Chapter 27

50 6 0
                                    

Tahimik kaming nakaupo ni Mico sa loob ng kotse niya. Walang nagtatangkang bumasag ng katahimikan. Hindi ko alam kung paano ko ipapaliliwanag sakanya ang mga narinig niya.

"You wanna go home?" Simpleng tanong niya sa akin. Napayuko ako dahil mukhang masisira ko ang gabing ito.

"No, Mico. I will stay. Let's go back inside. Baka hinahanap na nila tayo. Baka magalit si Hera at isipin niyang inaagaw na naman kita sakanya." Isang awkward na hagikgik ang isinagot ko. Natutuwa ako na hindi siya nagtatanong.

"She will not. Siya ang nakakita sainyo ni Ice. Pinapunta niya ako sainyo dahil baka may hindi magandang nangyayari sa'yo." I am glad that she is concern about me now.

"Thank you, Mico. Thank you for being a friend to me." Napayuko ako matapos kong sabihin iyon. Nahihiya ako sakanya at kay Hera. Nahihiya akong may gusto ako sa gusto ng bestfriend ko.

"No worries, Kassandra. We are friends. I even consider you and Krizza my bestfriends. If you need something from a friend, don't hesitate to talk to me, okay?" Mas lalo akong yumuko dahil hindi ko na napigilan ang luha ko. Kanina pa ako naiiyak dahil sa mga nangyayari. "Hey, don't cry. Lagot ako kay Kuya Kriss nito." Bahagya akong natawa dahil sa sinabi niya. Kung alam niya lang na si Kuya ang dahilan kung bakit nandito si Ice ngayon. Nakakainis talaga.

"Sorry, Mico. Let's go back inside." Pinunasan ko ang luha ko at bahagyang nag-ayos ng sarili para hindi mahalatang umiyak ako.

Papalapit na kami ni Mico sa area kung saan kami nakapwesto pero napansin kong wala doon si Krizza.

"What took you so long? Kanina pa nakabalik dito sa loob si Ice. You cheating on me with Kassandra?" Tinignan kami ng masama ni Hera. Bahagyang natawa si Mico bago pinitik ang noo nito.

"Kung nagseselos ka pala bakit pinatulungan mo si Kassandra sa akin?" Inakbayan ito ni Mico at hinalikan ang pisngi. Inirapan ko silang dalawa na naging dahilan ng pagngisi nilang pareho.

"Where's Krizza?" Tanong ko.

"I am not her babysitter. I don't know." Inirapan niya ako matapos sabihin ito. Hindi ko na siya pinansin at inilibot na lamang ang tingin sa paligid.

"Huwag mo na hanapin. Babalik rin 'yon." Tinignan ko siya ng masama bago ko inilibot muli ang paningin ko para makita kung nasaan si Krizza. I saw her standing right next to sitting Ice on the counter stool. She is laughing while Ice is just listening to what she is saying. Palaging ganoon ang tagpo sa tuwing lalapitan ni Krizza si Ice para kausapin.

Nanikip ang dibdib ko dahil sa nakikita. Hindi ko alam kung dahil ba nakikita ko sila nang magkasama o dahil nakikita kong binabalewala ni Ice ang mga ginagawa ni Krizza para sakanya.

"Kassandra, shot." Inabutan ako ni Hera ng isang shot ng tequila na mabilis kong ininom. "Sinabi na kasing huwag na hanapin eh." Iiling iling na sabi ni Hera. Alam niya kung nasaan si Krizza kaninang nagtanong ako. Ayaw niya lamang itong sabihin sa akin dahil alam n'yang masasaktan ako.

"We will not ask you to tell your story to us right now. We will wait. I will wait until you are ready to tell me, your other best friend, what is happening between the three of you. You can trust us always, Kassandra. Hera and I are here for you." Ngumiti si Mico sa akin matapos sabihin ito.

"Yeah. Kahit na hindi kita masyadong gusto, I won't let anyone get hurt because of her wrong decision in life. To be honest Kassandra, naiinis ako dahil sinasaktan mo ang sarili mo. Ice likes you but you are pushing him away. Then here you are, hurting. I just don't understand. Make sure you are okay, alright?" Pinilit kong ngumiti kay Hera kahit na alam kong totoo ang sinasabi niya. I am doing this for Krizza and not for myself.

After EverythingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon