Maaga akong nagising para mag-ayos ng mga dadalhin ko para sa outing. Ang plano ko ay kagabi ako mag-aayos pero hindi ko na nagawang magbukas ng bag dahil sa sobrang pagod. Halos hating gabi na rin kami nakauwi dahil may kalayuan rin ang venue ng event kagabi.
"I'm still sleepy!" Ibinagsak ko ang katawan ko sa higaan. Pakiramdam ko ay pagod na pagod pa rin ako.
Alam mo iyong pakiramdam na kapipikit mo lang para matulog tapos mag-aalarm na iyong orasan mo? Bakit ang bilis ng gabi?
Mabilis akong bumangon nang mayroong kumatok sa pintuan ko. Nakahinga ako ng maluwag nang makita kong 7:02 pa lang ng umaga.
Ang usapan namin ni Ice ay susunduin niya ako nang 8:00 am.
"Kath, anak." Mabilis kong pinagbuksan ng pintuan si Mommy.
"I'm awake, mom." Pupungas pungas kong sabi.
"Make it faster, Kassandra. Huwag mong paghintayin susundo sa'yo. Nakaayos na ba ang mga gamit mo? Nadala mo ba lahat? Undies, deo, toothbrush, hairbrush, towel, facetowel, charger?" Nilapitan ni mommy ang bag na pinaglagyan ko ng mga gamit ko at tinignan ang mga laman. "Magagamit mo na ang swimsuit collection ng K's this summer." She's so excited about the new swimsuit that she brought home from Kassandra's. She designed them herself that is why she is very proud of it.
"Dadalhin ko lang, My. Pero hindi ko sure kung isusuot ko. Kung makakapagswimming naman ako nang nakashorts at tshirt, ganoon ako maliligo." I said while frowning.
"Napaka-conservative mo anak pero kapag nakita mo na ang mga pinsan ni Ice na nakaswimsuit siguradong mahihiya kang magtshirt at magshorts habang lumalangoy. Mabuti na lang at dala-dala mo iyong mga swimsuit mo. Magpakabait ka doon ha? Wag masyadong masungit." Tumango ako bago pumasok sa loob ng banyo para maligo. "Bilisan mo ang paliligo baka biglang dumating si Ice." Narinig ko ang pagsarado ng pintuan ng kwarto ko hudyat na lumabas na si Mommy.
Habang naliligo ako ay iniisip ko kung paano ba ako makikitungo sa pamilya ni Ice. Hindi naman niya ako girlfriend kaya hindi ko maintindihan kung bakit pumayag akong sumama sa family outing nila. Nakakahiya naman kasing tumanggi sa mga pinsan niya lalong lalo na kay Snow na siya pang nagpaalam para sa akin.
I'll just be myself. In that case, it will not be hard for me.
Nagsuot lamang ako ng tattered shorts and a racer back black sando at pinatungan ko ng floral oversized polo na halos kasing haba ng shorts ko. Tinernohan ko ito ng itim na adilette sandals at itim na belt bag.
"Oh bakit ayos na ayos ka?" Komento ni Kuya nang makasabay ko siyang sa pagbaba ng hagdanan.
"What? Do I need to look ugly? Sorry but that ain't gonna happen ever." I saw him rolled his eye.
Nang makarating kami sa dining area ay mayroon nang nakahandang almusal. Naroon sila Mommy na nagkukwentuhan habang nag-aalmusal.
"Good Morning, Daddy. Good Morning, Mommy." Humalik ako sakanila bago ako naupo para mag-almusal.
"Ang ganda ganda naman ng bunso ko." Nilapitan pa ako ni Mommy para tignan ang suot ko.
"Huwag niya lang huhubarin iyang polo na 'yan." Sumimangot ako dahil alam kong ang suot ko na naman na shorts ang problema ni Kuya sa akin.
"Outing 'yon Kuya hindi formal event kaya alam kong tama lang ang suot ko." Ang pagiging conservative ni Kuya hindi nagmamatch sa mga gustong ipasuot ni Mommy sa akin. Mommy loves sexy clothes. Palagi niyang sinasabi sa akin na kung siya raw ay kaedad at kakatawan ko ay siguradong palaging maganda ang outfit niya.
Habang kumakain kami ay hindi tinigilan ni Kuya ang suot ko at isusuot ko pagdating sa resort. Pinagalitan pa nito si Mommy nang sabihin nitong magagamit ko na ang mga iniuwi niyang swimsuit.
BINABASA MO ANG
After Everything
Teen FictionHow can someone choose between their bestfriend and their man? How can someone so brave face this kind of dilemma? Kassandra Thrix Perez is a well-known student in their university as our Little Miss Perfect because of her intelligence and being act...