"Kath, nandito na si Ice. Bakit ba ang tagal tagal mong gumayak?" Naiinis na sabi ni Kuya. Hindi ko na siya pinansin at nagmadali na lamang sa pagligo. Ang usapan kasi ay 3 PM niya ako susunduin. 2:30 pa lang oh. Nagmamadali tuloy ako ngayon.Nagsuot na lamang ako ng simpleng loose shirt, sexy maong shorts and rubber shoes. Mabilis kong tinuyo ang buhok ko. Nagpulbos na lamang ako at naglagay ng kaunting liptint. Sanay naman si Ice sa aking wala akong ayos. Kinuha ko ang isang sling bag at inilagay sa loob ang cellphone, wallet, liptint, pulbos at susi ng bahay.
Bumaba ako at nakita ko si Kuya at si Ice na nagkukwentuhan sa living room.
"Ano ba naman yang suot mo Kassandra? Wala na bang iikli yang shorts mo?" Naiinis na sabi ni kuya. Ikinatawa naman ito ni Ice.
"Kuya, alam mong mahaba na to. Kapag nagpalit ako ng shorts mas maikli na dito." Tumawa ako kaya napairap si kuya sa akin. Ang shorts na suot ko ay may haba na hanggang kalahati ng hita. Mahaba ito kumpara sa ibang shorts ko. Galit na galit si Kuya at si Daddy tuwing sinusuot ko ang mga iyon pero tinatawanan lang namin ni Mommy.
"Ang aga mo naman Ice. Ang sabi mo 3 pm mo ako susunduin. 2:30 pa lang nandito ka na." Nagmamaktol kong sabi kay Ice.
"Wag mong sisihin si Ice. Nakakabwisit kasi yang nakasanayan mong gagayak ka lang kapag malapit na ang oras. Palagi ka tuloy nagmamadali." Napagalitan na naman ako ni Kuya. Palagi naming pinagtatalunan ang bagay na ito.
"Eh bakit gagayak ng maaga kung maghihintay pa rin ako ng oras?" Balik kong tanong kay Kuya.
"Mas okay na ikaw ang naghihintay. Hindi yung ganito na 'yong sundo mo ang naghihintay sa'yo." Masama na ang tingin sa akin ni Kuya kaya hindi na ako sumagot.
"Tara na Ice." Pag-aaya ko kay Ice. Tumayo naman ito at nagpaalam kay kuya.
"Babye Kuya." Paalam ko dito habang papabas ng bahay.
"Isusumbong kita kay Daddy, ang ikli ng shorts mo." Sigaw niya na tinawanan ko na lang.
Dumeretso na kami ni Ice sa kotse niya. Pinagbuksan niya ako ng pinto na nakapagpangiti sa akin.
"Wow, bait natin ngayon ah. Anong nakain mo at gentleman ka ngayong araw?" Pang-iinis ko kay Ice na tinawanan na lang niya.
"Ang ikli nga ng shorts mo." Reklamo rin nitong isang kasama ko.
"Mahaba na nga 'to." Sinamaan ko siya ng tingin.
"Eh gaano pa kaikli yung sinasabi mong mas maikli mong shorts?" Inirapan niya ako matapos sabihin 'yon. Tumawa ako sa naging reaksyon niya.
"Hanggang ilalim ng puwet." Tumawa ako matapos kong sabihin 'yon.
"Isinusuot mo 'yon kahit sa labas ng bahay?" Salubong ang kilay niyang tanong. Tinapunan niya ako ng tingin at mabilis ring ibinalik ang atensyon sa daan.
"Oo. I love wearing shorts. Ayaw kong nakapants." Nakangiti kong sagot sakanya. Nakatingin lang ako sakanya. Natutuwa ako sa reaksyon niyang nakakunot ang noo.
"Mukhang hindi lang gown ang ibibili ko sayo ah. Mukhang pati pantalon at leggings na rin." Nakangiti niyang sabi sa akin.
"Magtigil ka jan. Ako ang bibili ng gown ko. May pera naman ako kahit papaano. Maghanap na lang tayo ng mura." Nakakahiyang siya ang gagastos nang para sa isusuot ko. Hindi naman siguro kailangang makipagsabayan sa mga ibang bisitang aattend ng party. Simpleng gown ay ayos na.
"No, Kassandra. Ako ang gagastos ngayon." Ngumiti na lamang siya sa akin. Tahimik na lamang kami hanggang sa makarating kami ng mall.
Dadaan muna kami sa K's para sabihin kay Mommy na may pupuntahan kaming party. Pagdating namin sa shop ay sinalubong ako ng yakap ni Ate Mia. Siya ang kasama at katulong ni mommy dito sa shop.
BINABASA MO ANG
After Everything
Novela JuvenilHow can someone choose between their bestfriend and their man? How can someone so brave face this kind of dilemma? Kassandra Thrix Perez is a well-known student in their university as our Little Miss Perfect because of her intelligence and being act...