These past few days, everything went well. Hindi ako nilalapitan ni Ice. One thing I like the most about him, marunong siya makiramdam sa mga nangyayari sa paligid nya. He's not selfish. Hindi niya ako nilalapitan pero nararamdaman ko ang presensya niya. It's either he will help even I am not asking for it or he will just walk past me while smiling.I appreciate everything he does. He consistently send me messages like Good Morning, Good Afternoon, Good Evening and Goodnight. He will even send message to ask me if I already had my meals. I appreciate all of those. Those simple gestures make me want to go to him and forget all my worries but I know I can't do that.
"Good Morning." Nilingon ko ang lalaking malaki ang ngiti. Ang aga pero hyper itong si Mico. Siya at si Krizza ang palagi kong kasama nitong nga nakaraang araw. Nagulat nga ako at hindi pa sila nagkakabalikan ni Hera. Their previous break-ups usually only last for a day or two but it's been a week.
Sabay kaming naglalakad papunta sa classroom namin. Hindi maiiwasang makaagaw kami ng pansin lalo na sa latest break-up issue ni Mico at Hera.
"Mukhang di ka na naman nakatulog ng maayos ah?" Napakurap kurap ako nang maramdaman kong gustong bumagsak ng mga mata ko dahil sa antok.
"I'm sleepy." Walang buhay kong sabi na ikinatawa ni Mico.
"Magang-maga yang eyebags mo." Tila nag-aalalang sabi ni Mico.
"I'm fine. Palagi naman akong puyat. Normal ko 'to." Simple kong sabi.
"If you have problem, you can always count on me, okay?" Nakangiti niyang sabi. I know that. Mico and Krizza are always the best dudes in town.
"Hey Love birds. Kayo na ba?" Sigaw ni Krizza nang makapasok kami ng room. Naghiyawan naman ang mga kaklase namin.
Hinanap ng paningin ko si Ice at nakita ko siyang nakatitig sa akin. Nang makita niyang nakatingin ako sakanya ay malungkot siyang ngumiti at nag-iwas ng tingin.
Nagdiretso na lamang ako sa upuan katabi ni Krizza at hindi pinansin ang mga sinasabi ng mga kaklase ko. Mayroong natutuwa pero mas marami ang naiinis.
"Ikaw babae ka kung anu-anong sinasabi mo." Sinagot niya lamang ako ng halakhak.
"Kunware ka pa, gusto mo rin naman." Inirapan ko siya bago ako napalingon kay Ice. Nakatingin rin siya sa akin. Itinaas niya ang cellphone niya upang ipakitang mayroon siyang message sa akin. Mabilis kong tinignan si Krizza kung nakita niya ba ang ginawa ni Ice pero nakita kong abala siya sa pakikipagusap sa katabi niya.
From: Ice
Hi. I miss you.Tinignan ko lamang siya matapos ko itong mabasa.
From: Ice
Palagi kayong magkasama ni Mico. Nagseselos ako. Sorry if I'm being annoying. Sana hindi pa ako huli. Sorry.Nakakalungkot isipin na nasasaktan ko si Ice dahil sa desisyon ko pero kailangan ko itong gawin para kay Krizza.
"Kath." Mabilis kong itinago ang cellphone ko nang magsalita si Krizza.
"Tatabihan ko si Ice ha? Okay ka lang dito mag-isa?" Kinikilig na paalam niya sa akin. Nginitian ko siya bago tumango.
Pinagmasdan ko ang mabilis na paglapit ni Krizza kay Ice. Nakakainggit na malaya niyang naipapakita ang nararamdaman niya. Samantalang ako, pilit kong pinipigilan para sa ikabubuti ng relasyon ko kay Krizza.
Napansin kong nakatingin si Ice sa akin. Nang makita niyang nakatingin rin ako sakanya ay napansin ko ang pag-iling niya. Hindi ko alam kung para saan iyon pero ipinagsawalang bahala ko na lamang ito at bumalik sa pagbabasa.
BINABASA MO ANG
After Everything
Teen FictionHow can someone choose between their bestfriend and their man? How can someone so brave face this kind of dilemma? Kassandra Thrix Perez is a well-known student in their university as our Little Miss Perfect because of her intelligence and being act...