We will have a dinner. Nauto na naman ni mommy si kuya para manlibre. Galante naman talaga si Kuya lalo na kung may pera. Siya ang gumagastos ng mga pangangailangan ko sa school. Ang sabi nila mommy itabi ni Kuya ang mga pera niya para makapag-ipon dahil balak na rin nilang magpakasal ng girlfriend niya pero pinipilit niyang siya ang gagastos sa akin para sila mommy ang makapag-ipon. That is why kailangan kong makakuha ng scholarship grant kapag nagcollege na ako. Para hindi na nila isipin ang gastusin ko.
My Kuya is 7 years older than me. I am now 18 and my kuya is 25. Maagang nagpakasal ang mommy atsaka ang daddy. Medyo nahirapan sila noon noong bago pa lamang sila kaya nagfocus muna sila pagpapalaki kay Kuya kaya malayo ang edad namin.
Kasama namin si Ice na magdidinner. Nakasakay ako ngayon kay Ice, si mommy kay daddy at si kuya sa sarili niyang sasakyan. Ang kotseng gamit ni Daddy ay ang lumang kotse pa nila ni Mommy. Sabi nga nila'y halos kaedad ko na raw ang kotseng iyon. Magaling lang talaga mag-alaga ang parents ko.
"Your family is cool." Pambabasag ni Ice ng katahimikan. Diretso pa rin ang tingin niya sa daan pero nakangiti siya.
"Yes. Kaya kapag magkakasama kami sobrang ingay at gulo." Natawa ako dahil doon. Kung makakasundo mo lang talaga ang Mommy atsaka ang Kuya ko, hindi matatahimik ang mundo mo kung kasama mo sila. Si Daddy naman ang kapareho kong tahimik lang pero minsan nahahawa rin kami sa pagiging maligaling ni Mommy at Kuya.
"Nakakatuwa na kahit na ngayon lang nila ako nameet, welcome na agad ako sakanila." Madali naman kasi makasundo ang family ko lalo na kung makakasabay ka sa pagiging masayahin nila.
"Wait until you see my family with Krizza. Akala mo si Krizza ang anak. Kasundo nila sa kalokohan." Tumatawa kong sagot.
"So, kanino ka nagmanang masungit?" Nakangiti niyang sabi saka niya ako tinapunan ng saglit na tingin.
"Ako? Masungit? Parang hindi naman yata." Inirapan ko siya na nakapagpatawa sakanya.
"You are kind. I know that." Ngumiti na lamang ako at tumingin sa labas ng sasakyan.
Nang makarating kami sa restaurant, nandoon na sila mommy at hinihintay na kami.
"Kuyaaaa!" Napalingon at napahinto kami nang marinig namin ang boses na iyon.
Nang makita ito ni Ice ay isang magandang ngiti ang sinalubong niya sa batang nagtawag ng kuya sakanya bago siya naupo para salubungin ito ng yakap. Siguro'y nasa 5 taon ang batang nagtawag kay Ice.
"Hi baby. How are you?" Tanong ni Ice matapos yakapin at halikan ang batang tumawag sakanya ng Kuya. Hindi maipagkakailang kapatid niya ito dahil magkamukhang magkamukha sila.
"Ice, mauna na kami sa loob ha?" Paalam ko kay Ice.
"Wait for me. I will introduce you to my family." Nakangiting sabi ni Ice. Nauna na sila Mommy sa loob at naiwan ako. Ang sabi ni kuya ay lalapitan na lamang daw niya ang nga magulang ni Ice kapag nagkita na sila sa loob.
"Ice baby." Mabilis na lumapit si Ice sa isang magandang babae na lumabas ng sasakyan. Kamukhang kamukha niya si Ice.
"Mom." Yumakap ito sakanya at humalik. Ganoon rin ang ginawa nito sa daddy niya.
"Kailan kayo nakauwi?" Tanong ni Ice.
"Kanina lang tanghali. I've been texting you. Hindi ka sumasagot." Tila nagtatampong sabi nito.
"I left my phone in the condo. Sorry." Yumakap itong muli sa ina.
"Kuya, who's with you?" Tanong ng siguro'y isa pang kapatid ni Ice na kalalabas lamang ng sasakyan. Nakatingin ito sa akin na tila ba kinikilala ako. "I think I saw her somewhere. I just can't remember where? Do you know me, ate?" Tanong ng kapatid ni Ice sa akin.
BINABASA MO ANG
After Everything
Teen FictionHow can someone choose between their bestfriend and their man? How can someone so brave face this kind of dilemma? Kassandra Thrix Perez is a well-known student in their university as our Little Miss Perfect because of her intelligence and being act...