I know that I have been selfish since the day that I made Ice my boyfriend knowing that my bestfriend likes him. I know that I need to tell her sooner what's between me and Ice. I will tell her everything but I really don't know where to start.
Please.. please give me time.
"Ang aga aga ang lalim na agad ng iniisip mo." Hindi ko napansin ang pagpasok ni Mico sa SSG office kung kaya't bahagya akong nagulat nang magsalita siya.
"Ang aga mo." Pag-iiba ko ng usapan.
Mayroon kaming meeting para sa mga natitirang gawain bago ang graduation. Mayroong meeting sa Student government and mayroon rin sa homeroom class. Alam naman na namin ang mga mangyayari sa mga susunod na araw pero may mga event lang talagang ayaw namin gawin kaya kakausapin namin ang admin.
Sa ngayon, hindi ang pagiging officer namin ang iniisip ko. Siguradong magtatanong si Mico sa nangyari noong isang gabi.
"I am worried about you. What happened?" Inilapag niya ang pouch ko sa lamesang inuupuan ko. Heto na nga bang sinasabi ko.
"I'm sorry Mico if I made you worried. Sobrang lasing ko na rin kasi kaya hindi ko na naalala ang mga gamit ko." Paghingi ko ng paumanhin kay Mico.
"That's the thing, Kassandra. Lasing ka noong gabing iyon kaya kami nag-alala sayo. Alam ko kung sino ang kasama mo kaya sobra akong nag-alala. Sorry to say but I don't trust him." Mico and Ice are not friends. They are just classmates. They were never close.
"Wala akong gagawing hindi maganda kung si Kassandra ang involve, Mico." Napatingin kaming dalawa ni Mico sa taong nakasandal sa pintuan.
"Oh yeah?" Sarkastikong tugon ni Mico.
"Trust me this time, Mico. I will never hurt my love." Seryosong sabi nito habang naglalakad ito papalapit at titig na titig sa akin.
"I will never trust you, Ice." Iiling-iling na sabi ni Mico bago ito humarap sa akin. Hinawakan nito ang mga kamay ko at seryosong tumingin sa mga mata ko. "I trust you on this, Kath. Alam kong alam mo ang ginagawa mo. Alam kong napag-isipan mo na 'to ng maraming beses. Be happy, okay?" Isang yakap ang ibinigay sa akin ni Mico na nakapagpainit ng puso ko. "You know that I love you right? You can always talk or cry to me if this guy right here hurt you. I am always ready to throw a punch for you." Bulong nito na nakapagpatawa sa akin.
"Thank you so much, Mics." Isang kamay ang pumagitna sa aming dalawa. Nakasimangot ang magaling na si Ice habang hinahatak ako papalayo kay Mico.
"Para kang ewan d'yan.' Tumatawa kong sabi sakanya. Pinagsalikop niya ang aming kamay bago humarap kay Mico.
"I know that I was never a good guy in your eyes but believe me this time Mico. I love Kassandra." Seryoso itong nakatitig kay Mico.
"Ice.." Hinaplos ko ang braso niya para kumalma siya dahil ramdam ko ang tensyon sa pagitan ng dalawang ito.
"It's fine, baby. I am just talking to Mico." Ngumiti siya sa akin bago muling itinuon ang atensyon kay Mico.
"Dapat lang, Ice. Hindi mo alam ang sinusugal ni Kassandra makasama ka lang." Seryosong sagot ni Mico. Tumingin si Mico sa akin at nginitian ako. "Huwag mo siyang sasaktan at paiiyakin." Muli siyang tumingin kay Ice. "Sana kung mangyari man ang kinatatakutan namin ni Kassandra, nand'yan ka para samahan siya."
Alam ko kung ano ang tinutukoy ni Mico. Si Krizza. Alam kong mahirap para kay Mico ang mga nalalaman at nakikita niya ngayon dahil kaibigan niya rin si Krizza pero ginagawa niya ito para sa akin.
"Thank you, Mico." Halos mapayuko ako matapos kong sabihin iyon. Nahihiya ako sakanya dahil pati siya ay nadadamay sa mga issue ko sa buhay.
"Don't worry, Kath. Wala akong sasabihin kahit kanino. Alam kong pinag-iisipan mo ang mga bagay bago mo gawin pero kung hindi naman sigurado akong magagawan mo ng paraan. I trust you." Nakangiti nitong sabi sa akin. "Osya, hali na kayo sa classroom."
BINABASA MO ANG
After Everything
Teen FictionHow can someone choose between their bestfriend and their man? How can someone so brave face this kind of dilemma? Kassandra Thrix Perez is a well-known student in their university as our Little Miss Perfect because of her intelligence and being act...