We will be meeting outside the Oasis at 8pm later. Gustong sumama ni Kuya sa amin na mariin kong tinutulan. I don't need a chaperone. Duh!
"Kuya, faster." Hinihintay ko siyang matapos magbihis dahil ihahatid niya ako. Kung ayaw ko raw siyang isama ay ihahatid na lamang niya ako para makasigurado siya kung saan talaga ako pupunta at kung sino ang mga kasama ko. I don't know if I will be thankful for having a protective brother or be irritated instead.
"Let's go. Madaling madali ka d'yan akala mo naman may late late sa pupuntahan mo." Inis na sagot nito sa akin.
"Baka nandoon na sila at ako na lang ang hinihintay. Nakakahiya." Inirapan ako ni Kuya dahil sa sinabi ko at walang salitang dumeretso sa sasakyan nya.
"Kuya, don't be mad na. Magpapakabait ako doon." Nakangiti kong sabi kay kuya na lalong ikinasimangot nito.
"I want to ask Ice to go with you para mabantayan ka. Hindi ko alam kung bakit kahit na inis na inis ako sakanya dahil nililigawan ka niya pero ang laki pa rin ng tiwala ko sakanya." Natahimik ako dahil sa sinabi ni kuya.
"You're not gonna do that, kuya. Matagal na kaming hindi nag-uusap. Please." Napailing na lamang si Kuya dahil sa sinabi ko. Hindi ko na alam kung gaano katagal na kami hindi nag-uusap. Okay naman ako basta 'wag ko lang siya makikita.
"Hindi sa nakikialam ako sa mga gusto mong mangyari, Kassandra ha? Ang sa akin lang naman hanggat maaga maiayos mo na ang conflict sainyong tatlo." Tinitigan ko lamang siya at inilingan.
"Nothing, Kuya. Still the same. Haven't done anything about it yet. I'll just do it like this. As if nothing is happening." Napailing na lamang si Kuya dahil sa isinagot ko. Kung ano man ang mangyari alam kong hindi ako pababayaan ng pamilya ko lalong lalo na si kuya.
Nakarating kami sa Oasis nang hindi na nagtatanong ulit si kuya tungkol doon na ipinagpasalamat ko naman. Nadatnan namin ang tatlo na harap ng Oasis at naghihintay.
"Nandito na pala ang Reyna Elena natin." Inirapan ako ni Krizza na tinawanan namin ni Kuya.
"Si Kuya ang may kasalanan. Ang bagal bagal kumilos." Inirapan ko si kuya kung kaya't tinawanan niya lamang ako.
"Mico, ang mga bilin ko ha? Alam kong ihahatid mo pa si Hera, pero paki hatid rin itong dalawang ito ha? Sa iyo ko na ibibilin 'tong dalawang pasaway na 'to." Nakangiting paalala ni Kuya kay Mico na tinanguan ng huli.
"Join us na kasi Kuya Kris." Mabilis kong siniko si Krizza na napansin ni kuya kung kaya't sinimangutan niya ako.
"I can't. Your Ate Lean is waiting for me. Oh paano? I have to go. Mauna na ako." Nagpaalam na si kuya sa amin. Pinaalalahanan niya pa kaming mga babae na huwag bigyan ng sakit ng ulo si Mico.
Nang makaalis si Kuya, pumasok na kami sa loob ng Oasis. Sinalubong kami ng malakas na tugtog, amoy ng alak at sigarilyo at kanya kanyang kwentuhan at tawanan ng mga tao doon.
"Where do you want to stay? Do you want to go to the VIP room or do you want to stay here downstairs?" As the owner of Oasis. She has the priviledge to the VIP room. "I'll ask if mayroong available na VIP para doon na natin ilagay ang mga gamit natin bago tayo pumarty dito sa baba. Go find a nice table. 'Wag kayo kukuha ng malapit sa dancefloor ha? Masyadong maingay." We occupy table near the corner sa may gilid ng bar counter. Si Hera ang namili para daw mabilis ang ikot ng drinks. Wala naman akong balak maglasing pero kung mageenjoy ako, why not. Isang pagalit lang naman ito sa parents ko at maging kay Kuya. Natawa ako dahil sa naisip ko.
Nang makabalik si Krizza, mayroon itong kasamang waiter na inutusan niya upang magdala ng gamit namin aa VIP room para hindi na kami umakyat at makapagstart na kaming magparty.
BINABASA MO ANG
After Everything
Teen FictionHow can someone choose between their bestfriend and their man? How can someone so brave face this kind of dilemma? Kassandra Thrix Perez is a well-known student in their university as our Little Miss Perfect because of her intelligence and being act...