Chapter 11

100 8 0
                                    

Dumeretso na kami sa cabin ni Ice pagkagaling namin kila Tatay Ramon. Sila Tatay Ramon pala ang care taker ng cabin ni Ice.

Dumeretso kami sa loob dahil tirik pa ang sikat ng araw sa park. Napakaganda ng loob nito. Simple lang ang style ng cabin kung kaya't napakapayapa ng pakiramdam kung nasa loob ka ng bahay. Binuksan ni Ice ang mga kurtina upang pumasok ang liwanag sa loob ng bahay.

Pagkapasok sa pintuan, kapansin pansin na tatlong kulay lang ang makikita sa loob ng bahay: puti, gray and blue. Pagkapasok sa pintuan, naroon ang L-shaped couch na kulay gray na nakaharap sa dalawang ceiling to floor window. Sa dingding sa gitna ng mga bintana, mayroong flat screen TV. Isang hagdan na nakadikikit sa mga dingding ang naroon sa tabi ng couch paakyat sa isang open room. It was a hanging bedroom. Sa ilalim nito ay naroon ang kusina at ang banyo. Ang buong bahay ay napaliligiran ng mga naglalakihang bintana.

"What can you say about my cabin?" Nakangiti niyang sagot. Halatang siya mismo ay natutuwa sa itsura ng kanyang cabin.

"It's beautiful." Nilibot ako ang paningin sa buong bahay. Kitang kita ang labas ng bahay dahil sa mga naglalakihang bintana. Binuksan niya ang aircon at nagsimula nang mag-ayos ng lamesa para iayos ang mga pagkain. Nilapitan ko siya upang tulungan sa pag-aayos.

Tahimik kaming kumain ng tanghalian. Maya't maya kaming nagkakatinginan ni Ice at maliliit lamang na ngiti ang reaksyon naming dalawa.

Matapos naming kumain at nag-hugas ng pinagkainan ay naupo lang kami sa couch at isang nakakabinging katahimikan ang namayani sa loob ng cabin.

"Kassandra."

"Ice."

Sabay naming sabi na nagpatawa sa amin.

"Ladies first." Nahihiyang sabi ni Ice.

"No. I just want to say thank you. Thank you for bringing me here. I know that this is your private place. Why did you bring me here in the first place?" Takang tanong ko sakanya. Nag-iwas siya ng tingin na parang nahihiya siya sa tanong ko.

"It's just this is the safest place for us to be together. The last time that I went near you, you were kindnapped. Kahit na araw araw kong gusto kang lapitan, natatakot ako na baka ikapahamak mo na naman." Umiwas siya ng tingin matapos sabihin iyon.

"Ice, thank you but it was not your fault." Hinawakan ko ang kanyang balikat kung kaya't napatingin siya sa akin. Kaya pala hindi na niya ako nilapitan matapos ang insidente sa school.

"It is Kassandra. It was all my fault." Nginitian niya ako ng tipid ngunit mayroong lungkot sa kanyang mga mata.

"Ikaw pa nga ang nagligtas sa akin. Kaya hindi ikaw ang may kasalanan. Bakit ang drama mo today?" Natatawa kong tanong sakanya.

"I just realized the consequences of my actions. May mga taong napapahamak ng dahil sa akin." Kitang kita yung lungkot sa mga mata niyang nang sinabi niya iyon.

"Hindi mo naman intensyon 'yon. Atsaka wala namang masama sa ginagawa mo. Palagi mong iisipin na yung goal ng samahan niyo ay nakabubuti para sa maraming tao. Pagkakamali na ng iba kung minamasama nila ang ginagawa ninyo. Isipin ninyo yung mga taong natulungan n'yo. Marami-rami na sila." Pagpapalakas ko ng loob niya. Tama naman ako 'di ba? Nakakatulong pa nga sila sa pagpapanatili ng kaayusan ng community.

Napansin kong nagliwanag ang kanyang mukha dahil sa sinabi ko. Napangiti siya at tinitigan ako.

"Salamat Kassandra. Nakita ko rin ang ginawa mo kanina kay Alicia. Sa mga simpleng magpapaalala at pagpapalakas mo ng loob ng mga tao hindi mo alam kung gaano kalaking tulong ang ibinibigay mo sa amin." Napangiti naman ako sa sinabi niya.

After EverythingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon