sinabi ko bago niya iniabot sa akin ang cellphone niya.

I dialed Kuya's phone number first to tell him I am fine. I do not know how close they are but kuya hates when someone is asking permission for me. He always wants that I tell him myself what is going on.

"As*hole!" Sagot ni Kuya sa tawag na nakapagpatawa sa akin. Mukhang alam ni Ice ang isinagot ni Kuya kung kaya't kahit na hindi niya narinig ay alam niya ang dahilan ng pagtawa ko.

"Hey! What's with that?" Narinig ko siyang napamura nang marinig na ako ang tumatawag sakanya.

"Kassandra. Go home." Simpleng sabi ni Kuya sa akin.

"I will, Kuya. Mag-uusap lang kami." I heard him sigh. Alam kong nag-aalala si Kuya para sa akin. You know how overprotective he is when it comes to me. I turned the loud speaker on para marinig ni Ice ang mga sasabihin ni Kuya.

"Just go home tonight, will you?" Halata sa boses ni Kuya ang irita dahil dito. Mahinang tumawa si Ice dahil sa sinabi ni Kuya. Inabot ni Ice ang cellphone mula sa akin para marinig siya ni Kuya.

"I will bring her home in once piece, Kriss. No need to worry that much. Wala akong gagawing masama kay Kassandra." Seryosong sabi Ice kay Kuya. Narinig ko ang buntong hininga ni Kuya sa kabilang linya.

"I know. Take care of my baby girl, as*h*le. Give the phone to Kassandra." Inabot niya sa akin ang cellphone matapos nilang mag-usap. Hindi pa rin ako makapaniwala sa way ng pag-uusap ni Kuya at ni Ice.

"Kuya." Mahinang tawag ko kay Kuya para malaman niyang ako na ang nasa kabilang linya.

"Take care of yourself, Kassandra, okay? I trust Ice but still you have to take care of yourself." Bahagya akong napangiti sa sinabi ni Kuya. He is the sweetest kahit na minsan ay wala siyang alam gawin kundi ang bwisitin ako.

"Of course, Kuya. I will." Ibinaba ko ang tawag matapos magpaalam kay Kuya.

"I don't know how the two of you became that close. Nagugulat ako sa way ng pag-uusap ninyong dalawa." Tumawa siya sa sinabi ko at mukhang nagdalawang isip kung sasabihin kung bakit gano'n sila mag-usap ni Kuya.

"Kinausap ako ng Kuya mo noong natulog ako sainyo dahil wala kang kasama. Galit na galit siya sa akin dahil mapagsamantala raw ako." Napaawang ang bibig ko sa sinabi niya na tinawanan niya lamang. Naalala kong doon rin nagsimula ang pagkainis ni Kuya na sa tuwing mababanggit ang pangalan ni Ice ay inis na inis siya.

"What did he say?" Nag-aalalang tanong ko.

"Hindi dapat ako pumayag na doon matulog dahil tayong dalawa lang. I explained to him that your parents ask me to because you are alone. Mas delikado kung ikaw lang mag-isa. I think he understood my reason pero hindi lang talaga mawala sa isip niya na natulog tayo nang magkasama sa bahay ninyo." Namula ang mukha ko dahil doon. Kung iba ang makakarinig ay iba ang iisipin but we didn't do anything. We even slept in the living room.

After EverythingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon