Chapter 16

89 8 0
                                    

The program proper for the Anniversary of GGC had started. As usual program for this kind of event: speeches, introduction of projects and a lot more. Ice and I are sitting with my parents. Pamaya-maya na lang ang punta namin sa table ng mga relatives ni Ice para makabonding rin niya ang mga ito.

"So as of now, a mall is under construction located in the southern part of the Metro. This is a very huge project because GGC's goal is to make it the Biggest Shopping Mall in the South. So let us give you an insight about this project. I am calling on stage Mr. Kristoffer Tyrone Perez." Pinalakpakan ng lahat ng taong naroroon si Kuya. Nakakataba ng puso ang mga naaabot ng Kuya ko.

Halata sa pagsasalita ni Kuya na magaling siya sa kung ano ang ginagawa niya. Masayang masaya si kuya dahil mahal niya ang pagiging engineer. Malaki ang ngiti nito habang nagpepresent sa harap ng maraming tao.

Kitang-kita ang pagiging proud ng parents ko at ni Ate Lean kay Kuya. Nakangiti ang mga ito habang nakikinig sa sinasabi ni Kuya.

Naramdaman ko ang paghawak ni Ice sa kamay ko sa ilalim ng lamesa kung kaya't napatingin ako sakanya. Nakatingin ito kay kuya na tila nakikinig. Patay malisya ang isang 'to.

Nang aalisin ko na ang pagkakahawak niya sa akin,
lalo lamang humigpit ito. Tumingin siya sa akin at ngumiti.

"Why?" Mahina kong tanong sakanya.

"Nothing." Itinaas niya ang magkahawak naming mga kamay at hinalikan ang likod ng aking mga palad. Nakatingin siya sa akin at halata ang saya sa kanyang mga mata.

Naputol ang pagtitinginan namin nang magpalakpakan ang mga tao hudyat na tapos na magpresent si Kuya.

Muling umakyat si Tito Ice sa stage. Inakbayan niya si Kuya at nagpasalamat.

"So today, we noticed how great this man in front of us is. He is one of my best engineer in our company. So I would like to take this opportunity to introduce to you this young man, Kristoffer Tyrone Perez, our new Senior Civil Engineer." Nagpalakpakan ang mga tao dahil doon. Tuwang tuwa ang parents ko dahil sa nasaksihang promotion ni Kuya.

Nagpasalamat si Kuya sa natanggap niyang pagkilala at promotion. Tuwang tuwa siyang bumalik sa pwesto namin. Sinalubong namin siya ng yakap at pagbati.

"Kuyaaaaaaa. Manang-mana ka talaga sa kagalingan ko." Pabirong sabi ko sakanya bago ko siya niyakap. "Congrats, Kuya. The best ka talaga." Sabi ko na ikinatuwa niya.

"Alam ninyo ni Ice 'to?" Masama ang tingin niyang tanong sa amin na tinanguan naman naming dalawa ni Ice.

"Sana ininform niyo naman ako para nakapaghanda ako ng speech. Muntik na akong walang masabi kanina dahil sa saya." Halatang-halata ang saya ni Kuya.

"Hindi ka pa prepared sa lagay na yan ha? Ang yabang mo sa stage." Pang-iinis ko sakanya. Inirapan niya naman ako bago niya niyakap si Ate Lean at hinalikan sa noo.

Nakatitig lamang ako kay Kuya at kay Ate Lean nang maramdaman ko si Ice sa tabi ko habang nakatingin rin sa dalawa.

"I love seeing someone so inlove." Wala sa sariling sabi ko sakanya.

"You will be inlove soon too." Nakangiti niyang sabi sa akin.

"My parents are also very much inlove." Lumipat ang tingin ko sa mga magulang ko. Nakahawak si daddy sa likod ni mommy para alalayan.

"You'll experience it too." Nakangiti siya habang sinasabi ang mga iyon.

Tuloy-tuloy ang pagbati kay Kuya kung kaya't tuwang tuwa kaming lahat. Gano'n rin ang saya ng parents ko dahil sa promotion ni Kuya. Nang makilala ng mga tao roon sa event na si Daddy ang tatay ni Kuya naging maganda rin ang pagbati sakanya. Ang sabi pa ng mga tao ay kaya naman pala magaling ang kuya dahil may pinagmanahan ito.

After EverythingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon