Vacation is almost over. Tomorrow will be the first day of my last semester as a high school student. 5 months more then I will be stepping up to the new chapter of my life. I am kind of excited and nervous at the same time.
Nakakakaba na ang dami kong gustong marating sa buhay. Ang dami kong gustong gawin na para bang napakadaling abutin lahat ng iyon. But then you will realize, life is not that easy. Not because you want it doesn't mean you will have it. Not because you can doesn't mean you will achieve it.
I am currently at K's scrolling through my email. I am waiting for a reply to my university application hoping that one of my dream university will email an approved application.
Kung wala akong ginagawa sa bahay ay tumutulong ako sa K's. Ako ang nagkakahera kapag nandito ako. Sunday ngayon kaya medyo marami ang mga namamasyal at namimili.
"Kath, ano gusto mong meryenda?" Tanong ni Ate Mia.
"Ikaw?" Balik tanong ko kay Ate Mia.
"Ay hindi ako pwede. Exclusively for Paul lang ako." Tumatawang sagot nito. Lumapit si Mommy sakanya para batukan ito.
"Lumayo-layo ka kay Kassandra, Mia." Kunot noong sabi ni Mommy.
"Hindi na, Tita." Tumatawang sabi nito. "Ano ba kasing bibilhin ko?" Muling tanong nito.
"Parang gusto kong magmeryenda ng kanin." Wala sa sarili kong sabi.
"Tigilan mo ang kanin napupunta lahat sa dibdib mo." Tumawa ako dahil sa sinabi ni Ate Mia.
"Ay Ate, you haven't seen my swimsuit photo." Hinanap ko ang picture kong kinuhanan ni Katherine noong outing. "Look!" Ipinakita ko sakanya ang mga pictures ko na nakapagpatili sakanya.
"Hala Tita dalaga na talaga si Kassandra. Napakaganda ng katawan. Pwedeng pwedeng model ng summer collection." Aniya. "Sino itong mga kasama mo? Ang gaganda rin." Tanong nito.
"Mga pinsan ni Ice 'yan." Sagot ko dito. Muli niyang tinignan ang mga picture na tila nagtataka.
"Nasaan si Ice?" Muling tanong niya.
"Busy lang siya n'yan kaya wala siya d'yan." Kibit balikat kong sagot.
"Tita, gawin na nating model ng swimsuit si Kassandra." Pangungulit ni Ate Mia kay Mommy.
"Gusto mo bang itakwil ako ni Kris?" Inirapan ni Mommy si Ate Mia. Siguradong magagalit si Kuya kapag nangyari iyon. He is very protective of me.
Napatingin kami sa pintuan ng boutique ng bumukas ito at maingay na nagtatawanan ang mga pumasok dito.
"Kassandra!" Masayang bati ni Katherine. Magkakasama silang magpipinsan. Mabilis na hinanap ng mata ko si Ice na nakatingin ring pabalik sa akin. Mabilis kong iniwas ang tingin ko sakanya at itinuon ang atensyon ko sa mga pinsan niya at Kay Snow.
Nagkausap na kami ni Ice tungkol sa nangyari noong bakasyon pero ngayon pa lamang kaming nagkita ulit ng personal.
"Hi. Namamasyal kayo?" Bati ko sakanila.
"Yes. Then this Ice told us that you might be here because it's weekend so we decided to come." Niyakap ako ni Katherine.
Nilapitan kami ni Mommy para batiin sila. Nagmano at yumakap si Ice kay Mommy bilang pagbati.
"Hi, Tita Kristina. These are my cousins po." Magalang na pagpapakilala ni Ice sa mga pinsan. "Guys, this is Tita Kristina, Kassandra's mom." They greeted my mom respectfully.
"Hi. Napakagagandang bata ng mga ito." Puri ni Mommy sa mga ito. "Ipinapakita pa nga lang ni Kassandra ang mga picture ninyo noong outing. Pasensya na kayo kung umuwi ng maaga si Kassandra ha?" Nagkatinginan ang magpipinsan dahil sa sinabi ni Mommy. Ice looked at me apologetically.
BINABASA MO ANG
After Everything
Teen FictionHow can someone choose between their bestfriend and their man? How can someone so brave face this kind of dilemma? Kassandra Thrix Perez is a well-known student in their university as our Little Miss Perfect because of her intelligence and being act...