Chapter 29

46 4 0
                                    

Sampung minuto na akong nakaupo sa loob ng banyo ni Ice dito sa cabin n'ya. Hindi ko alam kung paano ako lalabas at magpapakita sakanya na nakasuot ng mga damit niya. Pakiramdam ko ay pulang pula ang mukha ko.

I am wearing his shirt and his boxer brief inside his pajamas.

"Kassandra, you okay there?" Nag-aalalang tanong ni Ice sa labas ng pintuan ng banyo. Siguro'y nakasandal siya doon dahil sobrang lapit ng boses n'ya.

"I can't go out like this. Do you have a robe there?" My voice is cracked because I am almost crying.

"Hey you crying? Come out here. You are beautiful whatever you wear. Open this door, Kassandra or I will break in." Nataranta ako sa sinabi niya kung kaya't mabilis kong binuksan ang pintuan at nakita ko siyang kunot noong nakatayo sa harap ko.

Inabot niya ang kamay ko at inikot ako para tignan ang kabuuan ko.

"Stop that!" Mabilis akong humiwalay sakanya at tumalikod. Nang marinig ko siyang tumawa ay hindi ko na napigilan ang mga luha ko. This is what I hate everytime I am drunk. I am so emotional. Damn that alcohol.

"Hey. Hey." Mabilis siyang lumapit sa akin nang marinig niya ang mahina kong hikbi. Iniiwas ko ang mukha ko para hindi niya makita ang pag-iyak ko. "Look at me. Look at me." Hinawakan niya ang mga pisngi ko para maiharap ang mukha ko sakanya. "Sorry. Sorry. Let's go upstairs? I'll tuck you to bed before taking a shower. You fine with that?" Pinunasan niya ang mga luha sa pisngi ko.

"Go take a shower. I will wait for you here." Muli akong nag-iwas ng tingin dahil titig na titig siya sa akin.

"You look great, Kassandra." Simpleng sabi niya habang inaayos ang buhok kong tumatakip sa mukha ko.

"You laughed at me." Malungkot kong sabi na nakatanggap ng mahihinang hagikgik galing sakanya.

"You so damn fine wearing my clothes, Kassandra. Natawa ako hindi dahil tinatawanan ko ang itsura mo ngayon. Natawa ako dahil hindi ko alam kung anong reaksyon ang dapat kong ipakita sa gano'ng sitwasyon. You look hot. Hindi mo alam kung anong klaseng pagpipigil ang ginagawa ko ngayon." Napansin ko ang pamumula ng pisngi niya dahil sa hiya. I love how he blush everytime he is shy. Ramdam ko rin ang pamumula ng mukha ko dahil sa sinabi niya. "I'll just take a shower then we'll sleep, okay?"

"Akala ko ba mag-uusap tayo?" Ngumiti siya at tumango.

"Yes, we will. We'll talk after I took a shower. You wait for me here in the couch or you want to take a rest on the bed?"

"I'll just wait for you here. By the way, have you called kuya already?" Kinakabahang tanong ko. Kung sasabihin niyang hindi pumayag si Kuya ay talagang mag-aaya akong umuwi.

"Yes." Alanganin niyang sagot. "He is mad at first but I promise him that I will not touch you."

"I won't let you. Sapakin kita." Inirapan ko siya bago ako naupo at binuksan ang TV para malibang ako habang hinihintay ko siyang maligo.

"But you kissed and hugged me." Binato ko siya ng unan na mabilis niyang nasalo at ibinatong pabalik sa akin. Pumasok siya sa banyo nang tumatawa habang ako ay hiyang hiya sa mga sinasabi niya.

Alam kong mali pero masaya ako ngayon. Masaya akong kasama si Ice na ganitong wala kaming iniisip kundi kaming dalawa lang. Ngayon ko narealize kung gaano kasaya ang magmahal.

Naalala ko yung mga masasayang araw na magkasama kami bago pa man ako nagdesisyong layuan siya. Naaalala ko kung gaano kalakas ang tawa ko dahil sa mga kalokohan niya. Hindi lang pagpapalakas ng tibok ng puso ko ang epekto niya sa akin kundi pati ang pagpapasaya at pagbuo ng araw ko ay kayang kaya niyang gawin. This is the first time that I felt this way. I am happy but I know that this will not last long. Kailangan ko pa ring kausapin si Krizza tungkol dito. I just want to cherish this night to remember forever.

After EverythingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon