The next day, I went to school early. I need to do my report regarding to what happened to me last night. Kahit na nakuha ko pang tumawa pagkatapos ng mga nangyari, natatakot at nababahala ako sa kung anong pwede pang gawin ng mga lalaking 'yon. Paano kung sa ibang babae naman nila gawin ang bagay na 'yon?
Kailangang itong maaksyunan kaagad. Hindi biro ang pagkuha ng kung sino man para gawing pain sa mga kaaway nila.
The morning class went well without that Ice Boy. Not that I am concern, pero paano kung may iba pa palang masakit sakanya bukod sa mga sugat niya? Pero no'ng naghiwalay naman kami mukhang okay naman s'ya. Cargo de konsensya ko kung may nangyari palang masama sakanya dahil sa akin kagabi. Hindi naman n'ya obligasyong puntahan ako, pero pumunta pa rin s'ya para iligtas kung sino man 'yong babaeng nakuha ng mga lalaking 'yon. I should still be really thankful to Ice.
Kumakain kami ng lunch ni Krizza sa loob ng cafeteria nang may tumabi sa aking lalaki na nakasuot ng hoody jacket at wayfarer. Marahil kaya ganito ang suot niya ay para maitago ang mga pasa na nakuha niya kagabi.
"Kassandra."
"What do you want?" Tinaasan niya ako ng kilay na para bang sinasabi n'yang ang kapal ng mukha kong magtanong ng ganon at baka nakakalimutan kong may atraso ako sakanya. Unang-una sa lahat, wala akong atraso sakanya. Kasalanan n'ya ang nangyari. Buti nga at nagpasalamat pa ako sakanya kahit na hindi naman mangyayari sa akin 'yon kung hindi dahil sakanya. Yeah. Ungrateful bitch.
"Hindi ba't ikaw ang may kailangan sa akin?" He's not looking at me but he is smiling. Ano bang nginingiti-ngiti nitong unggoy na to. Akala nya ba madadaan n'ya ako sa mga ganong ngiti n'ya? No. Kasama ang pangalan n'ya sa mga nireport ko sa guidance office kanina.
"Ano ba gusto mo? If you think that I will not include your name on the report, well, you were mistaken. Just wait for your suspension letter." I smirked at him afterwards.
"What? Are you serious about that?" Tila nag-aalala n'yang tanong.
"Yup." Simple kong sagot pero tila nairita s'ya. His fault. Not mine.
"Lagot na naman ako sa Daddy ko nito. I can't be suspended again. I might be grounded this time." Nag-aalala n'yang sagot.
"Your fault. Not mine." Sinamaan n'ya ako ng tingin dahil sa sinabi ko.
"Ano bang nangyayari dito? May nangyari ba? What happened?" Nagtatakang tanong ni Krizza sa amin ni Ice. Alam ko namang hindi ako titigilan nitong babaeng to kung hindi ko ikukwento sakanya ang nangyari.
"Ikukwento ko sayo mamaya. You won't believe what just happened to me dahil sa lalaking ito."
"You should be thankful that I saved you. Buti nga't pinuntahan pa kita eh." Tinaasan na naman n'ya ako ng kilay na tila hinuhusgahan n'ya ako sa isip n'ya.
"Thank you then. Now, what do you really want?"
"Later after class. We need to talk."
"About the report? Yeah. Sure. I badly need your help but still your name will be included." Seryoso kong sabi. Hindi ako nang-iinis lang o ano. Kailangan niya kasi malaman na hindi niya matatakasan na siya ang puno't dulo ng nangyari.
"Can't you see this? This is all because of you." He removed his wayfarer and faced me. Nakita ko yung mga pasa niya.
"What happened? Anong nangyari kagabi Kassandra? Are you okay? Bakit may mga pasa si Ice? Ikaw nasaktan ka ba? Are you okay, Ice?" Halata ang pag-aalala sa mukha ni Krizza. She is the sweetest thing on earth. She is somehow soft but also a bitch. Kaya kung sakanya nangyari ang nangyari sa akin kagabi, baka natrauma na ito.
BINABASA MO ANG
After Everything
Teen FictionHow can someone choose between their bestfriend and their man? How can someone so brave face this kind of dilemma? Kassandra Thrix Perez is a well-known student in their university as our Little Miss Perfect because of her intelligence and being act...